TMK 1

14.3K 450 67
                                    



Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan. Patnubay char lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to.



"Takte naman eh! Alam na marami akong ginagawa ako pa rin?! Lagi na lang bang ako ha?!" Inis kong reklamo sa mga kasama ko sa bahay habang ang mga ito naman ay parang wala man lang narinig.


"Bilis na Onse, dami mo pang reklamo e. Sumunod ka na lang!"  sagot lang sa akin ni Kuya Benjie habang nakatutok pa rin ang mata sa tv. Dutdutin ko yang mata mo eh!


"Kayo na kasi! Nagbabasa ako eh. Tsanggalang yan! Ang tatamad eh!" Sabi ko pa dito habang iritang-irita pa rin ako. Nawala tuloy ang concentration ko sa binabasa ko!


"Isa Onse ha, bilis na lamang ang Ginebra di kami pwedeng umalis." Seryosong utos ni Kuya Jawo. As if naman na matatalo yang Ginebra kung aalis sila!


Yan ang mga magagaling kong kapatid na wala nang ibang ginawa kung hindi utusan ako nang utusan. Sa araw araw ba namang ginawa ng Diyos ay ako na lang lagi ang bukambibig ng mga damuhong ito sa tuwing may kailangang gawin. Ultimo pagtatapon ng pinagbalatan ng tsitsirya ay ako pa rin ang tatawagin ng mga yan, paghuhugas ng pinggan, pagdodouble check kung nakalock ang gate, pagbunot ng mga saksakan..almost lahat except nga lang sa paglalaba at pagluluto. Kung hindi ko lang mga kapatid yan ay matagal ko nang binigwasan e, yung combo ng uppercut, tapos may halong left hook! Pero syempre di ko kayang gawin yun sa lalaki ba naman ng katawan ng mga yan eh siguradong baldog ako kung nagkataon at saka hindi talaga  pwede kasi sila na nga lang ang kasama ko sa buhay e.



Tama kayo ng iniisip, kaming tatlo na lang ang magkakasama sa bahay dahil maaga kaming naulila sa magulang. Si Kuya Jawo ang panganay sa edad 29 years old kasalukuyang manager ng isang bangko sa Makati at siya rin ang pinaka-kinatatakutan ko sa kanilang dalawa. Sa laki ba naman ng muscles nun siguradong durog ako pag inumpog doon. Si Kuya Jawo rin ang tumatayong tatay sa amin dahil siya na halos ang naghirap para mapagtapos kami sa pag-aaral, yun din ang reason kung bakit siya ang batas sa bahay.



Si Kuya Benji naman ang pangalawa na 26 years old , tattoo artist yan at kung minsan naman ay sumasideline na graffiti artist, siya naman ang madalas kung makaaway dahil sa lakas mang-alaska ng ulul na ito. Kabaligtaran ni Kuya Jawo ay mas happy-go-lucky naman si Kuya Benjie at mas madalas tumambay.



At ako ang bunso, Si Onse Dimagiba...22 years old at kasalukuyang call center agent sa Taguig. Weird ng name ko noh? Ewan ko ba ang sabi sakin ni Kuya Jawo si Nanay daw ang nagpangalan sa akin dahil a-onse daw ang anniversary nila nanay at tatay. At ang pangalan naman daw nila ay isinunod sa mga paboritong basketball players ni tatay na si Benjie Paras at Jaworsky.



"Takteng yan! Bibili lang ng Redhorse ako pa rin?! Akin na yun pera!" Yamot kong sabi sabay padabog kong kinuha ang pera na kanina pa nila inaabot sa akin.



"Tangina ayusin mo yang mukha mo Onse, semana santa na naman oh!" Narinig kong pahabol na asar ni Kuya Benjie na binato ko na lang ng basahan sabay takbo palabas ng bahay. Akala mo ha! Hihirit ka pa e!


Akala mo naman kung sino! Eh siya nga e, ginawa niya ng sketch pad yung katawan niya sa dami ng tattoo. Saka paano ba namang hindi ako sisimangot?!! Wala na silang ginawa kung hindi utusan ako kesho bumili ka nito, gawin mo ito, kunin mo to! ,dinaig pa ang mga lumpo sa katamaran. Takteng yan! bakit ba kailangang laging bunso ang kawawain?


Matapos ang ilang lakad ay narating ko din ang tindahan ni Aling Ninay.


"Aling Ninay...apat na red horse nga" bungad ko dito habang busy akong nakatingin sa cellphone ko nag-aabang ng text ng katrabaho ko kung papayag ba siyang makipagpalit ng shift.


Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon