Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for the late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!
"Bakit ba hindi ka mapakali diyan?! Kanina pa ako naalibadbaran sayo ha!" Yamot na saway sa akin ni Kuya Benjie habang ako naman ay kanina pa dito sa kusina kasama ang kapatid ko na kanina pa din kain nang kain, wala naman kaming pagkain..siguro placemat binabanatan nito.
"Sino nag-isip nang kagaguhan na yun?
Ano bang problema niyo?!" Galit kong tanong dito na tinawanan lang ni Kuya Benjie"Hahhahha gagi! Eh ano naman? Para kang gago diyan.. Ano bang masama kung kausapin ni Pareng Cen si Kuya Jawo? Saka naging magtropa din naman yun dati" katwiran nito sabay bitaw nang ngising nakakaloko.
Paano ako mapapanatag niyan kung ganito pa itong si Kuya Benjie. Oo..I mean one week after nang malandi naming tagpo ni Cen ay wala nang ginawa ang gago kung hindi tumambay dito sa bahay. Siya pa nga ang sumama sa commencement exercise ko nung last day ko sa crash course ko. In short..oo..nagfeeling boyfriend na ulit si gago... Hindi na rin naman ako tumanggi o naginarte kasi... mahal pa rin naman ang isat-isa. Sabihin niyo nang ang easy to get ko mga tsong pero wala na kayon paki! Mahal ko eh!
"Kilala ko kayo! Ano na namang kagaguhan pinaplano niyo?! Hoy Kuya Benjie! Akala ko ba kakampi kita..tapos ngayon kung makasuporta ka sa abnormal na yun.wagas? Takte balimbing ka pala eh!" akusa ko dito
"Hoy bunganga mo! Saka nag-uusap kami ni Kuya Jawo nang biglang sumulpot yang syota mo kaya pinakiusap ko na. Hindi ko naman alam na ganyan pala katagal yang paguusap na yan..takte palowbat na nga ako eh!" Reklamo nito na tinapunan ko na lang ng mansanas dahil sa sobrang inis ko.
Alam ko eh! Alam ko eh! Kilala ko yang si Cen eh.. may kagaguhan na naman yang iniisip. Takte parang ang sama ko namang syota para pag-isipan nang ganun siya...pero masama din naman siya kaya tabla lang.
Dahil hindi nga ako mapakali...takte bigla ko na lang pala naisip na dahil nga tapos na ang crash course ko..isa na akong dakilang tambay ngayon. Hay naku..nabanggit ko lang naman, walang connect. So balik na nga tayo,dahil medyo hindi ako mapakali ay lumabas muna ako para bumili ng zest-o, tinatamad kasi akong magtimpla ng kape saka wala na din kaming coffeemate eh hahaha.
"Aling Ninay isang zest-o apple" sabi ko kaagad pagkarating ko sa bahay nila Cen. Baligtad siya ngayon yung nasa bahay namin dahil sa pagiging gala niya at dahil nga hiyang-hiya ako...ako na lang ang lumabas.
"Ay nandiyan ka pala Onse...bibili ka?" Nakangiting bungad ni Aling Ninay na nginiwian ko na lang. Iba din eh, noong isang linggo pa ito. Kung pwede ko lang sagutin ng " wala pa kaluluwa ko lang to" or pwede ding " hindi hoholdapin kita"... Pero wag tayong ganun mga tsong..kung titignan parang kamag-anak ko na din ito.
"Ah oho..zesto apple po. Bumili po ako baka nakalimutan niyo..zesto apple po ano?Ang saya eh noh?" Nakangiti kong sabi kaya kaagad niya namang kinuha iyon at inabot sa akin.
Busyngbusy ako sa pagsipsip ng zest-o nang bigla na namang dumating si Hansel na mukhang galing pa sa court dahil dala-dala niya na naman yung bola na nahulog sa kanal noong isang araw.
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.