Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha.Pinilit kong ibalik sa dati ang buhay ko. Alam ko ang OA nang datingan , para tuloy akong teenager na nagmomove-on kahit hindi naman talaga nagkaroon ng syota. Everyday ko na lang sinasabi sa sarili ko na trip lang yun at kung hindi mo na kayang sakyan eh di tadyakan mo na lang para cool, ganyan talaga ang buhay nagkalat ang mga paasa at tanga ka kung umasa ka, muntik na akong maging one of them. Sa mga nakalipas na araw mas pinili ko ding magfocus na lang muna sa trabaho ko lalo na at kailangan ko ring magpabango sa team leader ko para hindi na ako masyadong pag-initan. Sa pamamagitan din nun mas naging kaclose ko yung iba kong ka-officemates lalo na si Lindsy na parang naging instant best friend ko din.
"Ang gulo naman pala ng relasyon niyo Onse! Ni hindi nga pala relasyon yan, MU yan! Malabong Usapan, masakit sa bangs at sa heart yang ganyan" reaksiyon nito nang ikwento ko sa kanya yung katotohanan sa pagitan namin ni Cen
"Yaan mo siya,saka nagpaplano na din naman akong sabihin kay Kuya Jawo ang totoo eh. Naiipit lang ako sa sitwasyon na to, hassle tuloy" sabi ko naman dito sabay kuha ng french fries na inorder niya kanina. Syempre ganun talaga kailangang libangin mo ng kaunti sa kwentuhan para makapang-dupang ka
"Onse pansin ko lang ha, bakit parang malungkot ka? Sabihin mo nga sa akin gusto mo na ba talagang tapusin yang relasyon kuno niyo, o baka naman gusto mong kantahin ang kanta ni Carol Banawa?" Tanong nito sa akin habang naglelean forward pa para lang macheck ang magiging expression ko.
"Anong kanta ni Carol Banawa?" Takang tanong ko dito
"Bakit di totohanin.... bakit di na lang totohanin ang lahat ang kailangan koy paglingap dahil habang tumatagal ay lalo kong natutuhang mamahal...baka masaktan lang 🎶 like Onse" birit nito sabay tingin sa akin nang nakakaloko. Kung hindi lang babae to kanina ko pa to sinungalngal eh, ang lapit na ng mukha sa akin tapos kakanta pa buti kung mabango yung hininga niya.
"Walang ganun Lindsy saka bago ka kumanta magmouth wash ka man lang. Iba yung hininga mo eh, nanapak" walang paki kong sagot dito
"Asus nagdedeny ka lang at pilit mong dinadivert sa akin ang topic pero alam ko deep down in your heart na gusto mo na yang syota-syotaan mo" sabi nito sa akin
"Alam mo Lindsy, wala naman akong paki sa gago na yun. Saka nakokonsensiya na din ako sa Kuya ko dahil nagsisinungaling ako sa kanya sa hindi naman malalim na dahilan" simpleng sagot ko dito na mukhang ayaw namang kagatin nitong isa kayo hindi ko na lang siya pinansin. Takte kung alam ko lang ganito ang babaeng ito eh di sana hindi ko na lang kinwento sa kanya. Gusto ko lang naman na may magpalabasan ng sama ng loob pero baligtad ang nangyari dahil mas naguluhan lang ako sa nararamdaman ko.
After work diretso uwi din agad ako dahil wala akong pera ngayon kaya stay put muna tayo sa bahay. Papasok pa lang ako sa tarangkahan (very deep) gate na lang .. makita ko si Cen na nakatayo at parang may hinihintay. Wala sana akong balak pansinin siya pero ang gago sinalubong agad ako para kunin sana ang bag ko.
"Hoy! Long time no see ha" nakangiti nitong sabi habang nagaattempt na kunin ang bag ko pero pinigilan
"Bat nabulag ka ba?" Tanong ko dito sabay tuloy sana sa paglakad pero humarang si gago
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.