Kabanata 15

231 14 6
                                    

Ang kwento ko na to pala lalagpas ng 15 chapters, akala ko lang pala yun na hanggang 15chaps lang. Hehe Sensya, napahaba ng konti dahil may mga eksenang nadagdag. Pero ito ang masisiguro ko, nalalapit na ang pagtatapos ng buhay nyo este ng story na to so sana ituloy nyo lang ang pagbasa. May mga silent readers ba dyan? Comment naman kayo, guyth. Vote na din :)))) Sige na plith :(((( Wuv u ol! ENJOY READING!

----------

<Gabrielle's POV>

Nakaluhod pa rin si Ralph sa harap ko, inaasam ang matamis kong oo. Pero tilang sa pagkagulat ko hindi ko magawang igalaw ang labi ko para sabihing 'oo, pakakasal ako sayo'

"Say yes! Say yes! Say yes!" sigawan ng mga tao sa paligid namin.

Hindi ko maunawaan ang sarili ko, bakit kanina ang saya saya ko, ngayon naman ang pakiramdam ko na ay lito? Pero bakit ako nalilito? May dahilan ba para pagdudahan ko ang mga sinasabi ni Ralph?

Habang nakatitig ako sa nag aantay na mukha ni Ralph may kung anong meron sa paningin ko ng nagpapabago sa itsura nya.

Nakikita kong nasa harap ko si Adrian..pero bakit? Paanong nangyaring maisip ko pa si Adrian sa panahong to? Si Ralph ang kasama ko, hindi si Adrian.

Ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Pilit na binubura ang mukha ni Adrian sa isip ko.

"Say yes! Say yes! Say yes!!" muli ko na namang narinig ang hiyawan ng mga tao.

Nagdilat na ako at inakay tumayo si Ralph sa harapan ko. May kung anu ng kumurot sa puso ko. Di ko na talaga nauunawaan ang sarili. Dapat masaya ako pero iba ang nararamdaman ko. Awa ba to o ano? Aish!

Yung tama ang gagawin ko. Alam ko sya ang mahal ko, oo sya nga at wala ng iba. Huminga muna ko ng malalim at saka nagawang magsalita..

"Yes, Ralph. I'll marry you." then my lips formed a smile

Yung mukhang kabado ni Ralph, napalitan ng pagngiti. Niyakap na nya ko ng mahigpit, ang mukha ko ay nagbaon na lang sa malapad nyang dibdib. Naiiyak ba ko? Di ko maintindihan ang sarili eh biglang may umagos sa mga mata ko.

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid at may mga naghiyawan din.

"Kiss! Kiss!" request ng crowd

Nadinig ko na napatawa ng bahagya si Ralph doon at saka may binulong sa akin..

"Babe, we must give want they ask. Kung wala sila, walang audience." then he continue to laugh

Nag angat ako ng mukha at tinitigan sya. "Why are you crying?" tanong nya.

Di ko din alam. Nagkibit balikat na lang ako at pagkatapos nun, nilamon na nya ng halik ang labi ko na lalong nagpalakas ng hiyawan ng mga tao.

Wala na kong nagawa kundi ang sabayan yun. Mahal ko si Ralph sigurado ako, pero ang pinagtataka ko bakit hindi ako ganun kasaya ng tinanggap ko ang alok nyang pagpapakasal? Nahihibang na ba talaga ako?

--------

<Adrian's POV>

Maaga akong gumising para sunduin si Tamara mula sa kanila. May usapan kasi kaming sabay kaming papasok ng school. Napag usapan din naming dalawa na magcocommute kami sa pagpasok.

Sa mga binitawan nyang salita sa akin, naisip ko na bakit nga hindi ko sya bigyan ng chance? Bakit di ko subukan na mahalin sya? Kaya eto ako, susugal na naman. Wala namang masama. Para tuluyang makalimutan si cassandra at para maiwas ko din ang sarili kay gabrielle. Tama naman kasi na hanggat hindi pa ko tuluyang naiinlove kay gabby, dapat maisalba ko na ang sarili ko sa pangalawang kabiguan. Kung kay Tamara ako susugal, alam ko llamado ako at may aasahan. Kay gabrielle, wala.. malabo ang lahat sa pagitan naming dalawa.

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon