Chapter II

493 13 0
                                    

Flashback

"Paano tayo niyan makakauwi?" angal ko.

"I dunno, hintayin nalang natin si Mang kanor." kibit balikat niya.

Paano kung hindi dumating? tsk.

Gabi na at heto kami, nakatingala lang sa kalangitan. Buti nalang full moon ngayon kaya maliwanag. Binigay niya naman sakin ang jacket niya nang mapansin na nanginginig ang katawan ko sa lamig. Humiga siya sa buhanginan at ganun din ako. Ang daming mga bituin kaya napakagandang pagmasdan ang kalangitan.

"Sometimes, we are like stars, we fall to make someone's wish come true."aniya. Nakangiti lang siyang nakatingala sa kalangitan.

"Nakita mo yun?" turo niya sa kalangitan.

"Ang alin?" tanong ko.

"bulalakaw."aniya at umiling ako.

"Nakita mo yun?" turo niya pa.

"Ang alin?" tanong ko.

"UFO." aniya, at humagalpak siya ng tawa.

'Tsk ewan ko sayo.'

"Baka si kokey yun." biro ko. Sige sasakyan ko nalang ang trip niya.

"Naniniwala ka ba sa alien?" tanong niya.

"Oo naman." sagot ko at napatawa naman siya.

Totoo kaya ang mga alien, naninirahan sila sa kabilang planeta.

"Nagmamahal din kaya ang mga alien?" tanong niya.

"Syempre, tao din sila ah este may puso din sila na marunong magmahal." wika ko, at tumango naman siya.

Maya't-maya, napansin kong tulog na siya. Nakapikit na ang kanyang mga mata. Braso niya ang nagsisilbing unan at sa kanang braso niya naman ako nakahiga. Di ko 'to inaasahan na matutulog pala kami dito sa buhanginan.

Nagdasal nalang ako na sana ay maging safe kami sa islang 'to. Malay mo, may ahas na gumapang samin o kaya naman pagong. Maniwala kayo sa hindi, takot ako sa pagong. Pinikit ko narin ang aking mga mata at natulog.

Nagising ako sa sinag ng araw kaya hinarangan ko nalang ito ng aking palad.

"Good Morning Mandy!" nakangiting bati ni xander.

Naaninag ko naman si Mang kanor na papalapit samin.

End of Flashback


Pinagmasdan ko ang engagement ring na binigay sa'kin ni Xander. Kumikintab ang blue diamond nito mula sa liwanag ng buwan na tumatama dito.

Excited na talaga ako sa kasal namin. Hindi na ako makapaghintay. Dalawang buwan nalang.

Kaya nandito ako sa probinsya para magbakasyon. Nag-resign pala ako sa trabaho nung nakaraang linggo dahil badtrip sa'kin lagi ang boss ko kaya inunahan ko na siya na baka isisante niya lang naman ako bigla.

Si Xander naman ay umalis nung nakaraang linggo at mamamalagi ng isang buwan sa Canada para sa kanilang negosyo. Si tatay naman ay bumalik na sa abroad isa't kalahating buwan na ang nakararaan.

Naisipan kong magbakasyon muna kami ni nanay dito sa probinsya at saka maghahanap ulit ng trabaho pagbalik namin ng Maynila.

"Mandy, kakain na." anyaya ni nanay. Pumasok na ako ng bahay at naupo na sa mesa.

Aba! ang arte naman ng lalakeng 'to dahil naka-tinidor pa, tinapa lang naman ang ulam. Nangangamoy siyang richkid.

Napag isip-isip ko na babalik kami sa Maynila. Isasama pa ba namin s'ya o iwan nalang siya dito? at gawin naming caretaker?

Wala pa pala siyang pangalan, minsan ang tawag namin sakanya ay Hoy o kaya Mister.

Hmm..alam ko na, yung bestfriend nalang ni Naruto na naging mortal enemy niya. Sino nga ba yun?

"May naisip na akong ipangalan sayo." pagbabasag ko ng katahimikan namin habang kumakain.

"Ano?" agad niyang tanong.

To be Continued...

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon