Ang ganda nung binabasa kong story, putek. Ang kwento, inlove din sa dalawang tao kaso ang ganda lang talaga nun. Parang makasalanan yung babae, may eksena kasi na nakikipag makeout sya dun sa kapatid ng boyfriend nya which is yung second guy na minahal nya. asfghfsdrfsghc kaso ongoing pa. Yung boyfriend dun ng bida grabe, heaven ang ugali in terms of pagiging boyfriend. Nakakainlove. First time ko makatagpo ng ganun ka mature na lalaki sa wattpad. Ewan, baka di ko lang napapansin sa dinamidami na ng nabasa ko wala nako matandaan. XD Osya, tama na pagkukwento ko. Wala lang talaga ko malabasan ng saloobin kaya nagawa ko magshare :-P
____________
<Gabrielle's POV>
Sinusundan ko sya kung saan sya magtungo. Wala sya sa sarili kung maglakad ngayon. Tulala at walang pakialam kung may mabangga man sya. Ako na lang ang humihingi ng dispensa sa mga to. Buti na lang at madalang ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada kung hindi, kanina pa sya nahagip. Hindi ko alam kung saan ba talaga kami dadalhin ng mga paa nya pero nais ko syang sundan at damayan sa nararamdaman. Never ko pa naman naranasan ang ganun pero pakiramdam ko may parte sa puso ko ang dadalamhati din dahil sa nararamdaman nya.
Sa paglalakad may isang tindahan na nadaanan, nakita kong tumigil sya. Pinagmasdan ko lang sya sa malayo kung anong gagawin nya. Nakita ko na inabutan sya ng tindera ng bote ng beer. Mag iinom na naman sya. Lumakad na sya palayo sa tindahan, nagtuloy tuloy na naman sa paglalakad na wala sa katinuan.
"Hoy lalake,yung bayad mo!! Tsaka yung bote, hoy ibalik mo!!!" nagulat ako sa isinigaw ng tindera. Di pala sya nagbayad. Naloloko na talaga sya. Dali dali ako tumakbo sa tindera at nakipag usap. Ako na ang nagbayad ng itinakbo ni Adrian. Nasisiraan na talaga sya ng bait. Paano na lang kung hindi ako nakasunod sa kanya?
Sinundan ko na uli sya. Halos manakit na ang mga paa ko sa kakalakad. Napakalayo ng inabot namin. Nakarating kami sa lugar kung saan walang tao. Malawak na lupain pero tanging mga puno ang nandun. Walang bahay, walang tao tanging kami lang. Nagulat ako ng bigla syang bumagsak at napaluhod.
Umiiyak sya at sumisigaw. "Mga hayop kayo!!!! Niloko nyo ko. Tarantado!!!!" tapos iiyak ulit. Sobra sobrang pagwawala ang ginawa nya. Awang awa talaga ako. Para akong nanunuod ng teleserye mula dito sa pwesto ko. Di ko inaasahan na pati ako nadadala, yung mata ko bumigay na din at naluluha. Di ko to inaasahan.
Di ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit na ko sa kanya. Isang metro na lang ang layo ko. Alam ko naman na nalaman na din nya nasa likod lang nya ko dahil tumigil sya sa paghikbi.
"Wala na, talo na ako. Sana masaya na kayo." sabi nya habang pinupunasan ang luha mula sa mata
"Masaya? Walang naging masaya sa nangyari, Adrian." sagot ko
Ngumisi sya. Halatang ang pait sa ngisi na yun "Talaga? Pwes sabihin mo, ano ang nararamdaman ng dalawang yun ngayon? Di ba nagdidiwang sila dahil sa wakas, malaya na sila."
Natahimik ako sandali. Pinanunuod ko sya habang umiinom. "Marahil oo tama ka. Masaya na sila. Pero sana wag mong hayaan ang sarili mong magmukhang talong talo." winika ko. Kitang kita ko kung paano nya lunurin ang sarili sa alak.
"Maawa ka sa sarili mo. Hindi dito natatapos ang buhay. Alam ko masakit pero walang mangyayari kung maglalasing k.." di ko naituloy ang sasabihin ng bigla nyang ibinaba ang bote sa sahig. Nabasag yun at ang kamay nya ay nanatiling hawak ang piraso ng bote kaya puro dugo ngayon ang kanyang palad. Natakot ako sa nakita ko. Puro dugo talaga.
Lumapit ako sa kanya at agad na hinablot ang kamay nya. Binabawi ito sa akin ni Adrian. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya ang kulit kasi eh. Di nagtagal hinayaan na lang nya ako. Binalutan ko ng panyo ang kanyang palad pero di pa rin tumitigil ang dugo.

BINABASA MO ANG
Please Don't Say You Love Me [FIN]
RomanceEverything is perfect between Gabrielle and Ralph. Not until dumating yung araw na kailangan nilang malayo sa isa't isa para sa mga pangarap nila. A long distance relationship happened but when Gabby needs Ralph, palagi itong wala. Naging invisible...