"Gusto kita, Mandy." pagtatapat sa'kin ni Hiro habang nagsasayaw kami ulit. Diretso lang siyang nakatitig sa'kin at kitang-kita ko sa kanyang mga mata na sincere siya.
"Thank God, I found you." dugtong niya. Natameme na lamang ako sa kanya.
***
Halos isang linggo na rin ang nakalipas nang umamin sa'kin si Hiro sa Acquaintance Party na gusto niya ako. In-appreciate ko lahat ng effort niyang paghatid-sundo niya sa'kin.
Habang naglalakad kami dito ni Demi sa corridor, biglang may lumapit na lalake at binigyan ako ng isang red rose.
"Teka, teka! Kanino 'to?" tanong ko sa lalake na tinalikuran na ako. Sinundan pa ng isang rose at sunod-sunod na 'yung nagbibigay sa'kin ng bulaklak.
"Kanino naman kaya 'to?" takang tanong ko kay Demi.
"Ayieee! Alam na this!" sambit niya sabay kurot sa'king braso.
Hindi ko na mabilang ang mga bulaklak na ibinibigay sa'kin. Sentro na tuloy kami ng atraksyon dito.
Hanggang sa natanaw ko si Hiro na papalapit sa'kin habang siya'y kumakanta.
"I think I've fallen, fallen in love with you... and I don't, I don't know what to do..."
In fairness ah, maganda ang boses niya.
Umiinit na ata ang pisngi ko at siguradong namumula na ito dahil sa pagpapakilig ni Hiro.
Napatingin naman ako sa mga tao sa paligid namin na parang kinikilig din lalo na si Demi na parang nangingisay na. 'Di ko namalayang magkalapit na pala kami ni Hiro. Amoy na amoy ko na ang mabango niyang hininga.
"M-Mandy, I really love you." sambit niya na ikinalaglag panga ko.
"Ayieee!" pangangantyaw ng mga tao sa paligid namin. Nahiya naman ako.
"Can you be my girlfriend?" tanong niya na ikinabilis na tibok ng puso ko.
'Ano bang sasagutin ko?'
Kung dati ang puso ko ang nagdidikta kung sino ang mamahalin ko, ngayon pagbibigyan ko na ang taong nagpapasaya sa'kin na pumasok sa puso ko. Siguro dapat ngang bigyan ko siya ng chance.
"Uhm, y-yes!" nakangiti kong tugon.
"Talaga?" hindi niya makapaniwalang tanong at niyakap ako nang mahigpit.
"Thank you! Thank you!" sabi niya.
"Narinig n'yo ba 'yun? Kami na!" sigaw nito sa paligid namin.
"'Wag ka ngang sumigaw!" saway ko.
"Masaya lang ako, Mandy!" muli niya akong niyakap dahil sa tuwa.
Ako rin. Masaya din ako na may nagmamahal sa'kin ng ganito.
Nahiya naman ako dahil marami na palang tao ang nakapaligid sa'min.
***
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang sumakay kami sa kotse niya.
"Baguio." nakangiting sagot niya.
Oh my God! Sa baguio kami pupunta?! Hehe, nakaka-excite naman.
After 2 hours ay narating na namin ang Baguio. nandito kami ngayon sa Burnham Park at masayang namamasyal.
"Mandy, I'm very lucky to have you." nakangiting sabi niya at hinalikan ang kamay ko. Parang nakuryente naman ang buong sistema ko sa ginawa n'ya.
"Alam mo bang never akong nagseryoso sa babae? Ngayon lang." dugtong nito habang sinasabi niya ang katagang 'yun ay siyang pagbilis naman ng pintig ng puso ko.
"Ah, eh, nagugutom na 'ko." sambit ko dahil masyado ng awkward ang moment na 'to.
Dumiretso kami sa isang resto para kumain. 'Di nagtagal ay napagpasyahan na naming umuwi at hinatid niya ako sa apartment.
"Goodnight, Mylabs!" paalam sa'kin ni Hiro at hinalikan bigla ang pisngi ko.
"Mylabs?" takang tanong ko.
"Mylabs endearment natin." aniya.
"Ano? Ang baduy kaya." pagtutol ko.
"Hindi naman ah? Maganda nga eh." aniya.
***
"Uy... Pumapag-ibig na s'ya!" bungad sa'kin ni Demi dito sa classroom.
"Alam mo bang usap-usapan dito sa buong campus ang confession sa'yo ni Hiro?" aniya.
Literal naman na pag-uusapan talaga 'yun dahil basketball player ang boyfriend ko.
"Psh. Hindi naman sila bagay." parinig ng babae sa likod ko.
"Psh. Inggit ka lang!" bwelta naman ni Demi sa nagparinig.
"Hayaan mo na." sabi ko. Dapat masanay na akong ganito lagi ang maririnig ko tungkol sa'kin.
Nang matapos ang isang oras na klase namin, napalundag ako sa gulat nang bigla siyang sumulpot sa harap ko.
"M-Mandy, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Xander.
"Ah, eh, anong pag-uusapan natin?" tanong ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko. Parang kinakabahan ako.
"Gusto ko kasing pumunta doon sa lugar saan mo 'ko kinupkop." sagot niya.
"Ah... Sa'min sa probinsya?" sabi ko at tumango naman siya.
"Malayo 'yun." dugtong ko.
"Okay lang. Gusto kong puntahan ang lugar kung saan ako nawalan ng alaala." sagot niya.
"Ah, okay." sagot ko.
Parang na-excite naman ako sa kadahilanang makakasama ko siya. Pero iba na ngayon dahil may boyfriend na ako.
"Akin na number mo." binigay ko naman sa kanya ang CP number ko.
"Teka, taga-saan ka?" habol niyang tanong at sinabi ko naman sa kanya ang tirahan ko.
***
"Mandy. May problema ba?" tanong ni Hiro nang mapansin niya sigurong may iniisip ako.
"Hiro, may sasabihin ako sa'yo." sabi ko sa kanya dito sa gym.
"Ano 'yun?" tanong niya.
"Si Xander. Ako 'yung kumupkop sa kanya nu'ng may amnesia pa s'ya."
"Ikaw? Ikaw ang kumupkop sa kanya?" takang tanong niya.
"Oo. Gusto n'yang pumunta sa'min sa probinsya para maalala niya daw ang lahat." saad ko. Mukhang nag-isip pa siya bago pumayag.
"Ah, okay." tipid niyang sagot.
"Gusto ko sanang sumama kaso may basketball tournament kami." sabi niya.
"I trust you." dugtong niyang sabi. Mukhang malaki yata ang tiwala niya sa'kin. Nakaramdam ako ng tuwa dahil makikita ko na si Nanay dahil miss ko na talaga siya.
***
Kinaumagahan ng Sabado, nag-ayos na ako ng sarili ko at excited na talga ako.
'Mandy, may fiancée na siya kaya 'wag kang ano d'yan. Atsaka may boyfriend ka na. May tiwala pa naman 'yun sa'yo.' kumbinsi ng isip ko.
Saktong paglabas ko ng apartment, nakita ko si Xander na nag-aabang sa'kin.
"Let's go!" aya niya at parang nakuryente ako nang hinawakan bigla ang kamay ko pero bumitaw agad ako.
Mukhang ready'ng ready siya ah? May bitbit pa siyang backpack habang ako, shoulder bag lang. Sumakay na kami ng kotse niya at hinatid kami ng driver niya papuntang pier.
***
to be continued...