Chapter 19

733 31 0
                                    


"Okay, you're hired." sabi sa'kin ng manager nitong restaurant.

"You'll start tomorrow afternoon." dugtong nito.

"Thank you po!" nakangiti kong tugon. Sa wakas, meron na rin akong part time job. Dapat hindi ito malaman ni Tatay dahil magagalit 'yun sa'kin. Ayaw kase nu'n na magtrabaho ako habang nag-aaral dahil gusto n'ya, siya ang magtustos sa pag-aaral ko.

"Anak, kamusta ang pag-aaral mo?" tanong ni Tatay habang nag-uusap kami through Skype.

"Okay naman po! Masaya!" nakangiti kong sabi. Nang matapos na kami mag-usap ay nahiga na ako at natulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas.

***

Humarap ako sa salamin at nag-ayos. Nag-ponytail ako ng aking buhok at naglagay ng lipgloss at light blush-on sa aking pisngi. Dahil freestyle naman tuwing Friday, nagsuot ako ng white sleeveless, fitted jeans, at 2 inches na heels. Syempre, meron din akong fashion style 'no! Anong akala n'yo sa'kin?

Pagpasok ko pa lang ng gate nitong university, pinagtitinginan ako, karamihan ng mga lalake.

"Ang ganda!" rinig kong sabi ng isang lalake.

"Oo nga. She's gorgeous." sabi ng isa pang lalake.

Gusto ko sanang tumugon na 'I know right' or 'Matagal na' pero baka naman iba ang tinutukoy nila. Edi napahiya pa ako?

Nang pumasok na ako ng classroom, napanganga 'yung mga lalake nang makita ako o baka naman naghikab lang sila. Hehe, ayoko maging assuming.

Pagkatapos ng Literature class namin, sunod naman ang Advertising kung saan classmate ko si Xander. Dapat hindi na ako maapektuhan sa kanya dahil nakapag-move-on na ako... 'Di ba, Mandy?

"Ikaw ba 'yan, Mandy?!" gulat na tanong ni Demi nang makita ako.

"Yep." tipid kong sagot.

"Naks! Antaray ng lola mo!" sambit niya.

"Ay, oo nga pala! Moving on stage." dugtong niya. Ikinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa'kin kamakailan lang.

Parang konti na lang ang bigat na naramdaman ko nang magtama ang aming mga mata ni Xander pagpasok niya rito sa room.

'Yan, tama 'yan Mandy. Dapat hindi ka na masaktan.'

Habang nagtuturo ang prof. namin ay focus lang ako sa pakikinig kahit na napapansin kong napapasulyap ang mga boys sa'kin. Siguro nagulat yata sila sa konting transformation ko dahil sanay sila na naka-uniform lang ako.

"Okay, class dismiss." paalam ng professor namin at lumabas na.

Dumiretso naman kami ni Demi sa cafeteria. Napapansin kong karamihan sa mga lalake ang tumitingin sa'kin at ang ibang babae naman ay tumataas ang isang kilay kapag nakikita ako.

"Can I seat here?" nagulat nalang kami ni Demi nang may lumapit na lalake na ubod ng gwapo.

"Y-yes!" tugon namin ni Demi. Tumabi naman siya sa'kin.

"I'm Hiro nga pala." pakilala niya at nakipaglahad siya ng kamay sa'min.

"Mandy." pakilala ko rin at nakipagkamay sa kanya.

"Ano ka ba? Kilala na kita. Ikaw kaya ang sikat na basketball player dito sa campus." sabi ni Demi.

"Ikaw 'yung tinatawag dito na Rukawa." dugtong nito at napasamid naman ako sa sinabi niya.

"Seriously? Rukawa?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Yeah." tugon ni Hiro saka kumindat siya sa'kin. kung nakamamatay lang ang killer wink niya, baka kanina pa ako namatay. Hehe.

"Transferee ka ba? Ngayon lang kita nakita eh." sabi ni Hiro habang nakatitig sa'kin kaya umiiwas na lang ako sa mga mata niya dahil nakakailang.

"Uhm... Oo. Transferee ako rito." nakangiti kong sagot.

"May laro kami mamaya. Sana manood ka." sabi niya. Kung makatitig naman ang lalakeng 'to sa'kin, parang matutunaw na 'ko. My god!

"O-oh sige. Manonood kami." sagot ko. Nagpaalam na si Hiro sa'min nang matapos na kaming kumain at mag-kwentuhan. Parang ang gaan-gaan niyang kausap.

"Hoy friend! Parang may gusto siya sa'yo. Ang haba ng hair!" kinikilig na sabi ni Demi.

"Hindi naman." tugon ko.

"Anong hindi?! Eh panay ang titig sa'yo. Ang ganda mo talaga Bes!" dugtong niya.

Napasulyap naman ako nang konti sa gawi nila Xander at nakita kong katabi niya ang kanyang fiancée. Parang tanggap na ng kalooban ko ang katotohanan na wala na talaga kami ni Xander.

Pero... Masakit pa rin.

***

"Go Hiro! Kyaaahhh!" sigawan ng mga babae dito sa gym.

Nakakabingi naman ang mga tili nila na akala mo, parang wala nang bukas.

"Rukawa! Rukawa! Rukawa!" sigaw­ naman ng ibang supporters.

Seryosong-seryoso ang mukha ni Hiro habang naglalaro at pawis na pawis na. Nang mai-shoot ni Rukawa— este Hiro ang bola ng 3 points ay saglit siyang napalingon sa'kin sabay kindat. Naramdaman ko na lang ang malakas na tapik sa'kin ni Demi. Napaka-bayolente naman ng babaeng 'to.

"Waaahhh! Nakita mo 'yun?! Ikaw ang kinindatan niya! Yieee!" kinikilig niyang sambit habang niyuyugyog ako. Parang uminit naman ang mga pisngi ko nang dahil sa pagkindat niya. Ako ba talaga ang kinindatan niya?

"Parang hindi naman." tanggi ko.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon