Chapter 15

794 33 1
                                    


"Nay!" tawag ko sa kanya at niyakap siya agad pagkadating ko mula Maynila. Naramdaman ko naman ang pagpalo n'ya nang marahan sa likod ko.

"N-Nay, h-hindi niya na 'ko k-kilala..." nahihirapang sabi ko sa pagitan ng aking mga hikbi.

"Shhhh..." pagtahan niya.

Napahagulgol ako habang yakap ko ang aking ina. Hindi na ako kilala ni Naruto. Ibang-iba na siya ngayon. Hindi na siya ang Naruto na nakilala at minahal ko. Sobrang sakit...

Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana hindi na siya napadpad sa dalampasigan. Sana hindi ko na siya nakilala. Hindi sana ako nasasaktan nang ganito.

***

Its... your smile, your face, your lips that I miss.

Those sweet little eyes that stare at me,and make me stay, I'm with you through all the way......

Tsk, ano ba naman 'to?! Pati music, nakikipagsabayan na sa pag-emote ko.

Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula nang magkahiwalay kami ni Naruto. Parang kahapon lang namin nakita ni Nanay ang isang walang malay na estrangherong hindi ko akalaing mamahalin ko.

Pinipilit ko ang sarili kong kalimutan siya pero hindi talaga siya mawala sa puso ko.

Parang ako na yata ang no. 1 stalker niya dahil lagi kong tinitingnan ang updates niya sa Facebook. Kailangan ko pang maging poser para i-accept niya lang ang friend request ko.

Ini-scroll ko pa ang timeline niya at nakita ko ang mga pictures niya kasama ang parents at mga kaibigan niya.

"Hi Mandy!" bati sa'kin ng tatlo kong kaibigan.

"Anebeyen!" sambit ni Gelai nang makita niyang tinitingnan ko ang mga pictures ni Naruto sa laptop ko.

"Anong ginagawa n'yo dito?" tinatamad kong tanong.

"Edi magswi-swimming!" nakangiting sabi ni Mira.

"Tara mag-swimming tayo!" aya nila sa'kin at hinila na nila ako papuntang dagat.

Siguro ginagawa nila ito para maibsan ang kalungkutan ko dahil napapansin siguro nilang malungkot ako. Naikwento ko kasi sa kanilang lahat ang mga nangyari sa'min sa Maynila.

At kahit papaano, napangiti ako dahil may mga kaibigan akong nand'yan palagi para damayan ako.

***

"Anak. Sa Maynila mo na lang kaya ipagpatuloy ang pag-aaral mo?" ani Nanay.

Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi Nanay.

"Sinabi kasi sa'kin ng tatay mo na pwede kang mag-aral sa Maynila. 'Yun ay kung payag ka." dugtong nito.

"Okay lang sa'yo, Nay?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tumango naman siya habang nakangiti.

"Narinig n'yo ba 'yun?" tanong ko sa kanilang tatlo habang abot-tenga ang ngiti ko.

"Oo, hindi kami bingi!" ani Jessa. niyakap naman nila ako agad.

"Mami-miss ka namin, Mandy." wika nila.

"'Wag nga kayong OA d'yan! Babalik naman ako eh."

"Pero dapat sa pagbalik mo, kasama mo na si Naruto!" tugon ni Mira.

"Ewan..." kibit-balikat ko dahil imposible naman kung makakabalik pa siya.

Pero sisiguraduhin kong maaalala n'ya 'ko. Mark my word!

***

Hay! Sa napakahabang byahe sa barko at bus, sa wakas nandito na ulit ako sa Maynila.

Muli akong bumalik sa tinirhan namin ni Naruto'ng apartment. Mabuti na lang at bakante.

Kumuha ako ng scholarship sa Perkins University kung saan nag-aaral si Naruto— este Xander. Ang course n'ya ay Business Management at ako naman ay Mass Communication at balak ko ngayong maghanap ng part time job para may extra ako kapag nakapasa ako.

***

Ito na ang first day ko dito sa Perkins University. Laking pasasalamat ko nang makakuha ako ng scholarship. Tuwang-tuwa si Nanay at Tatay nang makakuha ako ng scholarship kaya naman mas lalo kong pagbubutihin ang aking pag-aaral.

Sa laki ng university na 'to, parang maliligaw pa ata ako kung saan ang classroom ko. Baka late na— Oo nga, late na talaga ako.

"Good morning po, Ma'am!" bati ko sa professor.

"Oh. You're late. Introduce yourself." aniya at pumunta naman ako sa harapan para magpakilala.

Nang matapos na ang subject naming Communication ay dumiretso na ako sa next subject na Advertising.

Bumilis naman ang kalabog ng puso ko nang makita ko siya dito mismo sa classroom na papasukan ko. Magkaklase ba kami sa Advertising?

Hindi ako makapaniwala. Baka naman maling classroom ang napasukan ko. Tsinek ko ang nakalagay sa aking schedule pero tama naman.

Umupo na lang ako sa gilid at pagkatapos ay sumulyap ako sa kanya. Napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya kaya napaiwas ako ng tingin. Mabuti na lang at dumating na ang professor at nagsimula na ang klase.

Habang nagtuturo ang prof. namin, hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na magkaklase kami. Akala ko, magiging schoolmate ko lang s'ya. May parte sa puso ko na nasasaktan dahil hindi niya na talaga ako makilala.

Nang matapos ang isang oras naming klase, saktong paglabas ko ng classroom, nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at pagharap ko ay bumilis bigla ang pintig ng puso ko. Ang fresh fresh niya na at ang bango-bango pa. Ang layo niya na sa dating Naruto'ng madungis.

"Parang nakita na kita." nagtatakang sabi nito. 'Wag niyang sabihin na naaalala na n'ya 'ko?

Yehey! Naalala na n'ya 'ko. Finally!

"Aha! Ikaw 'yung baliw na yumakap sa'kin noon!" aniya na parang manghang-mangha dahil sa naalala n'ya.

"Na muntikan ko nang masagasaan. Sorry nga pala ah? Hindi na kasi ako nakapag-sorry. Niyakap mo kasi ako." dagdag niyang sinabi.

Napanganga naman ako sa pagkabigla at panghihinayang.

"Huh? B-baka k-kamukha ko lang 'yun." nauutal kong sabi.

"Ikaw 'yun, sigurado ako. Bye." sabi niya at tinalikuran na 'ko.

Natunganga na lamang ako sa inasta niya. Parang pinipiga ang puso sa sakit.

Hindi na n'ya talaga ako maalala...

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon