8 months later.....
Tulala ako habang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa dagat.
Nandito na naman ako sa probinsya. Anim na buwan na ako rito. Nagtatrabaho ako sa isang hotel kasama ang mga kaibigan ko.
It's been seven months nang ikasal si Xander sa isang babae. Ang sakit nang nalaman ko yon. Akala ko tanggap ko na pero ang sakit ng naramdaman ko. Lalong-lalo na ng mapanood ko pa sila sa tv na nakasuot ng wedding dress. Pinilit kong tanggapin ang nangyayari pero mabigat parin ang loob ko.
All I gave was love but he gave me heartaches in return. Pinagsisihan ko talaga na siya ang minahal ko. He doesn't deserve my tears.
But now. I'm heal. Naging peklat na lamang ang dati kong sugat sa puso.
--
"Mandy!" Masaya akong sinalubong ni nanay sa pagbabalik ko ng Maynila. Mahigpit niya akong niyakap. Ngumiti ako sakanya.
Nagulat ako nang makita ko si Sasuke dito sa loob ng bahay. Tipid siyang nakangiti sa'kin.
"Anak, uhm.. minsan bumibisita siya dito." sabi ni nanay. Tumango naman ako at ngumiti sakanya na walang halong bitterness. Isa 'to sa mga moving on process, na dapat di na ako naaapektuhan sa mga taong nanakit sa'kin.
"Bumalik na yung mga alaala niya." sabi ni nanay.
Huh?
"Eh ba't mo kami naaalala?" takang tanong ko kay Sasuke.
Nagkibit-balikat na lamang siya. Siguro nga, may iba yatang tendency na ganun. Naalala parin ang mga nangyari nung nakaraan kahit bumalik na ang mga alaala.
"So saan ka na ngayon nakatira?" tanong ko.
Kinuwento niya sa'kin ang lahat ng pinagdaanan niya. Medyo naguilty naman ako nang maikwento niyang naging palaboy siya sa kalsada ng ilang araw. Buti nalang may nakakilala sa kanya, ang kanyang kaibigan.
Naalala niya na ang lahat nang makita niya ang kanyang pamilya. Naalala niya na kung bakit siya napadpad saming lugar. Mag po-proposed siya sana sa kanyang girlfriend ngunit hindi siya nito sinipot at nahuli niya sa akto na may ibang lalake ang kanyang nobya. Nag pakalasing siya sa sarili nilang yate. Siguro ay nalango siya sa alak kaya nahulog siya sa dagat.
Tunay niyang pangalan ay Yohan mendez.
--
Ilang linggo narin ang nakalipas mula ng bumalik ako ng Maynila. Kasalukuyan akong nakasuot ng pang corporate attire. Nag apply ako sa isang wine company.
At sa kabutihang palad, natanggap ako bilang secretary ng CEO nitong kompanya.
Sa unang araw ko sa trabaho, hindi ko pa kilala kung sino ang CEO. Ang nag interview kase sa'kin ay yung mismong head ng Human resources. Nakaupo lang ako dito sa office table ng secretarial habang hawak ang schedule ng boss ko. Napatayo ako agad nang dumating na siya. She look so adorable sa kanyang suot na royal blue. Na intimidate agad ako. Hmm.. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kung saan.
"Good morning Ma'am!" nakangiting bati ko. Ngumiti siya sa'kin. Ang ganda niya. Mato-tomboy yata ako neto dahil sa very angelic niyang mukha.
"Morning! Uhm.. You're my new secretary?"
"Opo Ma'am. I'm Mandy delos reyes." pormal kong pakilala.
Pinapasok niya na ako sa opisina niya. Ang ganda naman ng office niya. Plain white and gold ang kulay ng kanyang furnitures, very classy. At may bar lounge pa sa gilid ng kanyang office table. Pormal kong sinabi sa kanya ang kanyang schedule ngayong araw.
Binigay niya naman sa'kin ang mga paper works na gagawin ko maghapon. Tinitigan ko ang mukha niya habang nakaupo sa swivel chair, para nga talagang nakita ko na siya.
Natapos ang buong maghapon, natapos ko lahat ng pinagawa niya.
Pinatikim pa sa'kin ni Ms. Hannah ang wine na next product nila. It tastes bitter and sweet mixed. Sa una mapait ang lasa at kapag nanuot na sa dila ito'y tumatamis.
Mga 6 pm na ako natapos sa trabaho. Niligpit ko na ang mga gamit ko at on the go na akong umuwi. Nagpaalam na ako sa boss ko na nasa opisina pa.
TING!
Sa pagbukas ng elevator. Nanlaki ang aking mga mata at kumalabog ng husto ang puso ko sa kaba. Hindi 'to ang inaasahan kong pagkikita namin. Nanlaki din ang mga mata niya nang makita ako. Pareho kami na nasa state of shock ni Xander.
To be continued....