Kamusta mga tropa? I am really sorry kung sobrang late na ng update ko sa story na ito but still thankful pa rin ako sa mga sumusuporta at sumusunod sa TMK. Well, just like other love stories ito na ang part kung saan matetest ang pagmamahalan nila Onse at Cen, kaya gusto ko rin malaman ang magiging opinyon niyo about this....papayag kaya si Onse or tuluyan niyang hahayaang umalis si Cen?
Syempre may disclaimer pa rin to! Hahahaha may mga mura dito..in short pala-mura mga characters ko kaya wag na kayong mag-inaso diyan. By the way Enjoy Reading guys!!
"Onse.." nag-aaalalang tawag ni Cen sa akin pagkalabas niya ng kwarto. After kasi ng makita ko yun ay nagpaalam muna ako sa kanya na sa labas ko na lang muna siya hihintayin. Takte kasi sana hindi ko na lang pinakialamanan yun o binasa...Tangina truth hurts nga talaga ata!
Takte tsong! Hindi ko alam bakit ganito yung nararamdaman ko. Bakit parang bigla akong nalungkot at kinabahan sa nakita ko ? Petition letter yun galing US Embassy na nagsasabing approve na ang petition sa kanya ng nanay niya. Hay! Takte naman oh! Makakapunta na siya ng ibang bansa.... pero tengene alam ko namang hindi ako naiinggit eh! Nasasaktan ako tsong!
"Huy! Tignan mo nagluto ako ng Adobo hahaha turo ni Kuya Benjie kaya mukhang Menudo yan pero wag kang mag-alala lasang Afritada yan" sagot ko dito habang abala ako sa paghahain sa kanya. Pero nanatiling nakatingin lang sa akin si Cen.
"Huy! Ano na kain na! Sabihin mo kung masarap pag hindi bubugbugin natin si Kuya Benjie hahaha" untag ko dito habang pilit kong itinatago ang totoong nararamdaman ko.
"Yung tungkol sa sulat...." paguumpisa nito
"Ah yun ba? Hahaha angas mo ha! Malapit ka na palang maging English spokening dollar ha hahaha. Basta papasalabungan mo ako ng snow, o kahit toblerone man lang ha hahaha" tumatawa kong sabi dito kahit alam ko sa sarili ko na kabiligtaran ang nararamdaman ko. Pota! Bakit ba ako nasasaktan? Eh nanay niya yun kaya dapat lang na sumama siya doon.
"Hindi pa naman ako nakakapagdecide Onse eh. Sa akin pa rin naman manggagaling yung desisyon kaya okay pa rin..walang magbabago..walang dapat magbago" seryoso nitong sabi sa akin habang hawak hawak niya ang kamay ko.
"Gagi! Ano ka ba! Okay lang yun! Saka nanay mo yan kaya sure ako na sabik na sabik na sayo yun. At saka Cen maraming Pilipino ang naghahangad na makapunta sa America, takte yung iba nga nagTTNT pa eh..pero ikaw ticket na lang kailangan..." pampalubag loob kong sabi dito habang pilit kong nilalabanan ang sarili kong emosyon.
Okay lang yan Onse! Takte ka! Wag kang iiyak di bagay mukha kang gago!
"Hahayaan mo ba akong umalis? Okay lang ba sayo Onse?" Seryosong tanong sa akin ni Cen habang titig na titig siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin. Gusto ko siyang pigilan at sabihin na "gago ka ba? Paano tayo?!" Pero sa kabilang banda iniisip ko naman yung pagkakataon at magandang buhay na pwedeng mawala sa kanya kung papalampasin niya lang ito. Saka nanay niya ang naghihintay sa kanya doon...pamilya yun kaya dapat hindi niya ipagpalit yun sa kahit na ano.... o kahit na sino.
"May pasok pa pala ako Cen! Sige diyan ka na muna. Isauli mo yang kaserola ha,wag kang dupang! Sige bye!" Sabi ko dito bago ako nagmamadaling lumabas ng bahay nila. Lakad takbo ang ginawa dahil kung magiistay ako doon ay tiyak na maiiyak lang ako dahil sa nalaman ko.
Takte ka Cen! Mahal mo ako pero aalis ka pala. Sana next year mo na lang ako minahal para nakabalik ka na o di naman kaya sa susunod na sampung taon para green card holder ka ng hayop ka!
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.