Chapter 33

612 24 2
                                    

2 years later...

Dalawang taon na pala ang nakalipas mula nang umalis si Xander at tumira sa Canada para sa negosyo nila.

Nag i-Skype naman kami minsan. 'Di siya nakakauwi dahil busy siya lagi. Minsan inisip ko na baka ipinagpalit na ako ni Xander sa isang Amerikana. Marami pa naman doong magaganda.

Marami na rin ang nagbago. Umuwi na si Tatay mula Singapore at bumili siya ng bahay sa isang subdivision. Dito ko na rin sa Maynila tinapos ang pag-aaral ko.

Sa ngayon, nagtatrabaho ako sa isang publishing company.

Tulala nanaman ako nang matapos ko ang mga projects ko.

'His smile, his face, his lips that I miss... Those sweet little eyes that stare at me, and make me stay, I'm with him through all the way...'

"Mandy!" tawag sa'kin ng manager nitong department namin.

"I like the plot of your story but the ending is cliché." bitter na sabi niya sabay padabog na nilagay ang na sinubmit ko sa kanyang story.

'Ang sungit naman niya. Tsk! Normal kaya sa ending ang kasalan.'

"Next week, kapag wala ka pang nai-submit, alam mo na!" inis na sabi niya at padabog na umalis.

'Syempre, you're fired. Hays!

***

"Hi, Bes!" bati sakin ni Demi dito sa Jollibee at nag-order na kami.

"Bes, may naiisip ka bang magandang ending sa isang story?" tanong ko.

"Sensya na, pagdating d'yan, wala akong alam." kibit-balikat niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Baka talaga isisante ako ni Sir Lee n'yan. Huhu!

Pagkatapos naming kumain, habang naghihintay kami ng taxi, bigla naman may nahagip ang aking mga mata. Bukas ang bintana ng kotse at kitang-kita ko si Xander na may kasamang babae.

Parang piniga ang puso ko sa aking nakita. Ba't hindi niya sinabing umuwi na siya? Ba't may kasama siyang magandang babae sa kotse niya. Ipinagpalit niya na ba ako?

"Hoy, Bes! Sakay na tayo!" pag-anyaya ni Demi papasok sa taxi at sumakay na rin ako. Hindi ko maipaliwanag ang bigat na nararamdaman ko sa'king natunghayan. Parang maiiyak na yata ako.

Baka kahawig lang 'yun ni Xander. Pero siya talaga 'yun eh.

***

Sa pagpasok ko ng bahay, napatalon ako sa gulat nang makita ko siyang nakaupo sa sofa kausap si Nanay at Tatay.

Napatingin sila sa'kin. Gusto ko sana siyang yakapin agad dahil sobra ko siyang na-miss pero dinedma ko na lang ang presensya niya dahil nga sa nakita ko kanina. Nagmano ako kay Nanay at Tatay pero 'di ko sinulyapan ng kahit konti si Xander.

"Anak, nandito na ang boyfriend mo oh!" sabi ni Nanay.

"Hi babe!" bati niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Akala ko ba next month ka pa uuwi?" walang gana kong tanong.

"Gusto ko sanang i-surprise ka." sagot niya.

"Mag-usap tayo mamaya." cold kong sabi sa kanya at pumasok na ako sa kwarto. Napabuntong-hininga na lamang ako. Dapat masaya ako ngayon dahil makakasama ko na siya pero arrgh! Sino ba kasi 'yung babae kanina?

***

Tahimik lang akong nakasakay sa kotse niya samantalang siya may pakanta-kanta pa.

"Ikaw ang tanging inspirasyon.. Basta't­ nandito ka ako'y liligaya... Para sayo ak—"

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon