Chapter XVI

399 14 0
                                    

2 months after, heto ako nanonood sa pagrampa ni Yohan sa runway. Nalaglag ang panga ko nang lumabas na siya ng stage suot ang mino-model niyang damit. Ang gwapo.. Fierce siyang tingnan, direcho lang ang mata niya si gitna at di lumilingon sa audience. Nandito lang ako sa gilid at parang gusto kong sumigaw na kilala ko yan.

Hanggang sa isang araw ay nakita ako ng isang fashion icon. Nanood kase ako ng rehearsal nila. Ang sabi niya, bagay din daw akong magmodelo.

"Wag ka ng sumali." Pinipilit ako ni Yohan na wag na magmodelo. Tinanggap ko na kase ang alok ni ms. marchessa na fashion designer.

"At bakit naman?" taas kilay kong tanong.

"Paano kung pasuotin ka nila ng bikini lang." giit niya. Oo nga noh. Pero ano naman.

"Sexy naman ako ah." giit ko rin.

Wala na siyang nagawa pa dahil nasunod ko parin ang gusto ko. Pangarap ko kase talagang magmodelo.



**



Time flies so fast, makalipas ng isang taon, nakatingin ako sa malaking larawan ko. Fierce ako sa larawang ito, I'm wearing brown dress.

Trabaho ko na ang pagmomodelo kasama si Yohan. Nagresign ako sa tinatrabahuan kong production company mula nang maging modelo ako.

'Everybody line up.

The show is about to start,

Faces.

Beautiful.

No one ugly allowed.'



I walk confidently sa stage. Suot ang binibida kong polka dots na dress.



Pumapalakpak pa ang fashion icon samin nang matapos na ang show. She is very proud sa successful ng kanyang fashion industry. Nagulat nalang ako nang niyakap ako ni Yohan ng nakatopless lang. Rinig ko naman ang mga kantyawan ng mga tao sa paligid.

"I am very proud of you." aniya. Kumalas na siya ng yakap. Inirapan ko nalang siya. Lakas makahokage ng lalakeng 'to.

Kinagabihan, dinala ako ni Yohan sa isang pilipino restaurant. Namiss ko ang pilipino cuisine gaya ng pork adobo at sinigang, kaya naman todo ang pagkain ko nito. Habang ngumunguya ako ay bigla nalang akong pinunasan ng panyo ni Yohan sa gilid ng labi ko. Agad ko naman itong kinabig.

Kinindatan niya ako gaya ng lagi niyang ginagawa. Inirapan ko nalang siya. At pagbalik ko ng tingin sakanya ayun, kinikindatan niya parin ako.

Waah! Parang uminit tuloy ang pisngi ko sa ginagawa niya.

Tinampal ko naman ang mukha niya.

"Tusukin ko yang mata mo nitong tinidor." pagbabanta ko. Ngumiti lang siya at pailing-iling pa.

Isang gabi, nang nakahiga na ako sa kama ay may tumawag sa cellphone ko.

"Yohan bakit?"

"Hello, are you a girlfriend of this wasted guy?" baritonong boses sa kabilang linya at ayun, sinabi niyang lasing na daw si Yohan sa bar.

Agad naman akong tumungo sa bar na sinabi ng bouncer. Malapit lang naman sa tinitirhan naming apartment. Luminga-linga ako sa paligid ng bar at nahanap ko agad siya na tulog sa may high chair.

"Hoy Yohan, lasing ka na." sabi ko habang niyuyugyog siya. Tinulungan naman ako ng bouncer palabas ng bar.

"Mandy, I love you." aniya habang nakaakbay siya sakin pauwi. nagzizigzag pa kami habang naglalakad. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

Kinuha ko naman ang susi sa bulsa ng pantalon niya.

"Hey, chansing yan ah." aniya. Binuksan ko nalang ang pinto ng apartment niya. Binuksan ko rin ang ilaw. Humiga agad siya sa kama niya at nahila niya naman ako pahiga kaya ayun, nakapatong na ako sakanya. Hindi agad ako nakaalis dahil mahigpit ang pagkahawak niya sa likod ng katawan ko. Nakalapat ang kamay ko sa dibdib niya kaya ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang hinalikan niya ako sa labi. Sa pagkabigla, kumalas ako sa halik niya. Ngumiti lang siya.

Arrgh! Lakas makagalawang hokage ng lalakeng 'to.

"Your lips is so delicious." nakangiting aso niyang sabi.

"Matulog ka na nga." sabi ko. Tinalikuran ko na siya at lumabas na ako ng kwarto niya.

Ramdam ko parin ang pag init ng pisngi ko pagkapasok ko ng kwarto ko. Inlove na ba ako sa lalakeng yun?

Hanggang sa isang araw, nagulat nalang ako nang magtanong si Yohan habang kumakain kami sa may restaurant.

"Can you be my girlfriend?" tanong niya.

Kumalabog ng husto ang puso ko at uminit ang pisngi ko.

Naisip ko this time, muli kong paliligayahin ang puso ko.

"Yes." mahinang sabi ko.

"YES!" bigla siyang sumigaw sa tuwa. Napatingin tuloy ang ibang costumer sa gawi namin.

"sshh.. Ang ingay mo." suway ko.

"Masaya lang ako, finally.. after a decade ay sinagot mo narin ako." aniya. Decade?

To be continued....

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon