Gusto ko na talaga matapos to sa totoo lang. May ending na kasi ako at naeexcite ako sa ending. mwahaha >:9 Tsaka short story lang talaga to, baka umabot lang ito ng 15chapters. Nyeye :-P Naghahanap hanap pala ako ng mga kanta na babagay kahit papaano sa mga chapters. Gusto ko lang may mga kanta sana every chapter kaso mahirap naman yun, pero tatry ko lagyan yung ilang chapters. :))))))) Isa ko pang pinagpaplanuhan ang gumawa ng vid. Pero plano pa lang naman yun. Alam nyo naman ako tamad, minsan hanggang salita lang. XD Okay, dami ko na naman pinagsasabe.
ENJOY READING! WAG DIN KALIMUTAN IVOTE. MAAWA NA KAYO, PARANG PIPINDUTIN LANG NAMAN EH PUHLEEASE :-( THANK YOWWWS
~~~~~~~~~~~~~~
<Gabrielle's POV>
Kakatapos lang ng klase namin ni Selenara nang tanongin nya kung may lakad daw ba ako.
"Girl, may lakad ka? Kanina ka pa kasi madaling madali na umuwi eh." Halata pa lang nagmamadali ako. Kasi naman, nagulat ako biglang magtext si Adrian. Nauna na daw si Lolo sa Nueva Ecija, sumunod na lang daw kami. Marahil nainip na yun kakaantay sa akin. Ang sabi ko kasi alas tres ang tapos ng klase ko eh yung panot kong prof naman nasarapan sa paglelecture at nagawa kaming idismiss ng 4:20. Di naman ako makapagdahilan kay selenara dahil alam ko mag iisip na naman ito ng hindi maganda pag nalaman nyang sa probinsya nila Adrian ang punta ko. asdfgdasdjgfa lang di ba!?
"Ha? Ako may lakad. Wala, inaantok lang talaga ko at gusto na umuwi." pagdadahilan ko
"Asa. Di ka mukhang inaantok. May lakad ka eh. Laki laki pa ng bag mo. May outing girl?!? Sama meee!!!!" Pangungulit ni Len. Galing talaga bumasa ng isip nito. Wala akong lusot eh. Hirap naman magsinungaling, tss. Dapat makaisip ako ng paraan para matakasan sya. Hmm.
"Ha? Wala no. Ang totoo nyan, si Nanay mila ang may lakad. Pinapahatid nga nya sa akin to eh." Hah. Anong excuse yung pinagsasabi ko? Halata namang naweirduhan si Len sa dahilan ko.
"Ayaw pa maniwala. Osige na, una na ko len ha. Nag aantay pa kasi si Nanay Mila sa akin eh. Bye!!" Nang makakuha ako ng tyempo ay pagpapaalam na ko at nagmadali ng umalis at sumakay ng jeep na agad din umandar. Kumaway na lang ako. Halata sa mukha ni Len ang pagdududa pero hinayaan na lang ako. "Papasalubungan na lang kita! Pangako." Napatango na lang sya sa sinabi ko. Salamat naman at hindi sya naging mapilit.
Pagkarating ko sa terminal ng bus nakita ko agad si Adrian na nakatayo susuot ang kanyang backpack.
"Kanina ka pa?" tanong ko nang makalapit sa kanya. "Hindi naman, kakarating ko lang din. Tara na!" Aya nya sa akin. Pag akyat namin ng bus pinili naming makaupo sa likod lang ng driver. Nakapwesto ako sa may bintana, yun kasi ang gusto kong pwesto pag bumabyahe lalo na pag bus ang sasakyan. Nakikita ko kasi lahat ng madaanan namin.
"Nandun na daw ba si lolo steve?" tanong ko. "Siguro, kanina pa kasi yun naka alis eh. Gusto na din nyang mauna dahil nga naiinip na sya sa bahay, late na din kasi ako umuwi." pahayag nya sa akin
Ilang minuto umandar na din yung bus. Inabutan nya ako ng inumin, umiling lang ako. Di naman ako nauuhaw eh. Buong byahe nakatingin lang ako sa labas, pinagmamasdan lahat ng madaanan namin. Si Adrian naman ay nanunuod lang ng movie. Ilang oras lang naman daw ang byahe pero di ko maiwasan ang hindi antukin. Bumabagsak ang ulo ko sa salamin na nagiging dahilan ng pag antala ng panunuod ni Adrian. Umupo ako ng maayos at pinilit ang sarili na magising ngunit bigo ako, bumabagsak talaga ang ulo ko sa bintana. Nagulat na lang ako ng hawakan ni Adrian ang ulo ko at idantay iyon sa balikat nya. Naawa siguro sa akin ito. Sa kabilang banda, nangiti ako sa ginawa nya. Hinayaan nya akong makatulog ng halos isang oras at kalahati sa ganung posisyon. Dahil doon naging maayos at komportable ang pagbabyahe ko. Sana lang pati sya ganun.
BINABASA MO ANG
Please Don't Say You Love Me [FIN]
RomansaEverything is perfect between Gabrielle and Ralph. Not until dumating yung araw na kailangan nilang malayo sa isa't isa para sa mga pangarap nila. A long distance relationship happened but when Gabby needs Ralph, palagi itong wala. Naging invisible...