3years later..
"See you tomorrow class!" paalam ko sa mga estudyante ko. Sabay sabay naman ang pagtayo nila para lumabas na ng silid.
Naglakad na ko papunta sa faculty room at para makapagbreak na. Gaya nga ng pangarap ko, dalawang taon na akong teacher sa isang private school. Naging mabilis ang naging takbo ng mga araw at napakarami ng nangyari sa loob ng dalawang taon.
"Nandyan na sya." bulong ni Selenara sa akin na nagpakunot ng aking noo.
"Gabby!" maganang bati sa akin ni Ralph at binigyan ako ng marahang halik sa pisngi.
Nginitian ko naman sya dahil dun.
"Ano to?" tukoy ko sa plastik na inabot nya sa akin. "Alam kong ngayon ka pa lang magtatanghalian kaya dinamay na kita."
Nagpatango tango naman ako sa sinabi nya. "Salamat. Ang swerte ko talaga sayo." -ako
"Talaga." pagyayabang pa nya.
"Hay naku, naglalandian ba kayo? Magsusumbong ako.." sabat ni len sa aming dalawa habang natatawa.
"Sige na, ihatid mo na kay Loreen yan baka magtampo pa sayo yun." pagtutulak ko sa kanya. Mahirap na baka pagselosan pa ako ng girlfriend nya eh.
Oo. Tama ang pagkakabasa nyo, may girlfriend na si Ralph at masaya ako para sa kanila.
"Eto na. Paaalis na pero sandali, wala bang susundo sayo mamaya?" pag uusisa ni Ralph
Mahina ko syang hinampas ng class record at nagtatawa. "Wala. Umalis ka na kundi hahampasin na kita ng cartolina!" banta ko sa kanya ng pabiro
Lalo naman syang napatawa dun. "Kelan ka ba kasi maghahanap ng ipapalit mo sa akin?" biro pa nya
Di ko na mapigilan ang matawa ng husto sa pang aalaska nya. "Ewan ko sayo, alis na at kakain pa ako."
"Biro lang. Sige na, alis na ko." tapos tuluyan na syang tumalikod sa akin at umalis.
Ang lalaking yun talaga napakaloko. Alam naman nyang wala na kong nararamdaman sa kanya, sadyang gusto nya lang ako asarin para maghanap na ng lalaking mag aalaga sa akin. Pero di ko muna siguro pagtutunan ng pansin yun, wala pa kasi akong nakikita sa ngayon. Isa pa, libang naman ako sa pagtuturo kaya hindi pa naghahanap ang puso ko.
Muli akong binalingan ni Selenara na abala sa pagtsetsek ng mga papel.
"Alam nyo ang sweet nyo mag ex. Kung wala nga lang girlfriend si Ralph iisipin ko na may chance na magkabalikan kayo."
Napangiti ako sa sinabi nya. Di ko naman inisip yun, kasi sa akin talagang purong pagkakaibigan na lang ang maooffer ko kay Ralph. Ewan ko ba bakit nagkaganun. Bigla na lang dumating yung araw na wala na kong nararamdaman para sa kanya. Posible pala talagang mangyari sa akin yun.
"Ikaw, nagsisimula ka na naman dyan sa panunukso mo hah.." sabi ko habang tinuturo sya
"Di ako nanunukso, namumuna lang.." pangangatwiran nya na nagpahaba sa nguso ng kaibigan. "Eh bakit nga wala ka pang boyfriend? Dalawang tao na pero parang di ka manlang magtry na maghanap ng.." sinadya pa nyang bitinin ang sasabihin.
"Teka, wag mong sabihin na si Adrian pa rin?" pagpapatuloy nito.
Medyo napaiwas tuloy ang paningin ko sa kanya. "Len naman." panunuway ko.
Sa totoo lang, miski ako di alam ang dahilan kung bakit hanggang ngayon parang wala pa rin umookupa ng puso ko. Marahil ay sya pa rin nga talaga...
"Fine, titigil na." pagsuko ni Len
"Pero sasama ka sa gimik mamaya. 8pm, dun sa dati." pag aaya nya. Dun na naman sa club na madalas nya puntahan every weekend. Nakakatawa di ba? Mga teacher na party girl. Oo, ganun si Len, at iniimpluwensyahan nya ako.
BINABASA MO ANG
Please Don't Say You Love Me [FIN]
RomanceEverything is perfect between Gabrielle and Ralph. Not until dumating yung araw na kailangan nilang malayo sa isa't isa para sa mga pangarap nila. A long distance relationship happened but when Gabby needs Ralph, palagi itong wala. Naging invisible...