TMK 20

5.8K 297 17
                                    

Few Chapters na lang sana pero narealized ko na mukhang mapapahaba pa ata ang kwento but then again gusto ko pa rin kayong pasalamatan sa patuloy na pagtangkilik at pagbabasa ng kwento. I know na sobrang dalang na lang ng pag-update ko pero guys I am assuring you na matatapos ang story na ito before mag end of the world hahaha.

Again may disclaimer pa rin to ha, medyo brutal at palamura ang mga characters ko so sana intindihin niyo na lang sila hahahah.



"Onse may problema ka ba? Bakit parang lutang ka? Wag ko lang talaga malalamang nag-aadik ka at mamatay ka sa bugbug ko, uso pa naman patayan nang ganyan ngayon" banta sa akin ni Kuya Jawo nang madatnan niya akong nakatulala sa kwarto ko.



Tignan mo ang dami agad nasabi? Nahusgahan agad ang pagkatao ko...grabe naman!



"Takteng yan! Pag lutang adik agad? Bakit si Kuya Benjie mukhang adik yun,hindi mo pa binubugbog? Judger ka Kuya!" Katwiran ko dahilan para batukan ako nito




"Dinamay mo na naman si Benjie ha, nanahimik yun sa labas" sabi nito na hindi ko na sinagot pa dahil baka mag-asawang batok na naman ang isagot sa akin ni Kuya Jawo




"Ikaw nga magsabi sa akin ng totoo Onse , may problema ba kayo ni Cen at halatang iniiwasan mo ang syota mo. Umamin ka nga! Wag ka nang magsinungaling" Tanong nito





"Wala nga Kuya. Nagrereflect kasi ako. Yoga! Ganun! Takte lagi na Lang akong pinagduduhan ha" angil ko dito pero inakbayan lang ako ni Kuya Jawo at ginulo ang buhok ko.




"Malaki ka na Onse at kung ano man yang pianagdadaanan mo tiwala akong malalampasan mo yan. Tandaan mo na kahit anong mangyari may mga kuya ka na handa kang ipagtangggol at damayan sa lahat ng problema mo" seryoso nitong sabi sa akin kaya napayakap na lang ako sa kanya sa sobrang tuwa at antig ko.




"So tungkol nga ba sa inyo ni Cen ang problema?" Tanong ulit nito sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi tumango.




"Onse...mahal ka ni Cen. Nakikita at nararamdaman ko yun. Hindi naman siguro yun mag-aabang araw araw sa labas kung hindi ka mahalaga sa kanya. Kausapin mo naman yung tao Onse. Wag mong sarilihin yang iniisip mo! Para ka namang hindi lalaki niyan eh" sabi ulit nito kaya isang buntong hininga na lang ang inilabas ko bago ako tumayo at tuluyang lumabas ng kwarto.





Hindi nga ako nagkakamali at nasa sala nga si Cen na nakayukong naghihintay.



"Onse.." kaagad na sabi nito




"Uy nandito ka pala. Pasensiya na medyo masama kasi lagi ang pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw" palusot ko dito pero tinignan lang ako nito nang seryoso




"Onse naman hindi mo kailangang magsinungaling. Alam ko naman na iniisip mo pa rin yung tungkol sa sulat eh. Kaya nga ako nandito kasi gusto kong ipaliwanag yun sayo"sabi nito habang lumalapit sa akin




"Uy hindi ah! Saka sup....." palusot ko pa sana nang bigla ulit siyang magsalita




"Takte Onse! Nakikiusap ako kahit ngayon lang makinig ka naman sa akin.Pagusapan naman natin yun" Inis na nitong sabi kaya dumiretso na lang ako ng upo sa salas habang sumunod naman siya.




"Oh game ano na yang sasabihin mo! Wildflower na oh! Angas ni Maja doon. Takte itim ba naman yung wedding gown! Ano yun burol o kasal? Hahaha" sabi ko dito para kahit papaano ay mabawasan ang kaba at tensyon na nararamdaman ko. Takte! Ito yung pakiramdam na pilit mong inaalis yung totoong nararamdaman mo pero mahirap eh!




Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon