""What? Kinidnap ni Harold si Naruto?" gulat na tanong nina Mira at Gelai matapos kong ikuwento sa kanila ang nangyari kagabi.
"Hays! Crush ko pa naman si Harold." nanghihinayang na sabi ni Jessa.
"Nahuli na siya ng mga pulis kagabi." sabi ko.
"Kaya pala bali-balita sa buong campus na nakulong daw si Harold at mga kasama n'ya." sabat naman ni Justin.
Pagpasok namin ng cafeteria, rinig na rinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante. Si Harold din ang pinag-uusapan nila.
"'Di ba leader siya ng gang?" tanong ni Bryan kay Justin pero nagkibit-balikat lang ang huli.
"Oo. Rinig na rinig ko sa mga kaklase natin na leader daw si Harold ng isang gang." wika ni Jessa. Parang nagpantig naman ang tenga ko sa narinig. All this time, ang nanliligaw pala sa'kin ay leader ng isang gang.
Edi ibig-sabihin, marami pa siyang tauhan. Baka paghigantihan nila si Harold.
"Dito ba nag-aaral ang mga ka-gang n'ya?" tanong ko pero nagkibit-balikat lang sila.
***
Pagkatapos ng klase ay nagmadali akong umuwi. Baka kasi anytime ay pagbantaan ng mga tauhan ni Harold ang buhay ni Naruto.
"'Nay!" nagmano naman ako kay Nanay.
"Asan po si Naruto?" tanong ko.
"Nandu'n." turo niya sa may tabing dagat.
Lumapit naman ako kay Naruto at hindi niya yata ako napansin dahil tulala lang siya habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.
"Psst!"
"M-Mandy? Nandito ka na pala." aniya sabay tago ng hawak niyang papel sa kanyang bulsa.
"Ano 'yun?" tanong ko.
"Ah, wala." sabi niya.
"Patingin." pamimilit ko. Bumuntong-hininga s'ya bago kinuha ang papel sa kanyang bulsa at pinakita sa'kin.
"May lalakeng lumapit sa'kin kanina at binigay 'yan." wika niya.
Binuklat ko naman ang maliit na papel at binasa ang nakasulat.
[Humanda ka na]
Kinabahan ako sa aking nabasa. Pinagbabantaan na nila ang buhay ni Naruto.
***
"'Nay! May nagbabanta sa buhay ni Naruto!" nag-alalang sabi ko na ikinagulat niya naman. Nag-aalala ako sa posibilidad na pati kami ni Nanay ay madamay.
"Diyos ko!" may halong takot na sabi ni Nanay.
Napatalon kami sa gulat nang may umalingawngaw na putok ng baril. Bigla akong kinabahan at napayakap na lang ako kay Nanay sa takot.
"Naruto!" tawag namin ni Nanay nang bigla siyang lumabas.
Kita ko sa kanyang mga mata ang galit pagbalik niya dito sa bahay. Buti hindi siya napahamak sa paglabas niya.
Nag-report agad kami sa mga pulis matapos ang insidenteng 'yun.
"Mabuti pa ay lumayo muna ako sa inyo dahil nadadamay na kayo." seryosong sabi ni Naruto habang nakayuko.
"Luluwas tayo ng Maynila at hahanapin natin ang pamilya mo." sambit ko.
Siguro ito ang tamang paraan para makaiwas siya sa gulo. Nalulungkot ako dahil may posibilidad na magkahiwalay kami pero ito lang ang tanging paraan para walang mapahamak.
Tumango naman si Nanay na pumayag na rin sa naisip ko kahit halata sa itsura n'ya na labag s'ya sa aking naging desisyon.
"Mas mabuti pa ngang lumayo ka na dahil delikado na ang buhay mo rito." nag-alalang wika ni Nanay.
"Saan ang Maynila?" tanong ni Naruto.
"Malayo pa 'yun dito." sagot ko. "Baka sakaling taga du'n ka at may makakilala sa'yo!" wika ko.
Matagal ko na itong pinag-isipan tutal malapit na'ng bakasyon. Tutulungan ko na si Naruto na makabalik sa pinanggalingan niya.
***
"Aalis kayo?" malungkot na tanong nina Mira sa'min dito sa bahay.
"Oo." sagot naman ni Naruto.
"'Wag mo kaming kakalimutan kapag nakabalik ka na sa inyo ah?" malungkot na wika ni Gelai.
"Ang o-OA n'yo. Babalik pa naman kami eh!" tugon ko.
"Kahit si Naruto lang ang bumalik, ikaw 'wag na. Haha!" tawa nina Justin at Brylle.
"Hehe! Joke lang, mami-miss ka namin. Pati ikaw, Naruto." ani Bryan.
***
"Mag-iingat kayo ro'n ah? Malaki ang Maynila, baka maligaw kayo." nag-alalang sabi ni Nanay.
"Opo 'Nay, mag-iingat kami." sagot ko sabay yakap sa kanya. Yumakap na rin si Nanay kay Naruto.
"Ikaw ah? 'Wag mo kaming kakalimutan!" naiiyak na sabi ni Nanay at pinunasan n'ya ang kanyang mga luha.
"Pangako po. Hindi ko kayo makakalimutan at babalik po ako dito." seryosong sabi ni Naruto.
"Oh s'ya! Baka maiwan na kayo ng barko." maluha-luhang sabi niya sa'min.
Nagpaalam na kami kay Nanay at sumakay na kami ng barko. Natanaw pa namin siya na kumakaway pagkaakyat namin ng barko at kumaway na rin kami ni Naruto.
***
to be continued...
