Kabanata 10

310 21 5
                                    

<Gabrielle's POV>

Habol ako ng habol sa kanya. Ang bilis kasi magpatakbo ng bisikleta akala mo pag aari nya ang daan na hindi manlang magawang tumigil sa pagpedal. Nang makarating kami sa bahay dali dali syang bumaba doon at itinabi ang bike sa gilid.

"Oh nandito na kayong dalawa? Kamusta ang pag gagala nyo?" bungad ni tita barbs ng makita kaming papasok ng bahay. Pero si Adrian ni hindi manlang nabigyang pansin ang tita at nagawa lang itong daanan na parang hangin. Kaya naman ako na lang ang pinagbalingan ni tita barbs. "What's wrong with him? Nag away ba kayo?"

"No tita. Di ko din po maintindihan kung bakit ganyan sya." sabi ko na lang. Di na lang muna ko magdadaldal, palagay ko ay tama na ako lang muna ang may alam sa nangyari. Ayaw ko syang pangunahan.

Mukha namang di na inintindi ni tita barbs ang inasal ng binata. "Hay, he's still weird as before. Hayaan na natin sya. Tara na sa kusina, help me to cook." aya nya at naglakad ng patungo sa kusina

"Cassedy" bulong ni Adrian sa hangin. Tila nakakita ng multo ang itsura nya.

Binigyan ko naman ng tingin yung dalagang tinawag nya ng Cassedy

Halata din ang pagkagulat nito.

"K-kuya Adrian, a-anong ginagawa mo d-dito?" utal na sabi nung cassedy.

Lumapit sa kanya si Adrian. "Ikaw ang dapat kong tanungin nyan. Di ba ang sabi mo ay nasa Madrid na kayo? Anong ginagawa mo dito." seryosong sabi ng binata. Parang sa tono ng pananalita nya mararamdaman mo yung lungkot at pagmamakaawa

"Hah? A-ano kasi, umuwi ako para balikan ang iilang gamit namin." di makatinging sagot nung cassedy

Hinawakan ng dalawang kamay ni Adrian ang magkabilang balikat ng dalaga. "Si cassandra, nasaan sya? Kamusta sya? Gusto ko sya makausap.." nagiging garalgal na ang tono ng boses nya

"Kuya Adrian, nasasaktan ako. Hindi ko kasama si ate, ayaw ka na nyang makita kaya please bitawan mo na ako."

Tumawang bahagya si Adrian. "Hindi totoo yan, kayo lang ang may ayaw sa akin hindi sya.."

"Yun yung totoo kuya. Sige na, kailangan ko ng pumasok ng bahay." paalam nya pero ng maglakad na si cassedy, bigla syang hinigit pabalik ni Adrian.

"Anong address nyo sa Madrid? Pupuntahan ko sya, gusto ko makita si cass. May fb ba sya? Para mo ng awa, cassedy.." pulang pula na ang mata ni Adrian. Grabe, awang awa ko sa itsura nya. Napakadesperado.

"Hindi pwede kuya! Engaged na si Ate, wag mo na syang guluhin. Maawa ka sa sarili mo!" sigaw nung cassedy

Umiling iling lang si Adrian ng marinig ang mga yun at tuluyan ng tumulo ang kanina pang nagbabadyang mga luha sa mata nya. "No! Hindi totoo yan!" sabi nya habang hawak hawak pa rin ang kamay ng dalaga

"Nasasaktan na talaga ko kuya. Bitawan mo ko!!" sigaw ni Cassedy

Natauhan naman ako ng mapansin kong pilit na pilit na si cassedy sa pagbawi sa kamay nya kaya di na ko nag atubiling lumapit at tinulungan ang dalagang makawala kay Adrian.

"Tama na Adrian." awat ko sa kanya. Parang damang dama ko yung lungkot na nararamdaman nya ngayon.

Tuluyan ng nawala sa paningin ko si cassedy pero si Adrian naman ay nanatiling tulala. "Adrian.." tawag ko sa kanya. Wala akong masabi sa natunghayan ko.

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon