Mandy's POV
Lutang ang diwa ko habang nagtuturo ang aming professor sa harapan. Paulit-ulit na nagsisink-in sa isipan ko ang aking nasaksihan kagabi.
Nagseselos ba ako nang makita silang naghahalikan? Parang hindi naman ata. Pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko?
"Uy! Tulala ka diyan." pukaw sa'kin ni Gelai. Nandito na pala ako sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ko.
"Bakit? Anong sabi mo?" naguguluhan kong tanong.
"Sabi ko, maraming Korean sa Korea!" saad ni Mira.
"Hahaha!" tawa nila.
"Funny." nakangiwi kong sabi.
Nang uwian na, gusto sana akong ihatid ni Harold pero hindi ako pumayag. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, kailangan ko munang umiwas kay Harold.
***
"Si Nanay?" tanong ko kay Naruto pagpasok ko ng bahay.
"Nasa hacienda." sagot n'ya at tumango na lang ako.
Nakita ko naman ang nakalapag na pagkain sa mesa. Tamang-tama, nagugutom na 'ko.
"Ako nagluto n'yan." pagmamalaki niya.
Aba! Mukhang nag-i-improve na siya sa pagluluto dahil hindi sunog ang hotdog at hindi maalat ang itlog nang malasahan ko.
Sabay naman kaming kumain tanging ang pagtunog lang ng kutsara ang nagsisilbing ingay. Ang awkward naman ng atmosphere dito sa loob ng bahay. Siguro dahil kami lang dalawa ang tao rito. Si nanay kase eh, nasa sideline na naman.
"Ikaw ah! Kayo na ba ni Mabel?" tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit lumabas 'yun sa bibig ko.
"Hindi." sagot niya agad.
"Weh? Nakita ko kaya kayo kagabi'ng magkasama't naghahalikan." kusang lumabas sa bibig ko ang katagang 'yun. Ghad, I hope I don't sound bitter.
Naks, pure English.
"Nakita mo kami?" kunot-noo niyang tanong. 'Wag niyang sabihin na ide-deny niya pa ang nakita ko?
"Bigla niya na lang ako hinalikan. Hindi ko ginusto 'yun."
"Hindi ko siya gusto." dugtong n'ya. Nakaramdam naman ako ng tuwa nang malaman kong hindi niya type si Mabel. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
"Ah, okay." tugon ko at muli kong ibinalik ang aking atensyon sa pagkain.
***
Kinaumagahan, maaga kaming nagising ni Nanay dahil magsisimba kami. Naka yellow dress ako with matching doll shoes.
"Pwede ba akong sumama?" tanong bigla ni Naruto.
"Sasama ka? Sige. Bumihis ka na't baka magsimula na ang misa." utos ni Nanay.
Seriously, magsisimba rin siya?
'Di nagtagal ay nakabihis na siya. Nakasuot siya ng plain white t-shirt, pantalon, at white rubber shoes pero pa s'yang modelong nag-i-endorse ng damit.
Nang makarating na kaming tatlo sa simbahan, parang ayaw pang pumasok ni Naruto sa loob.
"Hoy! Halika na." tawag ko. Parang napilitan lang ata siyang sumama sa'min eh.
Nagsimula na rin ang misa. Tahimik lang si Naruto habang nakikinig sa mga sinasabi ni father. Nu'ng offering na, nagulat ako nang may kinuha siyang pera sa lagayan ng money offering.
Tinapik ko naman ang kamay niya para ibalik ang pera.
"S-sorry! Akala ko kase kinukuha 'yun." aniya.
"Hindi ganu'n 'yun. Ikaw mismo ang maglalagay ng pera do'n." sabi ko.
Maraming nakakita sa ginawa n'ya pero napansin ko ang ibang babae ay halatang kinikilig habang sinusulyapan si Naruto. Kay lalandi naman ng mga ito. Nakalimutan ba nilang nasa simbahan sila?
"Magdasal ka na lang d'yan na sana bumalik na ang memorya mo." sabi ko sa kanya.
Sumunod naman s'ya't nagsimulang magdasal. Good boy...
Nang matapos na ang misa, pumunta kami sa paborito naming restaurant ni Nanay. Hindi naman kamahalan ang mga pagkain rito. Sakto lang.
"Anong gusto mo, Naruto?" tanong ni Nanay.
"Kahit ano na lang ho." tugon niya. Umorder na si Nanay ng mga pagkain. Ilang minuto lang, dumating na ang mga pagkain namin.
Halatang kinikilig naman ang waitress habang sine-serve sa'min ang pagkain. May pa-flip-flip pa ng buhok pero hindi naman nakatingin sa kanya si Naruto.
"Naruto! Nandito ka pala!"
Napatingin kaming tatlo kay Mabel nang tawagin n'ya si Naruto. Nakakagulat naman ang presensya n'ya. Para s'yang kabute. Kung sa'n-sa'n sumusulpot.
"Hi Mandy! Hi Tita!" bati niya sa'min ni Nanay sabay tapik sa braso ko. Aba! Feeling close masyado ang lola mo.
Tumabi naman siya kay Naruto sabay kapit sa braso nito.
"Uhm.. Naruto, 'di ka ba allergic sa shrimp? Allergic kase ako sa shrimp eh." maarte niyang sabi. Pa-English-English pa siya, pwede namang hipon na lang. Parang s'ya. Total mukha naman siyang hipon. Tsk.
"Mabel, 'di ba sabi ko sa'yo, layuan mo na 'ko?" seryosong sabi ni Naruto. Gan'yan nga Naruto. Hehe.
Napanganga na lamang sa gulat si Mabel. Buti nga sa kanya!
"Kainis ka naman. Pangit ba 'ko? Kapalit-palit ba 'ko? Then WHY?" kunot-noong tanong ni Mabel.
"Basta." tugon ni Naruto.
Padabog naman na umalis si Mabel sabay taas ng kilay sa'kin. Aba! Antaray ng lola mo. Kanina lang, parang close pa kami pero ngayon kung magtaray, wagas.
***
Kinagabihan, ako lang mag-isa dito sa bahay. Wala si Naruto dahil hinatid niya pa si Nanay papuntang hacienda. Mahigit isang oras na ang nakalipas pero wala pa rin si Naruto. Baka naligaw na 'yun. 'Wag naman sana.
"Mandy!"
"Ay kabayo!" nagulat ako nang bigla na lang pumasok si Naruto na pasuray-suray pa ng lakad.
"Teka. Lasing... Uminom ka ba?" tanong ko nang maamoy kong amoy alak s'ya.
"P-pinilit kase a-ako nila M-mang Kanor." pautal-utal niyang sagot.
Inalalayan ko naman siya papuntang kwarto n'ya. Pagewang-gewang pa kami dahil sobra bigat n'ya.
Ihihiga ko na sana s'ya sa kama nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil naglapit ang aming mga mukha.
"Mandy? I-l like y-you..." sabi n'ya.
Wala akong nagawa nang unti-unti n'yang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang kanyang malambot na labi sa labi ko.
Aba! Mahilig pala sa halik ang lalakeng 'to! Pangalawang beses niya na'ng ginawa 'to eh.
Bigla na lang siyang bumagsak at nahiga sa kama at ako naman ay parang naistatwa na lamang sa aking kinatatayuan.
***
to be continued...