"What?! Sinaktan ka ng impaktang 'yun?" gulat na tanong ni Demi nang maikwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.
"Ano? Kalbuhin na natin siya! Meron akong dalang gunting dito!" gigil niyang sabi.
"'Wag na! Mas masakit kaya 'yung umasang nanalo ka. Hehe." sagot ko.
"Oo nga. Inggit lang s'ya sa'yo, Bes!" aniya.
Nang uwian na ng hapon nag-text naman sa'kin si Xander na hindi niya ako maihahatid dahil susunduin niya raw ang mommy niya sa airport.
Bigla naman akong kinabahan. Baka hindi ako tanggapin ng mommy niya.
Habang naghihintay ako ng taxi ay may huminto namang kotse sa harap ko at lumapit sa'kin ang lalakeng naka-hoodie.
Nagulat na lang ako nang takpan niya ng panyo ang bibig ko. Nahilo ako sabay bagsak ng aking mga mata.
***
Napamulat ako ng aking mga mata at nakita ko ang isang lalakeng nakatalikod na nagbibihis ng kanyang t-shirt.
"S-sino ka? Anong ginagawa ko dito?" takang tanong ko sabay takip sa'king dibdib.
"'Wag kang mag-alala. Walang nangyari sa'tin. Kailangan ko lang talaga ng pera." sagot niya at agad naman siyang lumabas nitong kwarto.
Hahabulin ko sana siya pero ang bilis niyang naglaho. Bigla akong kinabahan sa nangyayari at kumaripas na ako ng takbo pababa nitong hotel.
Naguguluhan pa rin ako. Anong balak sa'kin ng lalakeng 'yun? Pero sabi niya, walang nangyari sa'min at kailangan niya ng pera. Hindi ko siya maintidihan. Parang ang bigat ng nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Gabi na pala at nakauniporme pa ako. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga hotel staff at parang nandidiri silang nakatingin sa'kin.
***
"Oh, anak! Ba't ngayon ka lang?" takang tanong ni Nanay pagkauwi ko dito sa apartment.
"W-wala Nay. May inasikaso lang ako." pagsisinungaling ko.
"Kumain na tayo." aya niya at umupo na ako. Para namang hindi ako ginaganahang kumain.
***
Pagpasok ko pa lang ng school ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Iba ang tingin nila. Parang nandidiri sa'kin. Maging sa paglalakad ko sa corridor, ganu'n din. Pinagtitinginan ako at nagbubulong-bulungan.
"Yucks! Akala mo naman napakainosente!" parinig sa'kin ng babae.
"Oo nga! Malibog din pala Hahaha!" dugtong nu'ng isa.
"Mandy!" tawag sa'kin ni Demi na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"Ano 'to?" tanong niya sabay pakita ng picture sa kanyang cellphone.
Napatakip na lang ako ng bibig nang makita ang larawang magkasama kami nu'ng lalake sa isang kama na naka-shirtless siya at ako naman na natutulog.
"H-hindi maari!" naiiyak kong sabi. Nagsink-in sa'kin lahat ng nangyari kagabi.
Tumakbo naman ako papuntang rooftop at sumunod din si Demi. Kinuwento ko naman sa kanya ang lahat.
"Frame-up 'yan!" sambit niya.
"Si amina! Oo, tama. S'ya ang gumawa nito sa'yo para masira ang image mo at mapaghiw—" hindi niya na tinapos ang sinasabi niya.
"Alam na ba 'to ni Xander?" kunot-noo niyang tanong at nagkibit-balikat na lang ako.
Sobrang bilis ng kabog ng puso ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.
Kaya siguro hindi ako sinundo ni Xander ngayong umaga dahil alam n'ya na. Baka galit siya sa'kin.
Tinawagan ko naman si Xander at sinagot n'ya naman ito. Parang ang lamig ng boses niya. Sinabihan ko naman siya na magkita kami dito sa rooftop.
'Di nagtagal, nakita ko na siya at napansin kong may halong lungkot ang mga mata niya.
"Alis muna ako." paalam ni Demi. Niyakap ko naman nang mahigpit si Xander pero hindi siya tumugon sa yakap ko.
Bumitaw siya sa yakap ko at ipinakita ang phone niya.
"Explain this!" malamig niyang boses sabay pakita ng litrato.
"N-na frame-up lang ako!" nauutal kong sagot.
"Sino 'tong lalakeng kasama mo?" halata sa kanyang boses ang galit.
"Hinablot ako ng lalakeng 'yan at nawalan ako ng malay. Pagkagising ko, nasa hotel na ako kasama siya." naiiyak kong sabi. Tila may tinik sa lalamunan ko at nahihirapan akong magsalita.
"Pero sinabi niya naman na walang nangyari sa'min. Kaya may nagframe-up sa'kin." Pinahid niya naman ang mga luha sa mukha ko.
"Sorry! Nadala ako ng galit ko." aniya at niyakap ako nang mahigpit.
"I'm sorry. I trust you." sambit niya.
"Sa tingin mo, sinong gumawa nito sa'yo?" tanong niya.
Nagkibit-balikat na lamang ako.
***
Nang matapos ang klase namin sa Advertising ay nahihiya akong tumungo sa cafeteria kasama si Xander. Rinig ko pa rin ang mga bulung-bulungan sa paligid pagpasok namin ng cafeteria.
"Wtf! Look who's here! Si Miss Fvcking Girl!" pagtataray na sabi ni Amina.
Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko nang magkasalubong na kami. Parang gusto ko siyang kalbuhin.
"Amina!" halata sa boses ni Xander ang galit.
"Xander! Nakita mo ba ang scandal phot—"
"Siniraan mo lang ang girlfriend ko!" galit niyang sabi kay Amina.
Tinapunan ko naman siya ng matalim kong tingin bago kami umalis ni Xander.
***
to be continued...
