Kabanata 5

412 40 29
                                    

Gabrielle's POV

Feeling ko ipinagkanulo ako ng mga kaibigan ko. Lalo na si Selenara, sinabi niyang may gusto ako dito kay Adrian. Kalokohan.

Naiwan ako sa table kasama si Charie at Adrian na tahimik lang na nakaupo.

"Tell me, anong nagustuhan mo kay Adrian?" tanong ni charie sa akin. Putspa, ayaw ako tigilan nito

"Hindi ko siya gusto, cha. " sagot ko

Tinawag nya si Adrian na busibusyhan na nagkakalikot ng phone. Sus, kunyari pa 'tong Adrian na to nakikinig din naman. Halos 1foot lang kaya layo nya saken

"Ikaw Adrian, type mo si Gabby?" ngumingising tanong ni charie

Blanko yung mukha ni Adrian nung tinignan ko.

"Si ma'am?" aniya

Natawa naman si Charie.

"Hahahahaha Pwedeng gabby na lang? Wag na yung ma'am, parang asiwa kasi. Kahit ngayong gabi lang" sabi ni charie "Wala naman kayo sa school, di ba gabby ayos lang sayo? " dagdag nito

Tumango ako. Bahala kayo. Medyo nahihilo na ko dahil na din siguro dun sa pinainom sa akin nila charie. Lakas naman nun makapag pahilo eh parang juice lang naman.

"Hayy, walang mangyayari sainyo kung gaganyan lang kayo. You look good together, sayang. Dun na muna ko ha, baka gusto nyo kase masolo ang isa't isa" tas nagwink sya samin. Nakakaloko siya grabe.

Nanunood na lang ako ng mga nagsasayaw sa dance floor. Wala ko makausap eh. Di ko alam parang nakadama ko ng hiya kay Adrian, naiilang ako sa kanya. Wala din akong maitopic so tatahimik na lang ako para walang problema

Kaso wala kong nagawa nung bigla siyang magsalita.

"Gabby, ayaw mo sumayaw? Kanina pa kasi tayo nakaupo. " tanong ni Adrian

Tinawag niya ko ng Gabby. Nakakapanibago.

"Ayaw ko. Mas gusto ko dito. Ikaw na lang." tanggi ko

Tapos ininom ko yung nasa harap kong juice, dirediretso. Bakit natetense ako? Ugh, kainis naiilang ako sakanya.

"Sige, wag na. Wala kang kasama, dito na lang ako." tapos tumahimik na lang sya ulet

Kainis, mapapanisan kami ng laway kung ganito.

Tumagal na ng 30mins andun pa rin sila at nagsasasayaw samantalang ako, nahihilo. Lalong umiikot ang paningin ko. Iba na din ang pakiramdam ko, parang may nagtutulak sa akin na samayaw din. Nakakaingganyo.

Tinawag ko yung katabi ko. "Pst. Hoy, pst." lumingon sya

"Bakit?" sagot nya.

kinapitan ko yung manggas ng damit nya at hinatak yun palapit sakin.

"Sayaw tayo, tara." inaya ko sya

kaso tumatanggi, kabadtrip

"Gabrielle, lasing ka ba?" sabi nung kausap ko, ako daw lasing, hala di naman ako umiinom hehe baliw sya

"Hinde, unggoy ka. Tara na wag kang kj." hinahatak hatak ko pa din sya

Kinuha nya yung baso sa mesa, may kung ano syang ginawa.

"Lasing ka." pag aakusa nya

"Umupo ka na, tignan mo naubos mo yung kaninang nandito sa baso" di ko maintindihan ipinuputak ng gunggong na to kaya dinuro ko sya

"Kj mo, bala ka dyan. Basta ko sa sayaw."

Adrian's POV

"Kj mo, bala ka dyan. Basta ko sa sayaw." sabi ni gabby tapos tinulak ako ng di kalakasan sabay nagtungo sa dancefloor

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon