Kabanata 2

465 47 33
                                    

Gabby's POV

Nandito kami ngayon sa clinic, pinapagamot ko yung bukol ko.

Pasalamat yung estudyanteng yun at hindi ganun kalala yung napinsala nya sa akin.

"Ano kaya mo bang magklase ngayon Gabby?" usisa ni selenara

"Oo. Okay na ko. Di naman daw ganun kalala sabi nung nurse. Tara na." Aya ko para magtungo na kami sa next class namin.

"Sa cafeteria muna tayo. May 45 mins pa bago next class ko eh." alok ni selenara saken

"Fine. 20 mins na lang ang akin, kaya dalian na natin."

At dali dali kaming nagtungo sa cafeteria.

"Lagot talaga sa akin yung may gawa nitong bukol ko." pagmamaktol ko sa lamesa habang kaharap si len

"Di naman sadya, girl. Wag na patulan ang bata."

Tinignan ko sya ng masama tapos nagpeace sign lang sya sabay ngiti.

"Baka naman bawian mo sa grade yun girl ha." dagdag pa nya

"Alam mo di ko talaga naisip yan eh pero dahil binigyan mo ko ng idea gagawin ko." nag evil smile ako sakanya

"Hay, gabby ang childish mo ever. Pero maiba ako, ang cutie nung lalaking nakatama sayo ng bola. Di baaa?" papikit pikit pa sya nung nagsasalita.

"Len, ang cute para lang sa bata o kaya aso." inirapan ko sya

"Whatever, gab. Kawawa naman yun kung nagkataon na ihahandle mo yung class nya."

"Goodluck talaga sakanya. Leche sya."

Nagtatatakbo ako papuntang 5th floor dahil late na ako ng 15mins sa next class ko.

Nakakahiya sa mga estudyante ko, unang araw late ang st nila. Papanget record ko nito.

Nakarating na ko sa 5th floor, hinahanap ko na lang yung room..

Hmm. Rm. 052

Jusko, classroom pa ba ito?

Yung mga upuan sira sira, yung black board parang matatanggal na sa ding ding. Napaka kalat. Puro vandal yung pader tapos iilan lang ang estudyante sa loob ng room, halos lahat nasa labas.

"Uhm. Excuse me, ito ba yung section F?" tanong ko dun sa babaeng nagsusuklay na punong puno ng kolorete ang mukha. Parang pupunta ng party. Children's party, para mag clown.

"Ito nga po. Sino po sila?" tanong nya pabalik

"Ako ang magiging student teacher nyo sa english. Nasaan yung iba ninyong classmate?"

"Nasa labas po yung boys. Kakatapos lang ata magbasketball. Din-din, tawagin mo sila. Sabihin mo may teacher na." utos nito sa kaklase nya

Nakaupo lang ako sa table habang nag aantay. Maya maya paisa isa ng pumasok yung mga estudyante.

Nung napansin kong parang kompleto na sila tsaka ako nagpakilala.

"Good Afternoon class. My name is Gabrielle Dumapi. I'll be your student teacher in english subject for this whole year. You can call me Ms. Gabby or Ms. Dumapi... "

Ayun at nagpakilala nga ako, pero napansin ko na parang hindi sila interesado sa akin. May iilan na nakikinig pero mas marami yung dedma lang, nakakabastos. Buti sana kung tahimik eh hindi, nagdadaldalan lang yung mga kaninang nalate pa sa klase ko. Kainis.

Tinitignan ko na lang muna sila isa isa. Sa grades ko to babawian, lagot kayo.

Di naman nakaligtas sa paningin ko yung lalaking nasa may sulok. Naka sando lang sya, gulo gulo ang buhok dahil nga sa kakatapos lang nila magbasketball.

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon