Whats up guys! Still this story may contain words,terms or expressions that may not be suitable for our young readers. So kung maarte ka? Layas! Hahaha basta hindi ko pwedeng alisin yung mga bagay na yun in here coz it adds up color and aura to my characters. Sorry for the late update alam ko marami sa inyo ang nagrerequest for a longer update pero ito na po ang best ko guys.For the second half of this story I am hoping that you guys will find time to enjoy and maybe learn na din at the same time! Maraming Salamat!
"Ihahatid na nga kita eh, sandali lang magbubuhos lang ako!!" sigaw ni Kuya Benjie mula sa kubeta pero dahil nga matigas ang ulo ko ay lumabas na agad ako ng bahay. Bahala siya sa buhay niya. Gagawin niya naman akong elementary sa gagawin niya eh,tapos ano pababaunan niya ako ng zest-o at cream-o? Takteng yan!
Alam ko na pala ang gagawin ko,itetext ko na lang ang syota niya na yayain yung lumabas para naman hindi paghihigpit lang sa akin ang alam niyang gawin.
Pasakay na sana ako sa tricycle nang may bigla akong masanggi. Tangina! Dejevu? Wait hindi kaya?....
"Ay sorry pre" sabi ko na lang. Sabay sigh of relief nang makitang hindi siya yun? Pota Onse bakit ba siya pa rin ang iniisip mo? Syempre pota din ng kabilang utak , hindi naman yun ganun kadaling kalimutan noh!
"Hindi okay lang, una ka na sasabit na lang ako sa likod" sagot nito kaya hindi na ako nagreact. Bahala siya sa buhay niya ang init-init kaya sa labas. Pagkababa namin ng tricycle ay naghintay na ako sa sakayan ng UV papasok sa University na pag-aaralan ko pero kasunod ko pa rin yung lalaking kasabay ko sa pila.
"Pre" sabi nito kaya lumingon ako para tignan ito
"Ah hahaha hi...ako si Hansel" sabi nito sabay lahad ng kamay
"Ah, ano ngayon?" Tanong ko dito na medyo nagtataka pa rin. Takte hindi naman sa pagsusuplado pero ang weird kasi na bigla na lang siyang magpapakilala eh hindi ko naman tinatanong. Basta ganun. Alangan namang sabihin ko na "ok thank you for sharing"
"Ang totoo niyan kilala kita Onse haha, kapitbahay ninyo ako" sabi nito na medyo ikinalaki ng mata ko. Tangina nakakahiya baka sabihin naman nito ang sama kong tao , baka lalong masira ang image ko paano na yan pag tumakbo akong barangay tanod dito?
"Naku naku pre sorry,hindi ko alam. Kababalik lang kasi namin diyan noong isang araw kaya hindi ko kilala mga new neighbors namin. Ganun lang talaga ako. Nice to meet you Hansel sensya na" sabi ko dito sabay abot sa kamay niya na naka-abang pa rin. Pota nakakahiya tuloy.
"Hehe okay lang. Nakukwento din kasi ng mga tropa na medyo masungit ka daw. Ang nakasama ko lang kasi dati ay mga Kuya mo eh, bata ka pa kasi noon eh tapos hindi ka pa pinapalabas ni Jawo" kwento nito na ikinakunot ng noo ko.
"Ibig sabihin noon ka pa namin kapitbahay? Eh bakit hindi man lang kita nakita kahit isang beses noon?" Takang tanong ko na ikinatawa nito. Pota,adik ata ito eh.
"Anong nakakatawa? Ginagago mo ba ako?" Tanong ko ulit dito na mas ikinatawa pa nito.
"Hahaha sorry..Onse...na-aamaze lang ako kasi totoo pala yung kwento ng mga tropa dati na walastik daw ang kasupladuhan mo...Pero yung sa tanong mo kanina...three years ago nang bumalik kami diyan eh ..sa ibang bansa kasi ako nagcollege at highschool" sagot nito na ikinatango ko na lang sabay harap na ulit sa pila only to found out na ang layo na pala nang sinusundan ko. Takte kaya pala nakasimangot na yung mga tao sa likod namin. Aba, malay ko ba? Kasalanan ko pa ganun? Gago sila ha!
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.