Chapter 21

700 27 3
                                    

Masaya akong magkaibigan na kami ni Xander. Okay na rin ito. Kahit hindi niya na ako maalala, at least nag-uusap na kami at binabati ang isa't-isa tuwing magkakasalubong sa classroom.

"Hoy, Mandy! Halika na, nagsisimula na ang basketball!" anyaya sa'kin ni Demi at hinila ako papuntang gym.

Ayan nanaman ang mga hiyawan ng mga fangirls ng basketball team nitong university. Sobrang nakakabingi, halos mabasag na ang eardrums ko.

"Kyaaah!"

"Go Rukawa Mylabs!" sigawan ng mga fangirls niya.

Napalingon naman sa gawi ko ang pawis na pawis na si Rukawa— este Hiro saka napangiti nang makita ako at nai-shoot niya sa 3-point lane ang bola. Tumingin siya sa'kin sabay kindat.

Halos mapasubsob ako sa mga nakatayo sa unahan nang itulak ako ni Demi dahil sa kilig.

Pansin ko nanaman ang mga tingin ng ibang babae na parang kakatayin na nila ako.

"Tsk. Hindi naman maganda." rinig kong sabi ng isang babae.

"Oo nga." tugon naman ng isa.

"Insecure lang kayo! Bleh!" bwelta naman ni Demi sabay labas ng dila sa dalawang babae.

Natapos ang basketball at ang nanalo ay ang basketball team nitong school.

Natanaw ko si Hiro na papalapit dito sa gawi namin and take note, topless lang siya kaya lantad na lantad ang kumikinang niyang abs.

"Para sa'yo ang larong 'to, Mandy." sabi niya sabay kindat. Napaawang ang bibig ko du'n ah! Speechless ako at lalong nag-init ang mukha ko nang kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito pero agad ko namang binawi ito na ikinatigil n'ya.

"Ah-eh, male-late na 'ko." sabi ko sabay talikod kay Hiro at hinila ko na rin si Demi na tulala lang sa tabi ko.

"Wait lang, baby girl!" pigil ni Hiro.

At kailan pa naging baby girl ang pangalan ko? Hindi ako lumingon.

"Hoy, baby girl daw! Tawag ka!" sabi ni Demi sabay kurot sa'kin.

Napalingon naman ako saglit at napanganga na lamang ako dahil sa flying kiss ni Hiro.

'Anebeyen, parang keneleg ako du'n ah?'

"S-sige. B-bye!" paalam ko at tinalikuran na siya pati na rin si Demi na parang nagha-hyperventilate na.

***

"Mandy, may isusuot ka na ba sa Acquaintance Party?" tanong ni Demi.

"Uhm, wala pa." sagot ko.

"Meron ako. Pahihiramin kita. For sure, babagay 'yun sa'yo." aniya.

Nagkibit-balikat ako. "'Di pa naman ako sigurado kung a-attend ako."

"Wag ka ngang KJ d'yan!" aniya.

***

It's Acquaintance Day.

I'm wearing black gown na pinahiram sa'kin ni Demi at high hills na 4 inches ang taas. Inayusan niya pa ako. Siya naman ay naka-purple gown. Sabi ko nga, 'wag na kaming mag-make-up kase nakamaskara naman kami pero nilagyan niya pa rin ako ng kung ano-ano sa mukha.

Sabay kaming pumasok ni Demi at feeling ko, pinagtitinginan kami ng mga tao.

May lumapit naman sa'ming lalake na nakamaskara.

"Hi, adorable girl!" bati niya sa'kin at nakilala ko s'ya dahil sa boses niyang husky.

"Hiro, ang gwapo mo d'yan ah?" namamanghang sabi ko. Makasuot siya ng black tuxedo.

Umupo naman kami at naghintay na magsimula ang party.

"You're beautiful." bulong sa'kin ni Hiro, halos makiliti na ang tenga ko dahil sa bulong niya.

'I know right!'

Syempre sa isip ko lang ang katagang 'yun. Malay mo binobola lang pala ako ng lalakeng 'to.

"Hindi kaya!" sagot ko sabay tapik sa kanya. Nasaan kaya si Demi? Iginala ko ang aking mga mata at nakita siya galing sa may CR.

May emcee naman ang nagsalita sa stage at tinawag ang president nitong university para mag-speech. Pagkatapos mag-speech ng president ay nagsimula na ang party-party. Namatay na ang ilaw ng stage at nagkaroon ng disco lights kaya nagmukhang bar ang dating ng venue. Nagpatugtog ang DJ ng kantang ma-beat at pang-sayaw.

"Halika na!" hinila na ako ni Demi sa dance floor at naiwan sa table namin si Hiro.

Gumaya na lang ako sa kanya na pataas-taas lang ng kamay.

Nang mapagod na akong sumayaw ay iniwan ko si Demi na sumasayaw kasama ang iba naming kaklase. Saglit akong naupo at nakaramdam naman ako ng gutom. Mamaya pa siguro ang kainan time. Tss.

Bigla naman nag-play ng slow song kaya natigil ang sayawan at natira na lamang sa dance floor ay mga couples na sweet sa isa't-isa. Nakakainggit naman.

"Can I dance with you?" aya sa'kin ni Hiro na kahit nakamaskara ay kita sa kanyang mga labi ang matamis na ngiti.

"O-okay." pagpayag ko at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

[Now playing: "I Love You So" by Toni Gonzaga]

Pagpunta namin sa gitna, hinawakan niya ang bewang ko at ipinatong ko rin ang aking kamay sa balikat niya. ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil siguro sa kilig.

'Di nagtagal ay may ibang kamay ang nakalahad sa'kin. Pumayag si Hiro na sayawan ko ang lalakeng ito at pumunta na si Hiro kung saan.

Ganu'n din ang ginawa nh lalakeng ito. Hinawakan niya ang bewang ko at ako rin sa balikat niya. Sino kaya 'to? Parang nakukuryente ang sistema ko. Parang may naramdaman akong hindi ko maipaliwanag habang kasayaw ko siya.

Tumingin ako sa mga mata niya para kabisaduhin ang mukha niya at du'n ko napagtanto kung sino ang lalakeng kasayaw ko ngayon. Kilalang-kilala ko ang kanyang mga mata. Parang bumalik lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Feeling ko, matutumba na ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Tinanggal niya ang maskarang suot niya saka ngumiti sa'kin.

"'Di mo ba 'ko nakilala?" nakangiting tanong niya.

"Xander." kumindat naman siya sa'kin matapos kung banggitin ang pangalan niya.

"Lalo kang gumanda, Mandy!" puri niya at napalunok na lamang ako.

"Weh? 'Di nga?" pagtutol ko.

"But seriously, I—" 'di na n'ya naituloy ang sasabihin n'ya nang biglang siyang hilahin ng fiancée niya.

"Let's dance, Xander!" anyaya ni Amina habang may hawak na red wine at tinalikuran na nila ako.

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon