Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for the late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!"Sino ba yan?"
Para akong natuklaw ng ahas sa hindi namin inaasahang pagkikita. Gulat,saya,kaba at takot ang naramdaman ko, ewan ko ba basta ito na ang tinatawag na mixed emotions. Yung tipong gusto ko siyang yakapin pero alam ko na hindi yun ganun kadali.
"Cen....." bigkas ko. Pero ewan ko pero may mali. Walang emosyon ang mga mata niya, hindi ko mabasa kung natutuwa din ba siyang makita ako o hindi? Hindi ko alam kung galit ba yung nakikita ko o talagang wala na lang sa kanya ang makita ako ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?" Monotone na sabi nito sabay sindi sa hawak niyang sigarilyo.
"Boss kilala mo pala ito? Hahahaha biruin mo yun? Kagabi pa yan dito Boss Cen namimilit pa nga eh hahaha" singit ni Jinggoy habang ako naman ay nakatulala pa ring nakatitig kay Cen.
"Nasaan ba oto niyan?" Tanong ni Cen dito kaya umalis sila parang puntahan ang nakagrahe kong sasakyan. Para naman akong natuod na lang sa kinatatayuan ko, kasi after 6 years...magkaharap na ulit kami. Hindi inaasahan pero natutuwa ako.
"Boss Onse...may tinatanong si Bossing ko dito" sigaw ni Jinggoy kaya dali-dali na din akong nagpunta sa kinatatayuan nila.
"Anong nangyari dito?" Tanong ni Cen habang hit-hit buga pa rin siya ng sigarilyo. Bumalik na pala siya na paninigarilyo...ano pa nga bang ineexpect ko syempre marami nang nagbago sa anim na taon.
Pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako makasagot. Nakatulala lang ako sa kanya.
"Huy! Boss Onse, ano daw nangyari sa oto niyo?" Pukaw nj Jinggoy nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita.
"Ahh...nnabung..go ng motor....nabunggo" utal na sagot ko habang nakatingin silang naghihintay sa sagot ko.
"Tatlong araw...tatlong araw bago yan magawa" sabi ni Cen na medyo ikinaalarma ko. Masyado nang matagal ang tatlong araw at for sure magdududa si Kuya Benjie nun,baka nga sumugod pa yun sa bahay ni Lindsy eh.
"Masyado naman atang matagal yun. Hindi ba kaya ng dalawang araw?" Angal ko na ikinatingin lang sa akin ni Cen.
"Pwede naman.. pero hindi sa talyer namin. Pumunta ka sa ibang talyer. Sige Jinggoy alis na ako,may lakad pa ako" walang emosyong sabi ni Cen sabay alis sana na medyo ikina-alarma ko kaya hinabol ko kaagad ito at hinawakan sa kamay.
"Sorry...." biglang lumabas sa bunganga ko. Hindi ko alam pero yun na lang bigla ang nasabi ko.
Kunot-noong tumingin sa akin si Cen sabay alis ng kamay niya mula sa pagkakahawak ko dito.
"Tsk...Jinggoy ikaw bahala dito. Mamayang gabi ko yan aasikasuhin" bilin nito kay Jinggoy sabay lakad ulit palayo. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa ipinapakita niya ngayon, parang hindi niya ako kilala, para wala lang kaming nakaraan....pero dapat inexpect ko na ito eh. Kasalanan ko naman kung bakit nangyari ito,ginusto ko kaya dapat pagdusahan ko.
"Bossing Onse okay ka lang ba?" Tanong ni Jinggoy sa akin nang mapansing niyang hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Parang ngayon ko gustong gawin yung ipinangako ko sa kanya noon...na maghihintay ako... pero hindi kasi naduwag ako at sarili ko lang ang inisip ko.
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.