Chapter 24

673 26 1
                                    


Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nang bumalik ang mga alaala ni Xander.

Tanggap ko na ang katotohanang wala na talaga kami dahil masasaktan lang ako kapag tinanggap ko pa siya sa buhay ko.

Meron na akong boyfriend at meron na rin siyang fiancée.

***

"Nay! Si Hiro po. Boyfriend ko." pakilala ko sa kanya pagpasok namin ng apartment.

"Good evening po." bati naman ni Hiro.

"Ang gwapo pala ng boyfriend mo, anak." puri ni Nanay kay Hiro.

"Katamtaman lang po." sambit ni Hiro. Sus! Pa-humble pa 'tong lalakeng 'to.

Pumunta kami sa kusina para kumain ng hapunan. Natapos ang kainan namin na puno ng kwentuhan at mukhang close agad sila ni Nanay.

"Ang gaan-gaan n'yang kausap." wika ni Nanay pagkaalis ni Hiro.

***

"Hoy, Mandy! Magsisimula na ang basketball." sabi sa'kin ni Demi at pumunta na kami ng gym. Grabe, ang daming tao at may cheering squad pa.

"Kyaaahhh! Go, Rukawa!" sigaw ng mga babae kay Hiro. Kulay red ang jersey nila. Championship ngayon ng basketball kaya ako ngayon nagpapaka-supportive­ girlfriend.

Gumawa kasi ako ng banner para pang-cheer sakanya. Kumindat naman siya sa'kin matapos maka-3 points kaya naman niyugyog ako nang malakas ni Demi dahil sa kilig.

"Waaah!" hiyaw niya at siniko ako.

"Hoy! Mag-cheer ka naman sa boyfriend mo." utos sa'kin ni Femi.

"Nagchi-cheer naman ako ah?" asik ko.

Natapos ang laro at ang nanalo ay ang basketball team nitong university.

"Para sayo 'to." bigay sa'kin ni Hiro at isinabit sa leeg ko ang MVP medal. Nakaramdam naman ako ng hiya sa ginagawa niya dahil maraming nakatingin sa'min dito.

"Ano ka ba, sa'yo 'to!" binalik ko naman ang medal sa kanya.

Uminit naman bigla ang pisngi ko dahil bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Kaya naman ang mga nakakita sa'min ay halos lumuwa na ang mga mata.

Napalunok naman ako nang bigla siyang naghubad ng jersey n'ya.

"Papunas." utos niya at inabot sa'kin ang towel niya. Sinunod ko naman siya kahit nahihiya ako. Pinunasan ko ang likod niya na basang-basa ng pawis.

"Thanks." aniya

***

Pagkatapos naming mag-lunch ni Hiro ay nagpaalam naman ako sa kanya dahil may gagawin pa akong assignment.

Habang naglalakad ako papuntang library, napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Xander sa harap ko.

"Mandy, pwede ba tayong mag-usap?" bungad niya.

"M-mag-aaral pa 'ko eh." sagot ko.

Ilang araw ko na siyang iniiwasan at siya rin ay iniwasan ako. Kahit na magkaklase kami sa isang subject ay parang hindi kami magkakilala. Pero ngayon nagulat talaga ako nang kausapin niya na ako.

Tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya naman ang kamay ko nang mahigpit.

"Teka lang, Mandy." pigil niya.

"Wala na ba talaga?" malungkot niyang tanong.

"Wala na ba talaga akong pag-asa?" kita ko sa kanyang mga mata na naluluha na siya.

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon