Kabanata 18

211 10 6
                                    

Hayup na kulog at kidlat yan, nakaidlip ako habang nag iisip ng mangyayari sa next chapter tapos biglang nagwala yung langit. Wala nga kasi ko maisip eh, sensya sa fast forward na mangyayari. Ilang weeks na lang kasi at magpapasukan na so dapat matapos na tong PDSYLM. Dami kong talak no? Ge, ito na. Hope you guys enjoy this chapter! Pagtyagaan na lang :)

-------

<Adrian's POV>

"Nandito na ko sa mall, akala ko ba dito tayo magkikita?" Sabi ko kay Tamara. Kausap ko kasi sya ngayon sa celfone.

["Sorry talaga Adrian. Matatagalan pa pala yung meeting. Kung di mo na ko maaantay pwede ka na umuwi."]

"Hindi, sige mag aantay ako dito. Txt ka na lang pag papunta ka na." sagot ko

["Okay. See you later! Bye."] tapos nagend call na sya

Sabado ngayon, walang pasok kaya naisip ko na lumabas kasama si Tamara. Ang kaso, dahil nga nasa higher section si Tamara nagkaroon sila ng meeting sa school. Di ba nga officer sya ng student council sa school, kaya ayun nagiging abala sya tuwing sabado.

Ano naman kaya ang gagawin ko habang nag aantay dito?

Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naisip kong lumapit muna at kumain sa isang food stall doon.

Habang umoorder ako ng pagkain, biglang may kumalabit sa likod ko. Napalingon naman ako dahil dun.

"Sabi ko na eh. Di ako nagkamali, ikaw nga yan Adrian." ngiting ngiti na sinabi sa akin ni Selenara

------

"May inaantay kang kasama? Sino?" tanong ni Len sa akin

Nandito na kami ngayon sa foodcourt at kumakain.

"Si Tamara, may usapan kasi kami ngayon." sagot ko

"Ikaw, wala kang kasama?" balik kong tanong. Naisip ko sana itanong kung di ba nya kasama si Gabby ang kaso baka naman iba ang isipin nya kaya yun na lang ang nasabi ko.

"Wala. Kakagaling lang kasi ni Gabby sa sakit kaya di ko sya maaya." -siya

Ilang araw na din ang nakakalipas nung huli naming pagkikita ni gabrielle at ngayon ay wala na ulit akong balita sa kanya.

"Kamusta na nga pala sya?" di ko na napigilang mangamusta

"Tinrangkaso lang ang babae na yun, pero maayos na sya. Di lang naglalabas ng bahay kasi nga gusto ni Nanay Mila na tuluyan syang gumaling."

Napatango na lang ako sa sinabi nya.

"Matanong ko lang, ikaw ba Adrian at si Tamara mag-on na?" biglang usisa ni Selenara sa akin.

"Magkaibigan pa lang naman kami."-ako

"Talaga? Akala ko kayo na."-siya

Pati ba naman ang tungkol sa amin ni Tamara ay inaalam nya?

"Wala ka na bang gusto kay gabrielle?" nagulat naman ako sa napakadiretso nyang tanong. Anong meron at nag uusisa sya ng ganito?

"Hah? Anong ibig mong sabihin?" tapos binigyan ko sya ng nagtatakang mukha

"Wag ka ng mag inarte, alam ko may gusto ka kay gabrielle. Wala ka bang balak na sa sabihin sa kanya yan?"

Nahihibang na ba sya? Alam naman nya na may boyfriend ang kaibigan nya. Ano bang gusto nyang mangyari?

Di ko na sya sinagot, kumain na lang ako. Alam ko naman walang patutunguhan ang usapan namin eh.

Maya maya biglang napasinghap si Selenara at nagsalita. "Hayy, ano ba mga sinasabi ko? Wag mo na lang isipin yung mga yun hah? Si Gabby kasi ang labo eh pati tuloy ako namomoblema."

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon