Mas Tinaktehan 14

6.4K 279 49
                                    

Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for the late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!

"Mahal naman wag ka nang magalit sa akin. Kausapin mo na naman ako." Pakiusap ng kulugong ulul na to habang palabas ako ng bahay. Bibili kasi ako ng magic sarap doon sa kabilang barangay.



Oo hindi na ako sa kanila bumibili, bukod sa iniiwasan ko ang kulugong ito ..ay feeling ko naman na tinatamad na din si Aling Ninay na magbenta. Saka baka mamaya expired na yung Magic sarap nila.



"Tabi... nababadtrip ako sa mukha mo! Pg nasunog yung niluluto ni Kuya Benjie ha!" Sagot ko dito



"Sa mukha ko? Nababadtrip ka sa mukha ko na napuno ng biyaya ng maykapal? Sa mukha ko na perpekto at walang kabakas-bakas ng tagyawat? Malabo naman ata ang mata mo mahal eh" pagyayabang nito dahilan para kotongan ko kaagad ito.



"Tumabi ka! Kanina ka pa ha! Ang aga-aga nag-iingay ka dito sa labas namin! Eh kung ipa-barangay kaya kitang ulul ka?!" Pananakot ko dito and as usual walang epekto sa kanya yun dahil dalawang dangkal na ata ang kapal ng mukha ng lalaking ito.




Okay! Ganito kasi ang nangyari..after umamin ng kulugong ito sa kalokohan niya ay syempre nagalit ako. Galit na galit mga pre! Gumagawa ba naman ng istorya at dinamay pa si Kuya Jawo. Takte ang bata-bata ko pa ikakasal na agad ako? Okay ang OA nun..hindi na ako ganun kabata pero kahit na! Kababalikan lang namin. Pero ang mas malala sa pinaka malala ay nang sabihin ni Kuya Jawo na aayusin niya agad ang lahat para makausap kaming dalawa. Nadale na. Kaya ayun! Sa yamot at badtrip ko ay hindi ko siya kinausap simula noong isang araw.




"Onse naman eh. Bakit ba kasi ayaw mong pakasal sa akin?! Sa akin ka din naman babagsak eh wala ng iba! Saka mahabang proseso pa yun mahal...magiipon pa ako kaya parang engagement lang yun" pangangatwiran nito



"Engagement?! Engagement na hindi ko alam?! Naglolokohan ba tayo?!" Asik ko dito na ikinakamot ng ulo ko.



"Eh di yan alam mo na. Eh di wala ng problema!" Confident nitong sagot na ikinainis ko.




"Mukha mo!!! Layas at baka mabangasan ko na yang mukha mo!" Sigaw ko dito sabay kuha ng paso sa bakuran namin kaya tumakbo agad ang gago. Wag ka! May mga paso kami sa garden pero dont worry walang nakatanim doon..paso lang talaga. Hahahah nyeta.



Tangina ang layo ng tindahan eh magic sarap lang naman ang bibilhin ko. Ako pa tuloy ang napagalitan ni Kuya Benjie pagdating ko dahil nakipag-pabebehan na naman daw ako sa Pareng Cen niya. Mga ulul sila!




"Eh ano ba kasing inaarte-arte mo Onse at aayaw ka pa diyan kay Pareng Cen? Feeling dalaga ka din eh !" Tanong nito habang naghahalo nang niluluto niya.




"Hindi sa umaayaw ako noh! Ang ayoko lang ay yung pinangungunahan niya ako! Saka si Kuya Jawo ang dinadamay niya buti kung ikaw lang" sagot ko dito na ikinataas ng kilay nito



"Wow ha, ang taas ng respeto mo sa akin sa part na yan!" Inis nitong sabi sabay bato sa akin ng sibuyas pero hindi ko nasalo kaya ayun natamaan niya yung lagayan ng baso kaya nabasag lahat ng yun. Jusko sa mangkok ata kami iinom ng tubig mamaya.




Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon