Mas Tinaktehan 2

5K 296 62
                                    

Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!



"Bilis-bilisan mo diyan Onse, ano kailangan mo ba nang tulong sa pagbaba? Kanina ka pa diyan eh" Sigaw ni Kuya Benjie mula sa baba ng bahay namin. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit kinakailangang dito pa ilagay ang kwarto ko sa second floor ng bahay.





"Pababa na Kuya Benjie, kalma lang..relax ka muna diyan" sabi ko habang kinukuha ko ang black shades na naging paborito ko na din. Papalapit pa lang ako sa huling baitang ng hagdan namin nang magsalita na naman si Kuya Benjie. Yan nga siguro ang dahilan kung bakit lagi silang magkaaway ng girlfriend niya dahil daig niya pa ang babae kung mag-tatatalak.






"Hay naku Onse, kanina ka pa hinihintay ng kaibigan mo sa labas oh.. akala ko ba sanay ka na? Tsk tsk, magiingat ka doon ha kung may problema sabihin mo kay Lindsy para tawagan agad ako." Talak na naman nito kaya tumawa na lang ako.






"Ayan sige tawa ka pa, diyan ka magaling eh. Hindi mo kasi sinusunod yung mga utos ko kaya lagi kang napapahamak..kung nandito lang sana si Kuya Jawo..." sabi nito sa akin na medyo ikinatigil ko.





"Sorry Onse...sige hatid na kita palabas" sabi nito bago ako inakbayan palabas ng bahay namin. Kuya Jawo :(






Mabuti na lang talaga at nagampanan ni Kuya Benjie ang pagiging Kuya sa akin lalo na ngayon at wala na si Kuya Jawo. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot dahil syempre iba pa rin si Kuya Jawo.






"Hoy ano toh?! Ang tagal lumabas ha,saka yang Kuya mo hindi man lang ako pinapasok ng bahay ninyo. Ano to? Vendor ba ako ha?!Salbahe kayo ha!" Inis na bungad sa amin ni Lindsy na tinawanan lang ni Kuya Benjie






"Sensya na Lindsy may ginawa lang ako saka inalalayan ko kasi si Onse" sagot ni Kuya Benjie na inarapan lang ni Lindsy





"Ang OA ha! Hoy Onse tatlong taon ka nang hindi bulag noh?! Naku naku! Wag ninyo kasing i-baby yan kaya lalong nagiging maldito yan eh" sabi nito  pinitik ko na lang sa tenga sabay sakay sa sasakyan ni Kuya Benjie. Ipinahiram niya kasi ito para magamit namin ni Lindsy sa pagpunta namin sa Manila.





Yes,oo nga pala. 6 years ago we decided uhmm to be honest I suggested sa brothers ko na if pwede lumipat na lang kami ng bahay for a new start and for a new beginning. Alam ko na malaking adjustment yun sa amin kung nagkataon dahil sobrang napamahal na din kami sa mga kapitbahay namin pero ganun talaga eh..kailangan...Kaya ayun sakto naman at may nakita agad na bahay si Kuya Jawo dito sa Antipolo kaya nakuha niya agad to for rent-to-own. Ugh miss ko na si Kuya Jawo. And si Lindsy? Siya lang nakakaalam kung saan kami nakatira ngayon kasi nagpasya na din before ang mga Kuya ko na hindi na lang ipaalam sa mga kapitbahay at kaibigan namin kung saan kami lumipat.






"So saan mo ba balak pumunta ngayon Onse? Jusko ha nag-off ako sa work ngayon para lang maging chaperone mo" tanong agad ni Lindsy sa akin habang nagmamaneho ako.





"I have a lot of things to finish for today eh. Saka alam mo naman na I am planning to enrol sa isang painting or visual arts course" sagot ko dito sabay ngiti







"Kadiri Onse ha! Ano to bata ka pa ba at magdadrawing-drawing ka pang nalalaman? Bumalik ka na kasi doon sa kumpanya ako na bahala sayo doon ang taas na nang position ko doon eh" taklesang sabi nito






Takte Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon