Chapter V

386 12 0
                                        

What the...

Bigla ko naman siyang sinampal ng malakas.

Pak!!

"Sorry." aniya. Pinahid ko ang labi ko. Padabog ko siyang tinalikuran. Nakakainis.

Arrgh!!

"Anak, asan si Naruto?" Nagtaka naman ako sa tanong ni Nanay.

"Nandito siya Nay? asan?" takang tanong ko.

"Nagulat nga ako e, akala ko ba di pa siya uuwi?"

Luminga-linga naman ako baka tinataguan niya lang ako.

"Nay, wala naman eh." angil ko.

"Nandito nga siya." giit niya.

Buong araw naman na umasa akong tinataguan lang ni Xander kaso wala talaga. Tinawagan ko siya ngunit di niya naman nasasagot. Baka naman guni-guni lang talaga ni Nanay.

"Mandy, sorry di ko sinasadya." nakayuko si Sasuke na humihingi ng tawad.

"Anong hindi? umalis ka nga sa harap ko!" asik ko.

Tumango naman siya at tinalikuran na ako.

Hanggang sa gumabi na wala parin sumulpot na Xander.

Hatinggabi gabi na hindi ako makatulog. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana na para bang  naghihintay sa pagdating ni Xander.

Hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

--

Lumipas ang dalawang araw at ngayon na ang balik namin ng Maynila ni Nanay. Wala parin balita kung nakauwi na ba talaga si Xander. Haist, niloloko ako ni Nanay pero hindi eh, mukha namang totoo ang sinasabi niya na pumunta talaga si Xander dito.

Nagpaalam narin ako sa mga kaibigan ko na si Mira, Gelai at Jessa. Tinanong ko naman sila kung nasumpungan nila si Naruto at hindi daw nila nakita.

"Bes, tanungin mo nalang kaya si Naruto kung bakit siya umalis agad malay mo may emergency meeting pala siya diba?" ani Gelai.

"Oo nga, wag mahihiyang magtanong kung may ritemed ba nito, may ritemed ba nito..." Tinapik ko naman si Mira sa kabaliwan niya.

"Heto namam Haha! mamimiss ka namin." aniya.

"Hoy, yung kasal niyo pwede bang dito nalang sa Konoha." saad naman ni Jessa at natawa ako. Konoha?

"Atsaka ang honeymoon, pwede bang dito narin, Haha!" natatawang sabi Mira at tinapik ko siya ulit.

Mga baliw. Pero saan nga ba kami mag ha-honeymoon? Ayy, ang landi ko naman para isipin yun.

"Anak, isama na natin si Sasuke kawawa naman siya." aniya. Ilang beses akong pinilit ni Nanay na isama si Sasuke sa Maynila ngunit ayoko sa manyak na lalakeng yun.

"Paano kung taga Maynila siya?" aniya. Napabuntong hininga na lamang ako at napilitan ng tumango.

--

After two and a half hours ng biyahe, sa wakas nakabalik narin ng Maynila.

"Ang ganda naman ng bahay niyo." manghang sabi ni Sasuke habang lumilinga-linga sa buong bahay.

Nandito na kami ngayon sa binili ng tatay kong bahay sa isang subdivision. Katamtaman lang ang laki nito na hanggang second floor. May guestroom kami na katapat lang ng kwarto ko sa second floor at doon nalang si Sasuke.

Napapitlag ako nang biglang magvibrate ang cellphone ko. Isang unknown number. Sino kaya 'to?

"Hello, sino 'to?"

"Ako 'to si Vince, si Xander kase naglalasing. Nagaway ba kayo?"

Kinabahan naman ako sa tanong niya.

"Hindi, bakit? Nasaan kayo?" tanong ko.

At sinabi niya naman kung saan silang bar. Malapit lang yun dito. Nagpaalam naman ako kay Nanay na pupuntahan ko si Xander.

Ba't ba siya naglalasing? di naman kami nag away ah. O baka naman may problema siya sa kompanya niya?

Pagkarating ko ng bar, pumasok na ako. Ang daming taong nagsasayawan kasabay ng malakas na tugtog. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko naman si Harry na may kasayaw na isang babae.

"Harry, asan si Xander?"

"Ah nandoon sa may couch." aniya.

Lumapit naman ako agad sa parang vip ng bar at nakita ko naman agad si Xander na may...

Parang bumigat bigla ang dibdib ko at nanghina ang mga tuhod ko nang makita na may kayakap siyang babae.

"Mandy?" gulat na gulat na reaksyon ni Niel na katabi ni Vince.

Napalingon naman agad si Xander sa gawi ko.

Nangilid ang mga luha ko. Tumalikod na ako at nagmadaling lumabas ng bar. Pagkalabas ko may humigit sa braso ko. Amoy ko ang matapang na alak sa kanya. Humarap ako.

Gusto ko siyang sampalin dahil nambababae siya pero pakikinggan ko ang paliwanag niya.

"Sino yun? sino yung babaeng naglalandi sayo?" galit kong tanong.

"Sino rin yung lalakeng kahalikan mo?" galit niyang tanong.

Nangunot naman ang noo ko sa tanong niya. Kahalikan?

"Si Sasuke. Huh!? pareho lang naman tayong naglolokohan dito Mandy, hindi lang ako." aniya.

Parang tumaas ang dugo ko sa mukha at sinampal ko siya.

Pak!!

"H-hindi ko siya hinalikan." nahihiyak kong saad.

"Pero ginusto mo naman." giit niya at sinampal ko siya ulit. Kita ko ang pamumula ng kanang pisngi niya dahil sa pagsampal ko.

Tinalikuran ko na siya at agad na sumakay ng taxi. At doon na ako napahagulgol. Sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.


To be continued.....

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon