Kabanata 7

338 29 16
                                    

Gabrielle's POV

"Waaaaaaaaasaaaah!!!! Tulongggggg" sigaw ko na halos bumasak pati sa eardrums ko

Ngunit wala akong naramdamang dumapo sa balat ko. Tanging bugbugan ang narinig ko kaya't nagmulat na ko

Si Adrian. Sya na naman?

Dumating na naman si Adrian ng di ko inaasahan. Nabuhayan ako ng loob, akala ko katapusan ko na, whew.

Nagagawa nyang makasuntok pero mas nadadaig sya nung dalawang panget. Di ko kayang panuorin lang na nadedehado si Adrian. Teka, umisip ako ng paraan para makatulong.

Dali dali akong kumuha ako ng pabango sa bag ko at lumapit ng bahagya sa dalawang panget

SHHHHHHHHH

Inispray'an ko lang naman yung mata nila.

"Ahhhhhh!!!!"sigaw nila

"Tara na Adrian!!!!" kinapitan nya ko sa kamay tapos tumakbo na kaming dalawa palayo

Yung takbo na yun nakaabot na ng bahay. Oo, grabe lang. Mas nakakahingal to sa kanina. Walang wala yung multo sa cr.

"Aray." Bulong ni Adrian. Ginagamot ko kasi yung sugat nya sa gilid ng labi

"Wag ka kasing malikot." sabi ko habang dinadampian ko ng betadine ang sugat nya "Susugod sugod kasi di naman pala kaya." kasunod nito ang mapanukso kong tawa

Sumama ang tingin nya sa akin. "Ikaw na nga ang tinulungan eh. Pasigaw sigaw ka lang naman." katwiran nya

Napangiti naman ako. Malaki naman talaga ang naitulong nya. Bago sya dumating, hopeless na ako dahil nga napuno na ng kaba yung dibdib ko. Pakiramdam ko wala na kong kawala kahit na magwala ako doon. "Pero teka nga, paano mo nalaman na kailangan ko ng tulong ng mga oras na yun?" usisa ko. Naisip ko kasing halos ilang minuto na din yun nung paunahin ko na sya makauwi

"Ha? Eh.. ano kasi, ang lakas kaya ng sigaw mo. Di pa ko nakakalayo nun." paliwanag nya

Tumango naman. "Thanks to you, kasi twice mo na kong sinave. Una yung sa multo tapos ngayon yung sa mga panget. Di ko talaga araw ngayon, lagi akong napapahamak eh" sabi ko na nakapagpangiti naman sa kanya

"Tingin ko, 3 times na kitang sinesave." sabi nya na nakapagpakunot ng noo ko "Ha? Kelan yun? Wala akong matandaan." putekk, papaalala nya ba yung sa bar? No, di pwede.

"Yung sa mga test papers." hayy, nabigyan ako ng relief ng sabihin nya yan. Oo nga pala, sinave nya ko nun. Nabawasan yung sintensya ko dun kahit paano. Dami ko na palang atraso sa kanya.

Nahuli ko na lang ang sarili ko na nakikipagngitian sa kanya. Okay naman pala sya. Akala ko kasi nung una siya yung tipo ng tao na hindi ko makakasundo.

"So, ibig sabihin friends na tayo?" tapos inilahad nya yung right hand nya. Medyo na awkward ako sa tanong nya pero nakabawi agad ako

at tinignan yung kamay nya sabay abot "Yes, friends na tayo." tapos nagtawanan kaming dalawa.

Di ko na itatanggi, gwapo din pla sya. Lalo na pag nakatawa. Lumalabas kasi ang dimples nito at ang kanyang mata ay halos gumuhit na lang dahil sa pagtawa. Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Pati nga si len ay type ito, kung di lang siguro mas bata sa amin to ay nagpacute na sya dito.

"Gabby, mas maganda ka pag nakangiti." nagulat ako sa sinabi nya pakiramdam ko ay namula ako. Ano ba kasi ang pumasok sa isip nya at wala sa wisyo nyang sinabi sa akin yun? Nilihis ko ang tingin ko sa kanya para na rin maitago ang mukha. "Alam ko naman iyon, matagal na." tapos tumawa ako kunyari. Para lang mawala yung awkward feeling dinaan ko na lang sa biro ang sagot ko, iba kasi ang naramdaman ko sa sinabi nya.

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon