Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong..
"Oh anong tinitingin-tingin mo diyan? Ginagago mo ata akong hayop ka eh? Wag nga!" Pag-aangas ko dito
"Ano bang masama ha? Gusto ko lang namang titigan syota ko eh. Hindi naman siguro masamang tignan ang mahal ko noh? Hahaha pa-virgin ka eh noh?" tumatawa nitong sagot
Dalawang linggo ang nakalipas at masasabi ko na kahit papaano ay buhay pa ako. Yung gamot? Ang napipigilan niya lang ay yung matinding paghapdi ng mata ko pero yung panlalabo? Tuloy tuloy pa rin eh. So sad tuloy. Nakasuot na din ako ng salamin ngayon...yung mirror hahaha takte joke lang ! Yung eyeglass syempre. Sabi kasi ni Kuya Jawo tuloy pa rin daw ang paghahanap niya ng doktor na pwedeng mag-opera sa akin ASAP.
Pero on a serious not syempre hindi ko naman maipagkakaila na kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangayari knowing the fact na ito rin pala ang dahilan nang pagkabulag ng mama ko noon. Siguro talagang mas pinipili ko na maging positive kahit isang katerba ang dahilan para maging negative...saka si Kuya Jawo..alam ko naman na gagawin niya lahat para hindi ako mabulag eh.
"Mukhang goodboy ka sa new look mo ngayon ha! Hahahaha ano yan pang porma lang?" Tanong ko nito sa akin
"Ahhh...ha...oo pang porma lang. Para maiba naman" pagsisinungaling ko dito
Hindi ko pa rin kasi alam kung paano ko sasabihin kay Cen na medyo hindi maganda ang kondisyon ng mata ko. Umaasa na lang muna talaga ako na makahanap kami ni Kuya ng Doktor na pwede kung pagpaoperahan ng mata. Hindi na din muna ako masyadong naglalalabas ng bahay dahil iniiwasan na mapasukan ng dumi ang mata ko..ewan ko ba basta ang daming alam ni Kuya Jawo daig pa sila doktora eh.
"Huy!!! Bakit natulala ka na diyan?! Ano ng nangyayari sayo? Lutang ka eh noh?" Untag sa akin ni Cen nang hindi agad ako makasagot sa kanya
"Ay sorry...may daga kasi eh..nakipageye contact sa akin. Akala ko si Mickey Mouse eh hahaha" palusot ko dito na ikinakunot ng noo nito
"Loko-loko ka talaga hanggang ngayon. Oo nga pala Onse si Nanay...last chemotherapy niya na bukas tapos after nun oobserbahan na lang siya then...baka next year makauwi na din agad ako. Angas noh? Mahal na mahal talaga ako ni Lord...makakasama na ulit agad kita. Medyo mapapabilis ang pagkikita ulit natin" masayang balita nito na ikinatango ko na lang.
Mabuti naman at malapit na ang paggaling ng nanay niya. Gusto ko mang maging masaya dahil malapit na ulit siyang makabalik dito...ay natatakot rin ako dahil ako naman ang madadatnan niyang hindi okay. Takte yan oh! Naawa din naman ako kay Cen at ayokong puro stress na lang ang maibigay ko sa kanya.
"Hoy!!! Tsanggala Onse! Nagdadrugs ka ba at lagi kang tulala? Umayos-ayos ka Onse ha! Pag ikaw natukhang diyan...yari ka talagang ulul ka!" Sigaw na naman nitong reklamo
"Gago!! Adik agad?! Si Kuya Benjie mukhang adik pero ako? Im innocent,pure and tamed" sagot ko dito
"Ulul! Dami mong alam! Pure ka diyan?! Tinira na nga kita eh hahahahaha" asar naman nito sa akin
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.