Epilogue

1K 20 2
                                    



Muli niyang siniil ng halik ang aking labi. Napatalon kami sa gulat nang may tumatawag ng pangalan ko di kalayuan. Natigilan si Xander. Tumila na pala ang ulan. At nang matauhan ay hinagilap na namin ang aming mga damit. Aligaga kami pareho habang kinakapkap sa sahig ang mga damit namin dahil madilim. Nasaan na ba yun? Unti-unti ko ng naririnig ang tawag nila sakin.

"H-heto." inabot sakin ni Xander ang spaghetti strap ko. Sinuot ko naman agad yun.

"heto pa." inabot niya pa sakin ang skirt ko. Mygod!

"Mandy!"

Di nagtagal,

May flashlight na tumama samin.

"Oh my god!" gulat na sabi ng baklang fashion designer nang makita na kami. Tatlo silang magkakasama kabilang ang mga kapwa ko modelo.

"Buti naman, nandito ka lang pala." buntong-hininga niya at pinasadahan ng tingin ang kasama ko. Napatingin naman ako kay Xander na wala pang t-shirt.

"Ah eh n-naligaw po kami at. at sumilong muna kami rito." paliwanag ko at tumango siya.

Buti naman na binalewala nila ang aming gulat na ekspresyon. Lutang parin ako habang tinatahak ang gubat. Di ako makapaniwala na muntikan na akong bumigay kay Xander. Nagkatinginan kami at napaiwas naman agad ako ng tingin. Nakaka-awkward. Di ko na namalayan na nakabalik na kami sa kalsada. Sinalubong naman kami ng mga kapwa ko modelo at nagyakapan kami ni Shiela. Sinisi niya naman ang sarili niya sa nangyari.

"Okay lang ako, saan ka nahanap?" tanong ko. At ang sinagot niya ay napapa-cr na daw siya, may gumagamit daw kase ng cr kaya pumasok siya ng gubat. Nagtawanan naman kami sa sinabi niya.

"Baliktad naman yung damit mo, ba't ka naligaw?" ani shiela. Napatingin naman ako sa suot ko at baliktad nga. Napalunok nalang ako at awkward na ngumiti.

"Alalang-alala sayo si pareng Xander na kararating palang, buti nahanap ka niya." sabi ni Jerry na kapwa ko modelo.

Buti nalang may dala akong extra clothes. Sa kotse na ako ni Xander sumakay. Napansin ko naman buong biyahe na tahimik lang si Xander. Di siya nagsasalita. Diretso lang ang tingin sa kalsada.

Dumungaw nalang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang streetlights. Nagulat nalang ako nang magsalita siya.

"Nagugutom ka ba?"

Tumango naman ako. Nagugutom na pala ako nang di ko namamalayan kaiisip sa nangyari samin. Huminto ang kotse at lumabas na kami. Pumasok kami sa isang fastfood chain. Wala parin kaming imik habang kumakain.

"Gusto mo magcheck in tayo sa hotel?" natigilan naman ako sa pag-nguya.

"k-kase malayo pa tayo sa Maynila." aniya.

Agad naman ako tumanggi. "Ah wag na, gastos pa kung magchecheck-in pa tayo."

"Ako naman yung magbabayad eh."

"Basta ayaw ko." giit ko at nagpatuloy ako sa pagkain. Iniisip ko, baka ituloy niya ang naudlot. Magalawang hokage pa naman ang lalaking 'to.

Nang matapos kaming kumain ay bumyahe na kami ulit. Makalipas ang mahigit isang oras ay nakarating na kami sa bahay ko. Nagpaalamanan na kami. Bumuntong hininga ako. Jusko, para akong maha-hyperventilate kaiisip sa nangyari. Hanggang sa paghiga ko sa kama. Agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala na sinagot ko na pala siya ng kasal.

Kaya naman nagising ako kinaumagahan na puyat. Sasabihin ko ba kila nanay at tatay na sinagot ko na si Xander na magpakasal? Natapos ang almusal na umurong ang dila ko. Haist mamaya na nga lang.

Pumasok na ako sa trabaho at nadatnan ko ang mga co-model ko na pinagtitinginan nila ang aming shots sa Quezon.

