Xander's POV
Pauwi na sana ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Tumigil ako para tingnan kung sino'ng tumatawag.
"Oh. Sino 'to?" tanong ko sa unknown caller.
"Hawak namin si Vince." sagot agad ng lalake sa kabilang linya at narinig ko ang sigaw ni Vince. Pamilyar ang boses ng tumawag. Parang 'yung leader ng BMG.
"Ikaw lang ang pumunta dito sa teritoryo namin. Kapag hindi mo sinunod, tutuluyan namin 'to, naiintindihan mo?" sambit niya at pinatay ang tawag.
Ano kayang ginagawa du'n ng mokong na 'yun? Tsk. Dumiretso naman ako agad sa tinext nilang hide-out. Isa sila sa mga gang na nakalaban namin. Nagtataka lang ako kung paano nila nabihag si Vince.
Nang makarating na ako sa teritoryo nila, pumasok ako sa lumang warehouse. Nakita ko naman sila agad.
"Oh. Xander the Great! Nandito ka na pala!" nakangising sambit ni Mike.
"Xander! Hindi ka na dapat pumunta rito." alalang sabi ni Vince. Tss.
"Tingnan lang natin kung kaya kang ipagtanggol ng leader mo." nakangiting asong sabi ni Mike.
"Anong kailangan n'yo sa kanya?" kalmado kong tanong.
"Siya ang may kailangan sa'min kaya siya pumunta dito." aniya. Hindi pa rin ba siya nakakamove on sa ex-girlfriend niya? Tsk.
"Tinakot mo lang si Jia na hiwalayan ako!" galit na utas ni Vince.
"Ba't hindi mo matanggap na ayaw sa'yo nu'ng babae at ako ang gusto n'ya?!" pasinghal na sabi ni Mike.
Biglang nanlaban si Vince sa dalawang nakahawak sa kanya at nagpalitan sila ng mga suntok. Lumapit naman ako sa kanila at tinulungan ko siyang makipaglaban. Pinagsusuntok ko 'tong isa.
"Xander!" sigaw ni Vince kaya nakailag ako nang aambahan ako ng silya ni Mike at sinipa ko siya nang malakas. Natumba ito sa sahig. Naramdaman ko na lang na may malakas na kamao ang dumapo sa mukha kaya napahiga ako. Ang sakit nu'n ah?
Nakita kong nakikipagsuntukan si Vince sa dalawa. Ako naman ang kay Mike. Susuntukin niya sana ako nang umilag ako at sinipa ko siya sa mukha kaya sumalampak ulit siya sa sahig. Taekwondo master kaya 'to.
"Tara!" anyaya ko kay Vince. Nagmadali na kaming lumabas ng warehouse at umangkas na sa'king motor.
"Magtutuos pa tayo!" nangangalating sigaw ni Mike nang makaalis na kami ni Vince.
***
Mandy's POV
"Ano 'yan? Ba't may pasa ka?" nag-aalala kong tanong pagkalabas ko ng apartment ng umaga.
"Ah, eto? Uhm... n-nadapa lang ako." balewala niyang sagot.
"Nadapa? Sabihin mo lampa ka lang. Hahaha!" pang-aasar ko. Useless ang pagsusuot niya ng black leather jacket.
"Lampa? Ako, lampa? Halikan kita d'yan eh." sambit niya. Natahimik na lang ako sa sinabi niya. Mamaya, bigla niya pa akong halikan.
Pumasok kami ng apartment at nilagyan ko ang mga pasa niya ng cold compress.
"A-aray! M-masakit, babe." daing niya sa tuwing didiinan ko du'n sa mga pasa n'ya.
"May tinatago ka ba sa'kin?" tanong ko. Bigla naman siyang napailing.
"Wala." sagot niya agad.
"Alam kong may nililihim ka sa'kin." sabi ko at halata sa kanyang mukha na siya'y kinakabahan.
"Gangster!"
Napalunok na lang siya.
"S-sorry. Hindi ko sa'yo nasabi." aniya.
"Nakipag-rambol ka ba kagabi?" tanong ko.
"Oo." aniya.
"Kung talikuran mo na kaya ang gang na 'yan? Mapapahamak ka lang d'yan eh." sambit ko pero napailing lang siya.
"'Di pwede! 'Di ko kayang talikuran ang mga kaibigan ko." sagot niya.
"Don't worry. Ako kaya si Xander the Great!" pagmamalaki niya sabay flex ng kanyang braso. Pero kinakabahan pa rin ako kapag naiisip ko na nasa bakbakan siya. Ang creepy kaya. Balang araw, mapipilit ko din siyang talikuran ang pagiging gangster niya.
Nakalimutan ko tuloy na may pasok kami kaya naman nagmadali na kaming pumunta ng school.
"Sige, late na ako!" paalam ko kay Xander at iniwan siya sa corridor. Narinig kong tinatawag niya pa ako pero 'di ko na siya nilingon.
"Good morning, Sir!" masayang bati ko kay Sir na tinaasan lang ako ng kilay. Buti na lang at 3 minutes late lang ako.
Nang matapos ang isang oras ng subject namin sa Literature ay pumunta naman ako ng CR para mag-ayos dahil ang gulo-gulo ng buhok ko.
Napatalon naman ako sa gulat nang bigla siyang sumulpot habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin.
"Sooner or later, magiging basura ka na lang na ex ni Xander." pagtataray niyang sambit. Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. Biglang nanikip ang dibdib ko.
"I'm his fiancée." dugtong nito. Fiancée dahil sa arrange marriage na sabi sa'kin ni Xander pero tutol siya dito kaya alam kong hindi matutuloy ang kasal nila ni Xander.
"Oh. Hindi mo alam ang word na fiancée? Ibig sabihin, soon to be wife." sarkastiko nitong sabi.
"At pasalamat ka dahil hindi pa ito nalalaman ng mommy ni Xander dahil nag-out-of-the-country s'ya." sambit pa niya at tinalikuran na ako.
"Edi magsumbong ka." bulong ko sabay belat sakanya.
"What did you say?" tanong niya sabay harap ulit sa'kin.
"Ah, eh, sabi ko maganda ka." sagot ko.
"I know right!" pagtataray niya at tinalikuran ulit ako. Bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. May tiwala ako kay Xander kaya hindi dapat ako mangamba.
***
Habang naglalakad ako dito sa corridor...
"Miss Mandy, pwede ba tayong mag-usap?" bungad na tanong sa'kin ni Ms. Garcia, prof. namin sa Communication.
"You're going to represent our department for the incoming Miss Campus." sambit niya.
"Po?" gulat kong tanong.
"Yeah. Ikaw ang napili ko." aniya.
"P-pag-iisipan ko po." sagot ko.
Myghad! Sasali ba ako o hindi? For sure, free tuition ito next semester.
***
to be continued...