<Gabrielle's POV>
Ginising ako ng nag iingay kong cellphone na nag aalarm. Kinapa ko yun sa side table ko habang kinukusot pa ang mata. Nahihilo ang aking paningin ng makita ang orasan na 8am na pala. Nag alarm talaga ko para maagang magising at makapag handa sa pagpunta ko sa bahay nila lolo steve.
Wala namang sinabing oras si Adrian sa akin kahapon pero naisip ko na pumunta na lang doon ng tanghalian.
Mag dadala ako ng lutong ulam para naman makabawi ako kay lolo steve. Baka nagtatampo na kasi yun dahil nga hindi ko na sya nabibisita.
Bumangon na ako at niligpit ang hinigaan ngunit parang nakaramdam ako ng pagkasakit ng aking katawan. Pakiramdam ko rin ay ang bigat ng katawan ko. Sa halip na humiga muli ng kama at bumalik na lang sa pagtulog ay pinili kong bumaba na lang at hanapin si Nanay Mila para makapagpatulong na sa pagluluto ng dadalhin kong ulam.
Di ako pwedeng di pumunta kila lolo steve ngayon, baka madismaya yun. Lalo pang magtampo, mahirap na.
Talaga bang si lolo steve ang inaalala ko? O baka dahil kay Adrian?
Nagpailing iling ako dahil sa naisip. Gabrielle, nahihibang ka na talaga.
Pagkarating ko ng kusina, di naman ako nahirapan na makita agad si Nanay Mila.
"Good Morning, nay.." matamlay na bati ko kay Nanay Mila
Nagtaka naman ang mukha nya ng makita ako. Naglapit sa akin si Nanay Mila at dinama ang leeg ko.
"May sakit ka ba? Bakit parang ang tamlay mo, gabrielle?" si Nanay Mila
"Hah? Wala po. Medyo nahihilo lang palagay ko po lalo lang lumalabo ang paningip ko kaya ganun."
"Ganun ba? Naku gabby, dapat pinapacheck up mo na yan." pag aalala ni Nanay Mila
Di na ko sumagot patungkol dun sa halip pinakiusapan ko na lang siya para magpatulong na magluto "Nay, tulungan nyo po ako magluto ng chicken curry. Bibisita po ako sa bahay ng kaibigan ko eh."
Madali ko namang napapayag si Nanay Mila sa hiling kong yun.
--------
Dumating ang tanghalian. Excited akong nag doorbell sa gate nila Adrian.
Dingdongdingdong
Mabilis pa sa alas kwatro na pinagbuksan ako ni lolo steve. Halata talagang gusto nya ako makita ngayon. Mabuti na lang at hindi ko sya binigo.
"Gabrielle! Akala ko nagbibiro lang si Adrian na pupunta ka eh." si lolo steve
Nangiti ako sa kanya. "Syempre naman po lolo. Di kayo magdadalawang sabi sa akin."
"Yan ang gusto ko sayo, gabrielle eh. Tara pumasok na tayo." aya ni lolo
Pagpasok namin ng bahay sa kusina agad kami nagpunta.
"Lo, nilutuan ko kayo ng chicken curry. Kumain na po ba kayo? Tara kain tayo!" -ako
"Tamang tama, di pa ako nakakakain ng tanghalian eh. Tara na nga at magsabay na tayo." ani ni lolo steve
Hinanda ko na ang plato, kutsara, tinidor at baso na gagamitin.
"Ay sandali, tatawagin ko si Adrian na sumabay na sa atin." si lolo steve ulit
Bahagya akong nakaramdam ng kaba. Matapos ng usapan namin kahapon, parang di ko yata alam kung paano kami magpapansinan ngayon. Naiilang kasi ako pero gusto ko pa rin syang makausap, alam nyo yun?
BINABASA MO ANG
Please Don't Say You Love Me [FIN]
RomanceEverything is perfect between Gabrielle and Ralph. Not until dumating yung araw na kailangan nilang malayo sa isa't isa para sa mga pangarap nila. A long distance relationship happened but when Gabby needs Ralph, palagi itong wala. Naging invisible...