"Hot ka dito Mandy oh." sabi ni Shiela sabay turo dun sa solo picture na nakaupo ako sa buhangin. Napapikit nalang ako ng mariin dahil masyadong revealing ang legs ko. Baka magalit na naman si Xander nito kapag nakita. Ilang beses niya na akong pinilit na magresign sa trabahong 'to ngunit sadyang makulit ako, eh sa passion ko talaga 'to. Wala siyang magagawa.

Kinagabihan, pinilit ako ng mga co-model ko na pumunta sa bar. Saglit lang ako at nagpaalam na sa kanila. Bago ako makalabas ng bar, nahagip ng mga mata ko si Yohan na may kasamang babae. Sumasayaw sila sa dancefloor. Nabaling ang tingin ni Yohan sakin. Binulungan niya ang babae at nilapitan nila ako.

"Hello, kamusta na?" nakangiting bati niya.

"hmm heto, model parin hehe." sagot ko.

Napatingin naman ako sa babae.

"Mandy, si Sarah pala girlfriend ko." pakilala ni Yohan. Wow, may girlfriend na pala siya. Good for him. Masaya ako para kay Yohan. Nagkamayan naman kami ng babae. Maganda siya at sexy, mukhang foreigner. Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Xander sa tabi ko. Tumawag nga pala siya kanina kung nasaan ako.

"Girlfriend mo pre?" untag niya.

"Yup." sagot agad ni Yohan at hinalikan sa labi ang babae.

"Ang sweet niyo naman, hetong fiance ko di manlang maging sweet sakin." nakangiting aso na sabi ni Xander. Siniko ko naman siya.

"Aray! ang sweet mo talaga." ani Xander. Di nagtagal ay nagpaalamanan na kami nila Yohan.

"Pasyal tayo." alok ni Xander habang nagbabyahe kami.

"Saan naman?" tanong ko.

"ah alam ko na." aniya

Dumiretso kami sa Amusement park. Pinilit niya naman ako na sumakay ng rollercoaster.

"Sige na nga." pagpayag ko.

Kinakabahan naman ako pagkasakay palang. Sinuot na namin ang seatbelt. At nang umandar na ang rollercoaster, di ko na napigilang mapatili. Magkahawak nalang kami ng mahigpit ni Xander.

Waaaah!!!

Woooah!!



**





2 months after..

Nangingilid ang luha ko sa aking mga mata habang dahan-dahang naglalakad sa aisle ng simbahan. Parang hinahaplos ang puso ko. Naalala ko lahat ng pinagdaanan namin ni Xander. It's like a roller coaster ride, ups and downs. Nakaka-enjoy at nakakatakot, na baka hindi kami ang nakatadhana sa isa't-isa lalong-lalo na nang bumalik na ang kanyang tunay na alaala at tuluyan na akong nakalimutan. Dumating sa puntong nagkasakitan kami, nagkatuluyan at nagkahiwalay. Kinamuhian ko siya ng matagal na panahon ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sinubok ang kahinaan ko. Pinatatag lang pala ako.

Nakangiti lang si Xander pero nung nakalapit na ako sakanya ay may tumulong luha sa kanyang mga mata at agad niya itong pinunasan. Hinawakan na niya ang aking kamay patungong altar. This is it. Hindi ko talaga akalain na sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

"So now you Delos reyes, do you take this man be your husband? to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish from this day forward until death do us part?"

"I do, father." sagot ko. Bumaling naman ang pari kay Xander at inulit ang tanong. Tumatango-tango naman si Xander bawat salita.

"I do, father." nakangiting sabi niya.

Hanggang sa mag we-wedding vow na kami.

"With this ring, I promise that I'll be your Naruto forever, I will fight for you in the name of love." nakangiting sabi niya, nagtawanan naman ang mga tao nang marinig ang pangalang Naruto. Isinuot niya na sakin ang singsing. Okay, it's my turn.

"With this ring, I promise that I will love you until my last breathe." sabi ko lang at isinuot ko narin sakanya ang singsing.

"Now I pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."

Inalis naman ni Xander ang belo na nakaharang sa mukha ko at marahan akong hinalikan sa labi.

Hindi man perfect ang love story namin, masasabi ko itong worth it dahil sa lahat ng pinagdaanan namin at ito'y aming nalampasan.

THE END.

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon