Mandy's POV
Halos isang linggo na akong nakakulong sa bahay. Mabigat parin ang pakiramdam ko, gusto ko siyang kalimutan agad para mapawi na ang kirot ng puso ko.
Lumabas na ako ng bahay sa sumunod na araw para maghanap ng trabaho sa mga production company. Nakasuot ako ng pang corporate attire.
Dalawang beses akong nareject pero sinuwerte na ako sa pangatlo kong naapply-an na production company.
Sa pag uwi ko kinahapunan, laking gulat ko nang madatnan si Xander na nakaabang sa may gate namin. Muling bumigat ang dibdib ko at saka bumuntong-hininga para gumaan ito.
"Sorry, Mandy.."
Inirapan ko siya. "Umalis ka na!"
"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita," aniya. Parang kumulo naman ang dugo ko sa sinabi niya.
Mahal?
"Mahal ko rin ang pamilya ko, ang gagawin kong to-- "
"Umalis ka na! Di ko na kailangan ng paliwanag mo, tapos na tayo!" Mariin kong sinabi.
Lumapit ang mukha niya sa'kin, at hahalikan na sana ako nang hinampas ko siya ng aking bag. Hindi niya ako pinigilan, pinabayaan niya lang akong hampasin siya.
"I hate you, I hate everything about you! Wala ka ng babalikan pa sa'kin!" sigaw ko sakanya at tinalikuran siya.
Lumingon ako sakanya pagkapasok ko na ng bahay at nakita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Bahala siya sa buhay niya. Padabog kong sinarado ang pinto. At hindi ko na naman napigilang umikbi. Ang sakit. Nakita ko si Nanay at hinagkan ako at pinatahan.
--
1 week after....
Ito ang unang araw ko sa trabaho, nakasuot ako ng pang corporate attire. Buti nalang ginising ako ng maaga ni Nanay kung hindi, late ako sa first day ng trabaho ko. Maghapon na naka focus lang ako sa trabaho.
Sa pangalawang araw ko, napagalitan ako ng boss ko dahil sobrang cliché daw ng gawa kong story. Siguro nasanay na ako sa mga ganitong sitwasyon.
"Ay naku, ganyan talaga yang si ma'am sobrang sungit." sabi ni Angie na ka-workmate ko. Tinawanan ko nalang siya. "Alam ko, sa looks palang."
Habang kumakain kami dito sa Canteen sa loob lamang nitong building, nahagip ng mga mata ko ang palabas sa tv. Nanlaki ang mga mata ko. Si Xander at may ka-holding hands siya na isang magandang babae habang pinapaligiran sila ng press na hindi magkamayaw sa pag picture sa kanila. Kumalabog ng husto ang puso ko nang mabasa ang nasa monitor.
'Mr. Xander Gatchalian and Hanna Buenavista's engagement party.'
Parang nanikip ang dibdib ko at tila may namuong luha sa mga mata ko. Gusto kong magmura ng malulutong na salita. Puta!!
Umiling ako at biglang lumabas ng canteen. Narinig ko pa ang pagtawag sa'kin ni Angie. Pumasok nalang ako ng cr at doon ko binuhos ang mga luhang pinipigilan ko. Hindi parin maabsorb ng utak ko ang mga nangyayari.
Ikakasal si Xander?
Mugto ang mga mata ko habang nagtatrabaho, hinayaan nalang ako ni Angie, siguro alam niyang may problema ako. Naiinis ako sa sarili ko, sinabi ng kalimutan ko na siya pero ano 'to? sobra na akong nasasaktan. Ano bang ginawa mo Xander? Feeling ko, peke lahat ng pinakita mong pagmamahal sa'kin. Minahal mo ba talaga ako? Ugh!
Kinagabihan, wala talaga akong ganang kumain kaso pinipilit ako ni Nanay na kumain. Tila, pinapakiramdaman niya ko.
"Kumusta na kaya si Sasuke?" tanong ni Nanay. Naisip ko rin, asan nga kaya ang taong naging dahilan ng break up namin ni Xander?
Nagkibit-balikat nalang ako.
"Nag aalala ako sa batang yun, baka palaboy na yun dito sa Maynila." aniya.
And so..wala akong pakealam sa lalakeng yun, bahala siya sa buhay niya.
"Nay, ikakasal na pala si Xander." sabi ko. Pinakita ko sakanya na wala lang ang sinabi ko.
Nanlaki ang mga mata ni Nanay. "Ano? Ikakasal siya?" gulat niyang tanong at tumango naman ako. Parang may bumara sa lalamunan ko at uminom nalang ng tubig. Bakas parin sa itsura ni Nanay ang pagtataka.
"Hindi ako makapaniwalang magagawa yan ni Naruto!" nanlulumong sabi niya.
"Nay, tanggapin na natin ang katotohanan na minsa'y may lalake tayong kinupkop tapos heto, lolokohin lang tayo." sabi ko.
He's a Jerk. He's a totally Jerk.
To be continued......