Chapter XIII

389 9 0
                                    


Kinaumagahan, pumunta na kami ni Xander sa mansyon ni ms Anastacia. Pagpasok mo palang ay mamangha ka na sa mga muebles nito. Naghintay lang kami dito sa sala. Feeling ko, parang nakakababa ng pride itong ginagawa ni Xander. Inayawan na pero nandito siya para pilitin si ms Anastacia na makipag invest sa kompanya nila. Napatingala kami nang matanaw namin siyang bumaba ng hagdan. Tumaas ang kilay niya nang makita kami. So ayun, nag usap na sila ni Xander at nakinig nalang ako.

"Okay.. I'll give you a challenge. Create a wine made of pineapple." aniya.

What?!

Tumango lang si Xander na parang easy lang sa kaniya ang pinapagawa.

Binigyan kami ng isang oras para gawin ang challenge. Meron pala silang plantation ng mga grapes malapit lang sa bahay niya. At meron ding pinya. Pumitas si Xander ng pinya. Inamoy ko naman ito, ang bango..Natakam ako.

Nabaling naman ang tingin ko kay Xander na mukhang malalim ang iniisip.

Tumango naman siya na parang may naisip na paraan. Bumalik kami sa mansyon dala ang isang pinya at mga pinamili naming ihahalo. Pinanood ko na lamang siyang gumawa ng wine.

"May I help you?" tanong ko.

"Gin please." aniya. Kinuha ko naman sa plastic ang isang boteng gin na binili namin sa labas. Kunot-noo ko lang siyang pinanood habang nagmimix.

"Papunas naman ng pawis ko." aniya habang nagbiblender.

Ngumiwi na lamang ako at di na umangal pa. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng pantalon niya at pinunasan siya sa noo at leeg.

Napatawa naman siya. "Para namang diring-diri ka sa pawis ko."

Inirapan ko siya.

Nagulat nalang ako nang maghubad siya ng t-shirt niya.

Tss feeling macho.

"Ang init.. paypayan mo ako please." aniya. What the! Luminga-linga naman ako dito sa malaking kitchen at nakita kong may ceiling fan. Padabog ko itong binuksan.

"Oh ayan." sabi ko. "Manginig ka sana dyan." bulong ko.

"Anong sabi mo?" bumaling siya sakin. Bumalandra naman sa harap ko ang pawis na pawis niyang abs.

"Ang sabi ko... macho ka." natawa ako.

"I know, thanks." aniya.

Ang kapal-kapal niya talaga, feeling niya. Tss!

"Papunas naman dito." nguso niya sakanyang dibdib. Pinakita niyang nakagloves siya.

Tumiim ang bagang ko. Okay. Paglaruan ko kaya siya.

Diniin ko naman ang panyo niya sa kanyang dibdib na pawis na pawis. Pinunasan ko ang nipples niya hanggang sa lumuhod ako para punasan ang abs niya.

"Tapos na sir." tumingala ako. Nakita ko naman ang paglunok niya.

"Alin pa sir ang pupunasan ko?"

"Heto?" akmang tatanggalin ko na ang sinturon niya na hindi ko naman itutuloy.

"Ah wag!" napaatras siya.

Tumawa ako. "Joke lang sir."

Tumayo na ako at nagulat nang may dumating na katulong.

"AY JUSKOPO! anong ginagawa niyo? Ba't ka nakahubad hijo?" gulat niyang tanong.

"Ah mainit po kase." paliwanag ni Xander. Buti nalang di niya naabutan na nakaluhod ako, baka kung ano pa isipin ng matanda.

Finally, natapos din.

Dumating na si ms Anastacia na galing daw sa spa. Nag usap na sila ulit ni Xander dito sa sala. Ginapangan naman ako ng kaba, baka di niya magustuhan ang ginawang pineapple wine ni Xander.

"Okay, let's taste it."

"Hmm.." tumango siya nang mainom ito.

"I don't like it." bumagsak nalang ang balikat ko sa naging sagot niya.

"coz, I love it." ngumiti siya. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko talaga hindi niya nagustuhan.

"Thank you ma'am!" nakangiting sabi ni Xander. Kaya ayun, tinanggap na ni ms. Anastacia ang business proposal. Lumabas kami ni Xander na masayang-masaya.

"Yes." aniya. Di ko na namalayan na tinanggap ko ang yakap niya dahil sa tuwa. Worth it kase ang pagod namin. Kumalas agad ako ng yakap.

Natanaw ko naman ang dagat. Sobrang payapa at banayad lamang ang alon.

"Parang gusto ko tuloy magswimming." sabi ko.

"Okay." aniya.

"Ng ako lang." giit ko.

Bumihis ako sa hotel at pumunta na ng dalampasigan.

Nagulat nalang ako nang may yumakap sa likuran ko at agad ko namang hinawi ang braso ni Xander.

Tumili ako nang ibuhat niya ako ng walang kahirap-hirap at dinala sa tubig.

"Bitawan mo ko!" sigaw ko at binitawan niya nga ako sa tubig. Nanlamig ako. Tawa lang siya ng tawa, ako naman ay nagaalburoto na.

Sa inis ay tinalikuran ko siya at lumangoy patungo sa ilalim.

"Nandyan na ako Mandy." nakangisi niyang sabi. Sumisid naman ako sa ilalim. At pag ahon ko ay nasa harapan ko na siya na tawang-tawa.

"Di ba inaakit mo ko kanina, then do it now." ngiting aso niyang sabi.

"Binibiro lang naman kita." giit ko.

"Ang galing mo ngang mang-seduced eh, you turning me on." aniya at may pakagat labi pang kasama. Sinikap ko namang maging kalmado.

"Gagawin mo ba akong kabit huh?" sarcastic kong tanong.

"Ipaglalaban na kita." aniya. 

May kung anong kumirot sa puso ko. Nakangiti lang siya na parang wala lang sa kanya ang kanyang sinasabi.

'No Mandy. Wag kang maging masokista.' kumbinsi ko saking sarili.

Useless lang ang pagmomove-on ko kung mahuhulog din pala ako sa bitag niya.

Umirap nalang ako. "Uwi na tayo sir."

"Okay." tumango siya at umahon na kami sa tubig.

Buong byahe naman na tahimik lang kaming dalawa. Nakatulog nalang ako at paggising ko ay nasa Maynila na kami. 


To be continued....


Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon