Mas Tinaktehan 9

6K 291 57
                                    

Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for the late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!



"Onse sakto kauuwi mo lang, dito ka muna magbabasketball lang muna kami nila Hansel at ng tropa" salubong agad sa akin ni Kuya Benjie pagkadating ko ng bahay




"Oo na umalis ka na! Langya ka Kuya ang lalaki ng mga dala kong canvas hindi mo man lang ako tinulungan. Nakatingin ka lang diyang ungas ka" reklamo ko dito habang tinitignan ko siya nang masama.




"Gaan gaan lang niyan eh! Saka okay yan para maka-muscles ka man lang kagaya nito" mayabang na sabi nito sabay flex ng braso niya sa harap ko.




"Tabi mukha kang tang diyan" sabi ko dito sabay sagi sa kanya para makapasok na ako nang tuluyan sa bahay. Takte nakakapagod sa school ngayon at halos tatlong paintings din ang ginawa natin. Ang sakit tuloy ng kamay ko, kung alam ko lang sana nagwelding na lang ako na course.




Dalawang araw na din simula nang ikwento sa akin ni Hansel ang pagbabalik daw nila Aling Ninay pero so far wala pa namang tao dahil inaayos pa daw. Nagdadasal na lang talaga ako na sana ibang kamag-anak na lang o di naman kaya ay si Aling Ninay na lang. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano ko haharapin si Cen, iniisip ko baka pwedeng sideview? Or nakaslant na lang? Hahaha tengene Pero on a serious not (huwaw) siguro dahil na din sa halong sakit,lungkot at galit ang nararamdaman ko. Saka isa pa sa iniisip ko na sana si Aling Ninay lang para naman makabili pa ako sa tindahan nila,ang layo kasi nang pinagbibilhan namin ngayon eh maka 3 blocks away (sorry lakas maka-subdivision)



Before dinner nang dumating ang grupo nila Kuya Benjie na mukhang galing sa awat dahil hawak-hawak nila ang kapatid ko. Pero normal naman yun pag nangangagat ang mga aso eh hahaha inaawat talaga.




"Oh Hansel anong nangyari diyan?" Tanong ko kay Hansel dahil mukhang wala sa mood si Kuya Benjie habang ang mga kasama naman nila ay pilit itong pinapakalma. Dapat anaesthesia ang binigay para solid o di kaya pang pangimay hahaha. Wait feeling ko ang sama ko ng kapatid haha.




"Ahh Onse medyo nabadtrip kasi si Kuya Benjie mo.. may nakaaway sa court kanina...oo may nakaaway" sagot ni Hansel sa akin sabay tingin namin kay Kuya Benjie.




"Naku naku, baka naman naagawan ka lang ng bola Kuya ha hahahah asar talo ka talaga" panloloko ko dito pero walang tumawa sa halip nagtinginan lang sa akin ang mga tropa nito sabay aksyon ng "Lagot ka".





"Mga pre umuwi muna kayo"seryosong utos ni Kuya Benjie sa mga kaibigan niya pero halos lahat silang parang tinatakot pa rin ako,mga to for sure makikiinom lang ng tubig ang mga to kasi ang lamig ng ref namin eh..alam na galawan para makalibre ng ice-tubig. Pero ! Pota ano bang meron? Anong kinakaman ko. Bakit parang kasalanan ko? Bakit parang ako ang may kasalanan?





"Kuya uy ano ba nangyari? Bakit parang galit na galit ka naman ata?" Tanong ko dito pero lukot pa rin ang mukha nito. Given na mukha na namang lukot ang mukha nito.





"Wala ako sa mood ngayon Onse ha, kumain ka na doon at matulog" seryosong sabi nito. Ano to hindi man lang ako iinom ng tubig?




Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon