Kabanata 19

194 10 2
                                    

May mga chapter talagang dumadaan sa mga author na minsan kulang na lang iuntog mo sa semento ang ulo para lang may magawang eksena, yun yung naramdaman ko sa chapter 18 kaya ganun ang nangyari, sabaw.

Sana sa chapter na to makabawi ako huhu T-T (xcrossed fingersx)

---------

<Adrian's POV>

Nakabaon sa dibdib ko ang ulo ng takot na si gabrielle. Sa naging reaksyon nya kanina, parang nakaramdam ako ng guilt sa nagawang kalokohan. Di ko napigilan ang sarili na ilagay ang kamay ko sa likod nya upang himasin ito pataas pababa nang sa ganun ay mapatahan ko sya.

Di pa rin kumikilos si gabrielle. Patuloy pa rin ako sa pag-alo sa kanya. Nang mag-angat na sya ng mukha, nakita ko ang naluluha nyang mata dahil sa takot. "Sorry, sorry gabrielle." yan lang ang nasambit ko. Nasabi ko ang mga katagang yun hindi lang dahil sa nagawa kong pananakot sa kanya pakiramdam ko nagawa kong humingi ng sorry dahil nawala ako sa tabi nya ng mga ilang araw. Feeling ko nagkasala ako dahil di ko sya nagawang samahan sa mga panahon na kailangan nya ng kasama. Kahit na hindi naman talaga dapat ako ang gumagawa nun dahil nga may boyfriend na sya, sa tingin ko bilang kaibigan manlang tutal nagawa nya kong damayan nung panahon na kailangan ko ng makakapitan.

Unti unti ng mukhang natauhan na si gabrielle, yung kaninang takot na mukha ay napalitan ng inis. Nakita ko kung paano magpantay ang kanyang mga ngipin at kumunot ang maganda nyang noo sa pagkaasar sa akin. Tinulak nya ko ng marahan at pinaghahampas sa braso ko gamit ang sling bag na bitbit.

"Aray! Gabby, masakit---aray!" reklamo ko habang walang patid nyang hinahampas ako.

"Tama lang yan sayo! Akala mo ba nakakatuwa yung ginawa mo?" -siya

Nang mapagod tinigilan na nya ko kakapalo. "Malay ko bang ikaw yan, akala ko si Selenara eh." sagot ko

Nagtaka naman ang mukha nya. "Paano mo naman naisip na si len?"

"Sya ang nagpapunta sa akin dito. May mahalaga yata kaming pag uusapan."

Lalo namang di maipinta ang mukha nya at naihilamos na lang ang kamay sa mukha.

"Bakit? Anong problema?" usisa ko

Di sya sumagot. Nagdial lang sya sa celfone nya, mukhang tinawagan si Len.

"Ugh, cannot be reach na sya. Naisahan ako ng babaeng yun!" bulong nya na di naman nakatakas sa pandinig ko.

"Hah? Paanong naisahan ka? Saan ba si Selenara?" -ako

Tinignan naman nya ko. "Di ka na sisipotin ni Len, sinisiguro ko."-sya

Hah? Pero bakit?

Di nagtagal nakuha ko na din ang ibig sabihin nya. Sinadya ng kaibigan na magkita kaming dalawa ni gabby, kunyari sya ang itatagpo namin yun pala kaming dalawa ni Gabby ang magkikita dito. Tss, nice! Ang utak talaga ng babaeng yun.

"Tara na, sabay na tayong umuwi." aya ni gabby at akmang aalis na pero nagawa ko syang pigilan.

"Sandali.." napalingon ko sya "Nandito na lang rin tayo, bakit di na natin lubosin? Matagal na rin tayong di lumalabas na dalawa." alok ko. Ito na siguro yung paraan para makabawi ako kay Gabrielle.

Tinitigan nya ko ng maigi, iniintay ko ang isasagot nya. Namimiss ko na rin si gabby, siguro wala namang masama kahit bilang kaibigan na lang.

Please gabby, pumayag ka na.

"Sige." sagot nya at binigyan ako ng matamis na ngiti.

------

Tahimik kaming naglalakad ni Gabrielle. Malayo na rin ang narating namin, medyo nakakaramdam na ko ng kaunting pag kailang sa kanya dahil nga ang tagal na nung huling pagkakataon na lumabas kami gaya nito.

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon