Kabanata 13

241 15 6
                                    

<Adrian's POV>

"Coach, pahinga muna ko. Medyo sumasakit ulit yung ankle ko eh." pagpapaalam ko sa coach namin.

Dito kami sa court nagpapractice ng basketball. Naglakad ako papalapit sa bleacher para makaupo doon. Iniangat ko ang paa at saka nagdahan dahang inikot yun. Ang sakit, parang kumikirot. Dapat ko na yata ipatingin to eh.

Nagulat ako sa paglitaw ng bote ng gatorade sa harap ko. Nagawa kong lingunin ang pinanggagalingan ng kamay na yun, at nalaman kong siya ang babaeng nagpakilala sa akin at nagyayang kumain ng lunch last time. Tinitigan ko sya ng maige.

"You want?" pag aalok nya ng nakangiti. Di ko naman nagawang tinanggihan yun, baka sabihin nya nagsusuplado ako.

Nailang naman ako ng bigla sya umupo sa tabi ko, yung tipong isang dangkal na lang ang layo nya sa akin. Nakakahiya ang itsura ko, kakatapos ko lang maglaro natural na pawis na pawis ako ngayon. Pakiramdam ko ang baho baho ko.

"Natatandaan mo pa ba ako? Ako yung---" -Siya

"Yeah. I know you."-Ako

Napangiti naman sya na lalong nagpaganda sa kanya "Nakakatuwa naman at natatandaan mo pa ako."

"Kilala kita sa mukha. Pero i forgot your name, ano nga name mo?"-Ako

Humaba ang nguso nya pero ang cute pa rin di tulad sa ibang nagpapout na ang sarap bigwasan.

"Tamara. My name is Tamara Esteffan. From section A." tapos nagsmile na sya ulit. "At least you remember my face, okay na yun kesa wala kang natatandaan."-siya ulet

Muli kong binigyan pansin ang paa kong nananakit. Inikot ikot ko yun para maibsan ang sakit.

"What happened? Masakit yung ankle mo?" tanong nya in concerned way tapos bigla syang lumuhod sa harap ko at kinuha ang binti ko, hinilot hilot nya yung ankle.

Nailang ako lalo sa kinilos nya kaya pinigilan ko sya agad. "Uy, uy tamara anong ginagawa mo? Tumayo ka na dyan."

Salamat naman at napasunod ko syang tumayo at bumalik sa pagkakaupo. Mabuti na lang at walang nakakita ni isa sa mga teammates ko kung hindi napaulanan na naman ako ng tukso.

"Why? Sabi mo masakit yung ankle mo bakit ayaw mong hilutin ko?"-siya

Nakakapanibago ang ganitong klaseng babae, yung hindi nahihiya gumawa ng first move. Ngayon lang ako nakatagpo ng katulad nya.

"Hah? Ayos lang ako. Wag mo na ko alalahanin."

"Gusto mo, samahan kita sa clinic?"-siya

"No need. Palagay ko pahinga lang ang kailangan nito. Tsaka alas singko pasado na, sarado na ang clinic." tapos tumayo ako "Sige, una na ako. Salamat pala dito." ang tinutukoy ko ang gatorade na hindi pa nababawasan. Ngumiti na lang sya bilang sagot.

Naglakad na ko palayo ng paikaika. Patagal ng patagal lalong sumasakit. Lumapit ako kay coach para magpaalam "Coach, uwi na ko ng maaga. Kailangan na talaga ng pahinga ng paa ko eh, sumasakit lalo."

"Ganun? O sige magpahinga ka na. Gusto mo ba ipahatid kita kila badjie hanggang sa inyo? Kaya mo bang umuwi mag isa?"

"Di na po. Kaya ko naman."

Tumango na lang si coach at hinayaan na akong makaalis. Nagpalit muna ako ng damit at inayos ang sarili sa cr. Pagkalabas ko ng gate ng school nahirapan pa akong makahanap ng masasakyan. Walang nagdadaan na taxi. Gusto ko kasi isang sakay na lang para di na ko mahirapan sa paglalakad.

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon