Chapter XIX

469 12 0
                                    

Naririnig ko minsan na kapag nagmahal ka, kaakibat nito ang masaktan. Kahit gaano ka niya nasaktan, siya at siya parin ang iibigin mo hanggang sa huli. Pero minsan naiisip ko na tama na, ayoko na. Pagod na pagod na ako. Gusto ko naman magmahal ng perpekto. Yung lalaking di ako sasaktan. Yung puro kilig lang. Katulad ngayon,

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Yohan sa kamay ko. Kasalukuyan kaming namamasyal. Gabi na pero nandito kami sa park. Nagaabang ng meteor shower, meron daw kase ngayon.

Nagulat nalang ako nang biglang lumuhod sa harapan ko si Yohan at may ipinakita siya saking singsing. Kumikinang pa ang white diamond nito dahil natatamaan ito ng liwanag ng buwan. May mga narinig akong tilian ng mga babae sa paligid.

"You will marry me?" tanong ni Yohan. Nanginig ang tuhod ko. Parang hindi ko yata ito pinaghandaan. Humugot ako ng malalim na hininga. Iniwas ko ang tingin kay Yohan. Hindi ko alam ang isasagot ko. Napadako ang tingin ko sa isang lalake sa di kalayuan.

Si Xander. Tumango siya sakin na parang sinasabi niya, na tanggap niya na kung ano ang magiging desisyon ko. Nag thumbs up pa siya sabay ngumiti ng pilit sakin. Sumikip na naman ang dibdib ko dahil sa presensya niya. Bumuntong hininga ako at bumalik ng tingin kay Yohan, na ngayon ay parang nakikiusap na ang mga mata.

Yes or no?

Naglalaban na ang utak at puso ko sa kung ano ang dapat kong gawin.

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang nagbabadyang mga luha saking mata. Binalik ko ang tingin kay Xander. Tumalikod na siya. At unti-unting naglaho sa paningin ko. Di ko na napigilan ang pagtakas ng mga luha ko. Naramdaman ko nalang ang pagyakap ng mahigpit ni Yohan. "I'm s-sorry." ikbi ko. "sshh.. it's okay." aniya habang yakap ako ng mahigpit. Humarap siya sakin at pinahid niya ang mga luha ko ng kanyang daliri. Nangilid din ang mga luha niya. Tumingala siya upang pigilan ito ngunit bigo siya, tumulo ang kanyang mga luha. Paulit-ulit naman akong nagsorry. Hindi ko sinasadyang saktan siya. 

Tumango siya na parang nagdesisyon ng sobrang hirap.

"Siya parin ba?" mahinang sabi niya. Nahirapan naman akong lumunok na parang may bato sa lalamunan ko. Hindi ako makasagot. Humugot siya ng malalim na hininga.

"Okay, t-tapusin na natin "to." aniya. Binitawan niya ang kamay ko. Ngumiti siya ng pilit sakin.

"I'm sorry.." naluluhang sabi ko.

Tumango siya at tinalikuran na ako. Pinagmasdan ko na lamang ang likod niya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Heto na naman, ang puntong nasunod ang puso ko. Pero ginamit ko din naman ang isip ko dahil kung sasagutin ko naman kase siya na magpakasal ay baka lalo ko siyang masaktan at mahihirapan ako dahil may mas matimbang sakanya.

Bumuntong-hininga ako para gumaan ang pakiramdam ko sa nangyari samin ni Yohan. Darating ang araw na may iibigin siyang kayang suklian ang kanyang pagmamahal. Na mas deserving pa sakin. Na kaya siyang pasayahin.

Nandito parin ako sa park na tulalang pinagmamasdan ang kalangitan. Napansin ko naman ang ibang tao na sinusulyapan ako, siguro sila ang mga nakapanood samin ni Yohan. Nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito saking bulsa.

Yohan:

Nakauwi kana? Sorry kung iniwan kita sa park

Hindi pa. - reply ko.

