Chapter 5

1.1K 61 8
                                    

"What?! Niligtas ka ni Naruto?!" takang tanong nila Jessa.

"Oo nga. Buti na lang talaga dumating siya." sagot ko.

"Buti na lang meron siyang shakara." biglang sabat naman ni Bryan.

"Siya na yata talaga ang goblin mo, Bes." wika ni Mira. Heto na naman siya sa kaadikan n'ya sa k-drama.

"Hi Mandy!" bati ni Harold sa'kin.

"Yayain sana kita mag-sine mamaya." sabi nito. Tiningnan ko naman ang mga kaibigan ko na parang sinasabing 'bahala ka'.

"Uhm... Sige." sagot ko dahil ilang beses niya na ako niyaya mag-sine pero tinatanggihan ko. Ngayon, pagbibigyan ko na siya.

Nang uwian na, sinalubong ako ni Harold sa may gate ng school.

"Tara!" sabay akbay n'ya sa'kin.

"Mandy!" nagulat naman ako nang may tumawag sakin.

"Naruto? Kanina ka pa ba d'yan?" kunot-noo kong tanong.

"Oo." sagot niya.

Narinig ko naman na humagalpak ng tawa si Harold habang hawak niya ang kanyang tiyan.

"Seriously Mandy? Naruto talaga pangalan niya?" natatawang tanong ni Harold.

"Yup! Wala naman masama kung Naruto ang name niya ah! Ang astig kaya." tugon ko.

"Naruto, may pupuntahan kase kami ni Harold. Mauna ka nang umuwi." sabi ko kay Naruto.

"Okay." sagot niya at tumalikod na. Parang may halong lungkot ang kanyang mga mata sa sinabi ko.

Marami naman tinanong si Harold tungkol kay Naruto, at sinabi niya ring mas gwapo raw siya kay Naruto. Hindi ko naman siya tinanong eh.

Nang matapos na kami manood ng sine at kumain ay hinatid pa niya ako hanggang bahay gamit ang kanyang kotse.

Natanaw ko naman sa may dalampasigan sila Mabel at Naruto na naghaharutan at nagtatawanan. Parang kumirot ang puso ko sa nakita ko. Siguro dahil suplada si Mabel sa'kin pero kay Naruto, hindi.

Kinagabihan, inalok ko si Naruto kumain ng hapunan pero sinabi niyang busog na raw s'ya dahil hinatiran siya ni Mabel ng pagkain kanina. Edi 'wag siyang kumain. Magsama sila ng supladang 'yun. Tsk.

***

Nalaglag ang panga ko nang makita si Naruto na papalapit dito sa dalampasigan na walang pang-itaas na suot.

"Turuan mo 'kong lumangoy." aniya.

"H-ha? O-oh s-sige." tugon ko na nauutal. Hindi na 'ko nagpalit ng damit dahil maliligo na rin naman ako mamaya.

Tinuruan ko siya ng mga basics sa paglalangoy pero at mabilis nama s'yang natuto. 'Fast learner' ika nga.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang umahon at binuhat ako.

"Hoy, b-bitawan mo 'ko!" bulyaw ko habang hinahampas ng aking mga kamay ang matigas niyang braso.

Ang bigat-bigat ko kaya pero kung buhatin niya ako, parang ang gaan-gaan ko lang. Ibinaba niya naman agad ako. Umupo na ako sa buhangin dahil sa pagod.

"Sabi nila Mang Kanor, may alamat daw 'yang bundok na 'yan." turo niya sa isang bundok sa silangan.

"Oo. Meron." sagot ko.

"Ano naman 'yun?" tanong niya.

"Kaya tinawag daw 'yang Isla Halaton dahil naghihintay lang ang babae na bumalik ang kanyang iniirog pero 'di na ito bumalik." pagsasalaysay ko.

"Sa labis na kalungkutan ng babae ay nagpabaya siya sa kanyang sarili kaya nawalan ng buhay ang isla at ito'y nasira." dugtong ko.

Tumango naman siya habang tahimik lang na nakikinig.

"Hindi na ba talaga bumalik 'yung lalake? Bakit?" tanong niya.

"Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi na bumalik yung lalake." sagot ko.

"Siguro, kaya hindi siya nakabalik dahil may rason s'ya." aniya.

Siguro nga.

"Basta lahat ng tao dito, hindi rin alam ang sagot sa tanong na 'yan." sabi ko habang nakatitig sa Isla Halaton.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon