Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha.
Salamat mga tsong sa suporta hahaha natatawa at natutuwa ako sa mga comments niyo. Hahahaha. And nga pala mga tsong at mamshi..twice a week lang po ako allowed mag-update. Super busy lang po talaga.
Kinabukasan as expected ay hindi nga ako hinatid ni Cen. Takte naman baka naman sumuko na yun o tuluyang ayaw niya na. Hindi ko naman siya masisisi eh, hindi man lang ba ma-appreciate ang effort mo ay tiyak na mababadtrip ka. Eh ako naman si Tanga na nagsisisi ngayon! Dapat kasi eh.. Ang gago ko din eh! Inarte ang pota! Bahala na nga. Pero takte may kasalanan din siya kahit kunti noh? Pag mahal dapat hindi ka sumusuko agad di ba? Gago pala siya eh!
"Onse! Kanina ka pa kinakausap ni Sir Samuel. Lutang ka na naman hay naku! PDEA na yan! Punyeta ka ayoko ng katabing adik ha" Sabi sa akin ni Lindsy
"Ay...Y..yes Sir?" Utal kong sabi habang nakatitig nang masama kay Lindsy. Takteng babaeng to ah! Nakakarami ng dialogue eh, baka mamaya ito pa makatuluyan ka! Pota itigil na ang istoryang to!
Lutang ata ako ngayon dahil kanina pa ako sa opisina pero wala pa akong maayos na tawag,dahil kung hindi ko nabababaaan ay madalas iba ang nasasakot ko sa kanila.
"Are you okay Onse? Youre spacing out" tanong nito sa akin kaya medyo nahiya ako. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin dahil una si Cen ang tumatakbo sa isip ko at pangawala...hindi ko alam ang spacing out.. hahahaha yun ba yung laro sa phone na 3310 dati.
"Ay pasensiya na Sir..hindi po kasi alam ni Onse ang spacing out. Alam niya lang po ay space impact" singit ni Lindsy na kaagad kong pinitik habang si Sir Samuel naman ay tumatawa.
"Kapal! Alam ko yun oy! 93 ang average ko sa english baliw tapos sumali pa ako nun sa declamation ulul! Wag kang loloko-loko!" depensa ko pero mukhang hindi naniniwala si Lindsy. Takte ayoko namang mapahiya sa harap ng boss namin.. pwede siguro pag nakatalikod siya or even side view para maangas.
"Asus deny pa more Onse! Hahahaha. Sige nga ano ang spacing out? Oh ano aber? Tignan mo! Nga-nga!" Asar na tanong sa akin ni Lindsy kaya medyo natigilan ako.
Bakit kasi kailangan pang gumamit ng ganung term ni Sir Samuel. Pwede niya namang sabihin na "mukhang hindi ka okay ha" ,may paspacing-out spacing out pang nalalaman eh. Walang hiya din tong si Lindsy eh, ano to may paquiz-bee siya? Eh kung siya kaya ang tanungin ko tungkol sa lahat ng mga naging ex ni Jose Rizal baka siya ang ngumanga.
"Secret ko na yun! Baka mamaya hindi mo alam tapos nagkukunwari ka lang. Alam ko na yang style mo Lindsy! Tanggalin ko yang ngala-ngala mo eh!"!palusot ko dito
"Okay stop it guys. You guys are really funny. By the way Onse based on your calls today I could see that your not fit to work today so I am commanding you to go home na. Rest Onse I guess you need that" sabi nito na medyo ikinahiya ko naman. Takte Onse pati trabaho mo naaapektuhan na ng kalandian mo. Pasalamat na lang talaga ako at mabait ang boss dahil kung iba yun...takte sisante na!
"Sir ako din po I need a rest" singit ni Lindsy na tinawanan lang ni Sir Sameul
"Rest in peace ang kailangan mo baliw! Sige bye uwi na lang muna siguro ako. Salamat po Sir Samuel,pasensiya na po kung medyo wala ako sa sarili...nakapatay po kasi ako ng ipis kanina and hanggang ngayon naguguilty pa rin ako" sabi ko sabay kuha ng bag ko. Dahil nga wala na akong ineexpect na magsusundo sa akin ay kaagad na akong pumara ng taxi pauwi. Tignan mo dahil sa kaartehan ko ngayon napataxi ako ng wala sa oras, wala na ngang pera eh.
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.