Yohan:

Go home na. Gabi na oh. Don't worry im ok

Tumayo na ako at lumabas na ng park. Imbes na sumakay na ako ng taxi ay naglakad-lakad muna ako. Maliwanag pa naman mula sa streetlights at may mga taong namamasyal, more on mga couples. Napalingon ako sa isang bar. Pumasok naman ako. Konti lang ang tao. Nakakabingi ang trance music at nakakalula ang neon lights. Umupo ako sa isang highchair at nag order sa bartender ng wine. Napatingin ako sa mga nagsasayawang tao sa dancefloor. Parang napalundag ang puso ko sa gulat. Si Xander na may kasayawang sexy'ng babae. Sumikip bigla ang dibdib ko at umigting ang panga ko sa nakikita.

Parang tinambol ang puso ko nang bigla nalang hinalikan si Xander sa labi at tumugon naman ito sa halik ng babae. Para akong nanghina saking natutunghayan. Nabaling ang tingin ni Xander sa kinaroroonan ko at nanlaki ang mga mata niya. Tumayo ako at hindi ko na pinansin ang bartender na inaabot sakin ang alak. Pagkalabas ko ng bar ay agad akong naghanap ng taxi.

"Mandy!" naramdaman kong humawak si Xander sa braso ko. Nanlilisik ang mga mata kong nilingon siya.

"Why are you alone? where's Yohan?" naguguluhan niyang tanong. Amoy alak siya.

"uhm congrats ikakasal kana." aniya at pumilit siyang ngiti. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Hindi ko siya sinagot dahil ikaw parin," naluluhang sabi ko. Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Tapos ngayon, madadatnan ko na may kahalikan kang babae." pinahid ko ang mga luha ko. Umiling siya.

"A-akala ko kase.. wala na talaga,"

"pero Mandy, maniwala ka hindi ko sinasadya," aniya.

"Ikaw lang nasa isip ko ng oras na yon dahil sobra akong nasaktan, I'm sorry."

Kinabig ko naman ang kamay niya sa braso ko.

"Mandy, mahal kita kaya ako nagpapakalasing upang makalimot,"

"Bigyan mo ako ng oras para makapag isip kung babalikan pa nga ba kita." mariin kong sabi at tinalikuran na siya. Pumara ako ng taxi at sumakay agad. Sumulyap ako kay Xander nanatili sa kanyang kinatatayuan. Bumuntong-hininga ako upang kumalma.


**


Dumaan ang mga araw na imbes tumunganga ako sa bahay, inabala ko nalang ang sarili ko na maghanap ng trabaho. Natanggap ako bilang fashion model sa isang fashion industry dahil may history ako sa pagmomodelo sa ibang bansa.

"Anak, pumunta dito ang mama ni Xander," pambungad na sabi ni nanay nang umuwi ako sa bahay.

"Oh bakit daw?" tanong ko.

"Dalawang araw na daw na naka-confined sa ospital si Xander," alalang sabi ni nanay. Kumabog bigla ang dibdib ko.

"Ikaw daw kase lagi ang hinahanap ng anak niya."

Pumunta agad ako sa ospital na sinabi ng mama ni Xander. Ba't ba malapit sa disgrasya ang taong yun?

Unti-unting sumisikip ang dibdib habang papalapit sa kwarto kung saan naka-admit si Xander. At nang nasa harap na ako ng kwarto niya, bumuntong-hininga ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang mama niya na nakangiti akong sinalubong.

"You came here, finally." aniya.

Nilingon ko si Xander na nakaratay sa hospital bed. Nagising siya at nagulat nang makita ako.

"Maiwan ko muna kayo." paalam ng mama niya at lumabas na. Ngumiti naman ng pilit sakin si Xander. Sinikap ko namang kumalma dahil kanina pa talaga mabigat ang pakiramdam ko.

"A-anong nangyare?" tanong ko.

"Yung time na iniwan mo ako sa bar, may nakaaway akong lasing kaya ayun, sinaksak niya ako daplis lang naman." paliwanag niya. Eh panu kung sa tiyan niya tumama ang kutsilyo? edi patay siya, tss.

"Wala na ba talaga kayo ni Yohan?" nag aalangan niyang tanong. Tumango ako.

"Pwede na ba tayong magsimula ulit?" tanong niya. Para namang may humaplos sa puso ko. Yan ang paulit-ulit na tanong ng isipan ko. Handa na ba akong patawarin siya?

Unti-unti akong tumango.


To be continued....

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon