Kabanata 3

420 45 34
                                    

Gabby's POV

Wala sa loob kong inaccept yung request niya. Inistalk ko na din yung facebook ng damuhong 'to, hobby ko eh. Pag wala ng magawa hahanap na lang ako ng pwedeng maistalk.

Napansin kong sa info niya na 1995 siya ipinanganak. Di yata tama ang age niya sa pagiging fourth year? Baka repeater, malamang. Itsura naman niya mukang di gagawa ng matino eh.

Okay, ang meanie ko na masyado.

Pumunta na lang ako sa photos niya. Yung mga photos niya ang daming likes, famous ba sya? Hahaha Corny. Miski tag photos lang niya ang dami din comments, puro compliment pa. Sige na, siya na gwapo. Siya na maraming nagkakagusto. Letsugas, makapaglog out na nga. Nababadtrip lang ako lalo.

Kakatapos lang ng first class ko sa section B. Ang active ng mga students, parang daig pa ako sa english. Nakakatakot.

Papunta na ko sa next class ko sa fourth floor. Sa pag akyat ko ng hagdan pababa naman yung mga lalaki kong estudyante sa section F. Syempre kasama si Adrian. Mukhang magbabasketball na naman sila.

Hindi ko sila pinansin. Kunyari di ko sila natatandaan. Pero nagpapansin talaga yung lalaking mataba, bumati pa sya "Hi ma'am gabby!" ang lapad ng ngiti

Nginitian ko na lang siya bilang sagot. Baka sabihin nagtatanim ako ng sama ng loob.

"Nice one Adrian!" pahabol na sigaw nung mataba tapos pinaulanan na ng tukso si Adrian.

Hayy mga bata talaga.

Vacant namin ni Selenara. Gaya kahapon nandito kami sa covered court at nakatambay habang inaantay yung next class.

"Hoy len, ano yang ginagawa mo?" pansin ko kasi na kanina pa sya busy na nagsusulat.

"Inaayos ko yung official list ng mga students ko." Sinagot niya ako ng hindi tumitingin, tutok lang sya dun sa class record niya.

"Sipag. Damang dama na niyang teacher siya." Natawa naman siya

Napansin ko na parang padami ata ng padami ang estudyante dito sa court. Anong meron?

Di ako nakatiis kaya nakiusyoso na ko sa mga estudyanteng nakaupo din sa bleacher.

"Girl, anong meron bakit maraming estudyante sa court?"

Nilingon naman niya ako at sinagot "May try out daw po ng basketball. Yun po ata?"

Tumango ako tas binalikan si len na busybusihan pa rin.

Maya maya nagstart na nga yung try out. Naglalaro na sila. At kabilang sa mga nagtry out yung limang lalaki ng section F, kasama si Adrian. Ano bang meron sa lalaking 'to at parang may nakikita akong di ko gusto pag nandyan siya. Haayy

Ang ingay ng sigawan. Halos lahat na ata ng estudyante nanunood na ng laro. Si selenara na kaninang busy eh nanunood na din, palibhasa adik sa basketball 'to eh. Di naman naglalaro. Ewan ko ba.

Ako naman pokerface lang pero di ko maiwasan na mamangha sa tuwing may nakakathree point shoot at madalas si lalaking nakajersey #2 ang nakakagawa nun. Si Adrian.

"Ayy!!! Ang galing ni cutie boy #2, girl. Puro three points." sabi ni selenara na parang halos maihi sa kilig.

Magaling nga sya, totoo naman yun. Kaso wala talaga kong kaamor amor pag dating sa basketball. Mas gusto ko pa yata mag piko eh, seriously.

Natapos ang game kaya nagsi alisan na ang lahat sa court. Balik na din kami ni selenara sa klase.

"Hayy, may hang over pa ako sa game eh. Babu girl, dito na ko sa class ko." paalam niya sa akin, iniwan ko na siya kasi sa 5th floor pa ang klase ko.

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon