Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong.."Baka naman kung kani-kanino ka na pumpatol diyan? Tsanggala uuwi talaga ako diyan para kaltukan kayo ng kabit mo!" Nakasimangot na sabi nito
"Oo! Marami akong kabit dito mga kinse! kaya umuwi ka na baka wala ka nang maabutan dito hahaha" asar ko dito
"Onse ha?! Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Nangako ka sa akin na ako lang tapos ngayon kakabit ka? Tangnang yan! At saka anong walang maabutan? Ulul! Aagawin at aagawin kita sa mga gago diyan!" inis na nitong sabi sa akin na ikinatawa ko na lang. Pikon talaga ang baliw na ito.
Dalawang araw din kasi kaming hindi kami nakapagvideocall ni Cen kaya kung anu-ano na ang pumasok sa kokote ni gago. Kesho nanlalaki daw,baka daw nakabuntis ako kulang na lang pagbintangan akong pumatay ng tao eh. Daming alam.Sarap sapakin eh! Kulit ng utak. Pero syempre hindi na ako magiinaso, nakakakilig din naman
"Alam mo namang ikaw lang Cen di ba? Aarte ka pang hayop ka eh!" Sabi ko dito na ikinangiti naman nito
"Talagang ako lang dapat. Baka bugbugin ko yang mga umaaligid-aligid sayo. Pati yang Sir Samuel mo? Tsanggala manghihiram yan ng mukha sa mga aso pag binugbug ko yun" mayabang na sabi nito
"Ulul baka ikaw manghiram ng mukha sa aso! Saka nananahimik yung tao wag mo nang idamay! Sira ka eh noh?" Sagot ko dito
"Hoy Onse! Alam ko ang karakas ng mga ganung lalaki. Kunwari lalapit-lapit lang muna tapos pag okay na..yan! Diyan biglang manunuklaw" kwento nito
"Katulad mo! Tinuklaw mo akong gago ka di ba?" Tanong ko dito habang pinipigilan ko ang pagtawa
"Nagustuhan mo naman? Hahahahaha sayang nga eh hindi na natin naulit nung nandiyan ako. Ikaw kasi eh dami mong arte" maloko nitong sabi na binigyan ko kaagad ng middle finger
"Bantayan mo na nga yang tindahan niyo diyan! Puro na naman kalibugan laman ng utak mo eh." Sagot ko na lang dito
"Kunwari ka pa eh. Yari ka sa akin pag nagkita ulit tayo. Isang linggong tuloy tuloy hahaha" asar nito na tinawanan ko na lang din
"Miss na kita gago. Miss na miss" seryoso kong sabi dito na ikinatigil niya din sa pagtawa
"Gustong-gusto ko nang umuwi.. gustong-gusto ko na Onse maniwala ka" malungkot nitong sagot
"Ang hirap pala noh? Sobrang hirap. Pero wala eh..sobrang mahal kitang hayop ka kaya willing akong magtiis" sabi ko dito
"Onse naman. Wag mo akong paiiyakin. Kung alam mo lang kung gaano kita kamiss.." sagot nito
"Magiingat ka diyan ! Bobo ka pa naman. Sige Cen ingat ha. Pasabi kay Tita paggaling siya" bilin ko na lamang dito dahil ayoko namang pabigatin pa ang loob niya kun magdadrama lang ako nang magdadrama.
"Mahal na mahal kita Onse" sagot nito
"Mahal na mahal din kita Cen. Sobra sobra pa sa sa pinaka sobra" sagot ko bago ko tuluyang inoff ang laptop ko.
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.