"Malayo pa ba sa inyo?" tanong ni Xander nang makasakay na kami ng barko.
"Uhm, mga dalawang oras pa." sagot ko.
"Bagay kayo ng boyfriend mo." sabi niya.
"Ah, alam mo?" tanong ko.
"Oo. Nandu'n kaya ako." sagot niya habang pinagmamasdan ang dagat.
Makalipas ang ilang oras ng byahe sa barko...
"Nay!" sigaw ko at yumakap nang mahigpit sa kanya.
"Anak, na-miss kita!" wika niya sabay pahid ng kanyang mga luha. Napalingon naman siya sa'king likuran at lumapit kay Xander.
"Naruto!" tawag ni Nanay at niyakap siya.
"Naruto?" takang tanong ni Xander.
"Oo, tama ka ng narinig. 'Yan ang pangalan mo dito." sagot ko.
"Ang astig!" manghang sabi niya.
"Tara na sa loob, kumain na tayo." anyaya sa'min ni Nanay.
***
"Masaya ako't nakabalik ka." sabi ni Nanay habang nilalapag ang pagkain sa mesa.
"Alam mo bang halos mabaliw na si Mandy kaiisip sa'yo?" dugtong nito.
"Nay naman! Matagal na 'yun." pagtanggi ko.
"Ngayon, hindi na?" tanong niya.
"H-hindi na. Dahil may boyfriend na 'ko." sagot ko sabay yuko. Alam kong magagalit sa'kin si Nanay dahil hindi ko agad sinabi sa kanya na may boyfriend na ako.
Muli kong tiningnan si Nanay at palipat-lipat siya ng tingin sa'ming dalawa ni Xander.
"May naalala na 'ko kahit konti." wika ni Xander.
"T-talaga? Anong naalala mo?" gulat kong tanong.
"Basta, malapit ko nang maalala ang lahat. Na minsa'y naging parte kayo ng buhay ko." wika niya at napalunok na lamang ako.
"Mandy!" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sigaw ng mga kaibigan ko sa labas. Tinext ko pala sila na nandito kami ni Xander.
Pumasok naman sila Jessa, Mira, at Gelai at niyakap nila ako.
"Na-miss ka namin!" sabi nila.
"Hi, Xander!" bati nila at tumango naman siya.
"Naaalala mo ba kami?" tanong ni Mira.
Umiling lang si xander.
***
Kinagabihan, kinausap ako ni Nanay tungkol sa boyfriend ko. Syempre nagalit s'ya dahil hindi ko sa kanya sinabi.
"Anak, akala ko ba si Naruto ang mahal mo. Bakit may boyfriend ka na?" takang tanong ni Nanay.
"Nay, may fiancée na s'ya." malungkot kong sabi. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha niya
Bumuntong-hininga siya at muling nagsalita
"Anak, napag-isip-isip namin ng tatay mo, sasama ako sa'yo sa Maynila." tugon niya.
"Talaga, Nay?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Oo. Magtatrabaho ako doon." sagot niya.
Napansin ko naman si Xander na malayo ang tingin habang pinagmamasdan ang dagat. Siguro pinipilit niyang alalahanin ang lahat. Basta ang pumapasok sa isip ko sa mga oras ngayon ang huling sinabi ni Hiro na 'I trust you'.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Kung dati pinagdadasal ko na sana bumalik ang mga alaala ni Xander, ngayon naman sana hindi na lang bumalik ang mga alaala n'ya sa'kin dahil may gusto na akong iba at 'yun ay si Hiro.
Gayon na lamang ang gulat ko paggising ko ng umaga nang niyakap niya ako nang mahigpit.
"Mandy, naaalala na kita!"
***
Xander's POV
Minsan ang mga napapaginipan ko ay parang nangyari na. Hindi ko lang talaga matandaan kung sino ang kasama ko dahil hindi ko maaninag ang mukha niya. Sa tuwing nagigising ako mula sa panaginip na iyon tanging ang pagpintig lang ng puso ko ang naririnig ko.
Si Mandy nga ba ang babaeng napapaginipan ko? Pwedeng siya nga dahil sinabi niya sa'kin sa may park na siya ang kumupkop sa'kin noong may amnesia pa ako. Gusto kong makipagkaibigan sa kanya dahil gusto ko siyang makilala at makapagpasalamat na rin sa pagkupkop niya sa'kin.
"Can you be my girlfriend?" tanong ni Hiro kay Mandy.
"Uhm, y-yes!" sagot naman nito.
Parang may parte sa puso ko na kumirot at sumikip na lang bigla ang aking dibdib sa'king natutunghayan. Mali ito. Abnormal na yata ang puso ko dahil nasasaktan ako sa wala.
Napagpasyahan kong puntahan ang lugar kung saan ako kinupkop ni Mandy at pumayag naman siyang sumama sa'kin.
Nang makarating na kami sa tirahan niya dito sa probinsya, pinagmasdan ko ang buong paligid. Ito nga ang lugar na napapaginipan ko. Lati ang nanay niya ay parang kilala ko maging mga kaibigan niya.
Napamulat ako ng aking mga mata matapos kong mapaginipan ang lahat ng nangyari. Tumatakbo kami ni Mandy para takasan 'yung mga lalakeng gusto akong patayin.
Hanggang sa lumuwas kami ng Maynila para hanapin ang aking pamilya pero sa kasamaang-palad ay nasagasaan ako. Iyak siya ng iyak habang pinagmamasdan akong nakabulagta sa sahig hanggang sa bumagsak na ang mga mata ko at nawalan ng malay.
Sa paggising ko ay agad kong hinanap si Mandy at niyakap siya ng mahigpit.
"Mandy, naaalala na kita!"
***
Mandy's POV
Parang napatalon ako sa gulat nang bigla akong yakapin ni xander at sinabi niyang may naalala na daw siya.
"Mandy, naaalala na kita!" masigla niyang sabi.
"N-naalala mo na 'ko?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Syempre, ikaw kaya ang babaeng minahal ko." sagot n'ya. Bigla na lang sumikip ang dibdib ko said katotohanang nagbalik na ang mga alaala niya. Dapat nga maging masaya ako dahil naaalala niya na ako pero masakit dahil sa sitwasyon namin.
"X-Xander, may boyfriend na 'ko!" sambit ko na ikinalungkot ng mga mata niya.
"Atsaka may fiancée ka na." dugtong ko.
"Hindi ko s'ya gusto. Ikaw ang gusto ko, Mandy." pailing-iling na tugon niya.
"May boyfriend na 'ko, Xander." mariin kong sabi.
***
to be continued...