<Gabrielle's POV>
Kakatapos lang ng class namin ni Selenara. Yes, nagstart na nga ang second semester kaya balik na naman kami sa buhay estudyante. Nandito na naman kami sa mga paper works at review reviewhan everyday. Pero dahil nga graduating na kami at last semester na namin 'to, mas magiging abala kami sa pag aaral. Less gala, less lakwatsa muna.
"What's your plan?" Pag uumpisa ni Len.
Naatasan kasi kami sa isang subject namin na magkaroon ng survey sa lahat ng mga naging estudyante namin. Kailangan to para malaman ang reactions ng mga students sa naging performance bilang mga student teachers nila.
Nagkibit balikat ako. Galing kase eh! Parang nananadya lang. Ibig sabihin na naman kasi nito kailangan namin bumalik sa Aguinaldo National HighSchool.
"Palagay ko wala ka namang choice. Whether you like it or not, you have to go and see Adrian again."
Three days na ang nakakalipas after nung nangyari sa aming dalawa. At simula nun, talagang ginawa namin lahat ni Selenara para hindi kami magkita na dalawa. For the past three days, nakakatanggap ako ng messages from Adrian saying that he wants to see me, minsan naman puro sorry ang tinetext nya. But i choose to ignore those messages, kasi nga di ba IIWAS na ako? Baka kapag nagawa ko pa syang replyan di ko lang maiwasan ang sarili at lapitan na naman ako ng kung anong pagkalito.
"Tinetest nga yata talaga ako ng tadhana." at bumuntong hininga ako. "Bahala na!" sabi ko pa.
Napatawa naman si Selenara. Malamang natatawa sa akin to dahil sa kabaliwan na pinoproblema ko. "Don't worry, i'll try my very best para di kayo magtagpo sa school. Kung gusto mo, sa section ni Adrian ako na lang magpaevaluate para sayo." suhestyon nya na nagustuhan ko naman.
"Sige. Mukhang maganda yang naisip mo." pagtanggap ko sa alok nya.
"Anyway, may lakad ba kayo ni Ralph?" usisa nito sa akin.
"Hmm, susunduin nya daw ako eh. Ewan lang." pagkasabi ko nito, ilang segundo lang agad na pumarada na sa harap namin ang auto ni Ralph.
"Oh! Nandyan na pala sya eh." si Selenara
Bumaba naman sa sasakyan si Ralph. Nakangiti to sa amin at nilapitan ako para bigyan ng mabilis na halik sa pisngi.
"Hi Len!" bati ni Ralph kay Selenara
Ngumiti lang si Len. "Girl, una na ko ha. Gagawin ko pa yung homework natin eh. Ralph! Dito na ko, ingat kayo." paalam nya sa aming dalawa
"Sige, ingat din." sagot namin ni Ralph kay Len.
Muli na akong pinagbalingan ni Ralph ng makalayo na ang kaibigan. "Let's go?"
Tumango ako at pinagbuksan naman nya ko ng pinto. Nang makasakay na kami, agad akong tinanong ni Ralph kung may gagawin daw ba akong mahalaga ngayon.
"Babe, may importante ka bang gagawin ngayon? Sila Daddy kase nasa bahay, dun na tayo maglunch. They want to see you."
-------
"Gabrielle! Long time no see. Namiss kita." hayag ni Tita Lian nang makita nya ako na kasama si Ralph. Nasa pinto pa lang niyakap na nya ko ng mahigpit dala ng pagkamiss. Para ko na kasi syang second mom, bata pa lang kami ni Ralph kilala na nya ko.
"Namiss ko rin po kayo." sabi ko ng nakangiti
"Tara sa dinning area. Kanina ka pa namin inaantay ng Tito Fernando mo."
Naglakad na kami patungo sa hapag. Talagang pamilya na ang turing nila sa akin.
"Hi tito!" sabi ko agad sa lalaki na nasa gitnang upuan sa mesa

BINABASA MO ANG
Please Don't Say You Love Me [FIN]
Storie d'amoreEverything is perfect between Gabrielle and Ralph. Not until dumating yung araw na kailangan nilang malayo sa isa't isa para sa mga pangarap nila. A long distance relationship happened but when Gabby needs Ralph, palagi itong wala. Naging invisible...