Chapter IV

438 11 0
                                    

Dalawang araw matapos ang pangyayaring yon ay hindi ko kinibuan si Sasuke. Naiinis talaga ako sa kanya.

"Mandy! sorry na, nagbibiro lang naman ako." aniya nang nilapitan niya ako dito sa may cottage.

Pinandilatan ko na lang siya ng aking mga mata.

"Ang swerte talaga ni Naruto." aniya.

"Kase bukod sa napakaganda ng mapapangasawa niya eh mabait pa." puri niya.

Pampalubag loob.

"Alam mo ba may napaginipan ako," nilingon ko na siya sa sinabi niya.

"May mga bumugbog daw sa'kin at inihulog nila ako sa dagat." nanlaki naman ang mga mata ko.

Aba! ginagaya niya ang nangyari kay Naruto.

"Edi may naaalala ka na?" tanong ko. Nagkamot naman siya sa kanyang batok. "Wala pa e."

"Pilitin mong may maalala ka na dahil luluwas na kami ng Maynila."

"Pinipilit ko naman alalahanin ang lahat eh, kaso wala talaga, ang blangko ng isip ko." aniya. Di ko naman maiwasang maawa. Na-g-guilty tuloy ako. May tendency kase na kapag pilit mong inalala ang memorya ay sasakit lang ang utak nito.

"Okay, wag mo ng pilitin. Maalala mo rin ang lahat." sabi ko.

"Salamat talaga sa pagsagip mo sa'kin, malaki ang utang na loob ko sayo." aniya.

Bigla niya naman akong niyakap.

'Anak ng!'

Hinawi ko naman ang mga bisig niyang nakayakap sa'kin.

"Wag mo nga akong yakapin." asik ko.

"Nilalamig kase ako." aniya.

"Tse!"

Buong araw naman na walang tawag at text sa'kin si Naruto. Siguro busy lang siya sa trabaho.

"Di ka pa ba matutulog Mandy?" bungad sa'kin ni Sasuke dito sa may dalampasigan.

"Hindi pa ako inaantok." sagot ko.

"Sige," umalis na siya.

Napapitlag naman ako sa pag vibrate ng phone ko sa bulsa ko. I'm pretty sure na si Naruto ang nagtext. Pero bigla naman akong nanlumo pagkabasa ko ng text.

From: Mira

'May mangyayareng masama sayo, kaya ipasa mo ito sa sampu mong kaibigan sa loob ng isang oras.'

Tsk, chain message lang pala. Hindi naman 'to totoo eh. Pero wala naman masama kung susundin ko ang chain message.

Message not sent!

Haist, wala na pala akong load. Nagkamot ako ng ulo at nagpasyang pumunta sa tindahan ni aleng bebang na nasa may kanto.

Sa pagpaload ko, habang naglalakad ako pauwi ay may sumalubong sa'kin na dalawang lalake na sa tingin ko mga nasa 30's na ang edad. Nakangiting aso sila o mga mukha lang talaga silang aso. Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko. Hala! di pa naman isang oras ang chain message ah?

"Ah-eh a-ano pong k-kailangan niyo?" kinakabahan kong tanong.

"Ikaw ang kailangan namin." nakangising sagot ng isang lalake.

"Makikitext po kayo?" tanong ko at inabot ko ang cellphone ko.

Napapatakbo na talaga ako. Luminga-linga ako sa paligid at mga sarado na ang kabahayan. Tanging ilaw nalang mula sa isang poste ang nagsisilbing liwanag.

My God! Lord sana po protektahan niyo ako.

Hinawakan na ako ng isang lalake at nang dahil dun napasigaw na ako.

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon