"Don't mind them." sambit ni Xander nang mapansin niya siguro na pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa corridor.
Ang tingin ng iba, parang nandidiri sa'kin dahil na rin siguro du'n sa picture na kumalat tungkol sa'kin.
Pagkahatid sa'kin ni Xander sa classroom ko ay umalis na rin siya agad.
"Nakakadiri." parinig ng classmate kong babae.
"Wawa naman si Xander mylabs. Nagpapauto siya sa isang prostitute." sabat naman ng isa.
Grabe naman sila kung makapanghusga sa'kin.
Kahit nasasaktan ako sa pinagsasabi nila ay pinipilit ko na lang dedmahin. Nagsalampak na lang ako ng earphone at nakinig ng music habang wala pa ang professor namin.
***
"Hi, Mandy!" bati ng mga kaibigan ni Xander dito sa cafeteria.
"Mandy, gusto mo ba ng chocolates? Heto oh!" alok sa'kin ni Niel.
Tatanggapin ko na sana ang bigay ni Niel nang tapikin ni Xander ang kamay ni Niel.
"Kaya kong bumili n'yan!" sambit niya.
"Ikaw naman, Xander, napakaseloso mo." sabi ni Harry.
"Para kase dapat 'yan sa nililigawan n'ya pero 'di tinanggap ni Demi!" bulalas ni Vince.
"Wawa naman! Basted!" pang-aasar ni Miko.
"Si Demi?" kunot-noo kong tanong.
"Oo. Nililigawan ko'ng kaibigan mo. Pero sobrang pakipot." inis na sambit ni Niel.
Napangiti na lang ako sa itsura niyang parang naiinip. Hindi naman pakipot si Demi. Baka 'di lang niya type itong si Niel.
"Ipapakilala na kita kay Mommy." ani Xander pagkalabas namin ng school.
"Ano?" gulat kong tanong.
"'Wag kang mag-alala. Mabait s'ya." aniya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Paano kung hindi niya ako gusto para sa anak niya? Feeling ko tuloy, aatakihin na ako sa puso nito.
***
Xander's POV
"Tigilan mo na ang paninira mo sa girlfriend ko!" galit kong sabi kay Amina.
"Xander, wala akong ginagawa sa kanya!" sagot niya.
"Sino 'yung lalakeng binayaran mo, ah?" tanong ko. Sa tingin pa lang ni Amina ay alam kong nagsisinungaling siya.
"W-wala nga akong kinalaman d'yan!" kibit-balikat niya.
"Sa susunod na may gawin kang masama sa kanya, ako'ng makakalaban mo." banta ko at tinalikuran na siya.
***
"Ano? Tara na!" anyaya ko kay Mandy at pinaangkas ko na siya sa aking motor.
"Mandy, relax..." sambit ko nang mapansin kong balisa siya.
"Xander, natatakot ako!" aniya at sinabihan ko ulit siya na kumalma lang.
Nang makarating na kami sa bahay, parang ayaw niya pang pumasok. Hinigpitan ko na lang ang hawak sa kamay niya.
"Ma, we're here!" tiningnan niya naman agad si Mandy saka ngumiti.
"Good evening po!" bati sa kanya ni Mandy.
Umupo kami ni Mandy at kaharap naman namin si Mommy.
"I'm so glad to meet you, hija." nakangiting sabi ni Mommy kay Mandy.
![](https://img.wattpad.com/cover/111969429-288-k894531.jpg)