Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha."Oh di ba sabi ko sayo kalimutan mo muna yang loverboy mo! I told you! Move on na kasi eh!" paepal na sabi ni Lindsy habang nilalagyan niya ng yelo ang baso ko.
"Loverboy amputa... tumigil ka na nga Lindsy ano ka nanay ko? Saka okay ako ! Gagi parang yun lang?! Asus basic!" Inis kong sagot dito
Katatapos lang kasi nang shift namin and napagkasunduan naming uminom muna dito sa Eastwood,actually ako talaga ang nagyaya..wala lang masama bang uminom? Ang napagkasunduan talaga ay dalawa lang kami pero ayun pinasunod ni Lindsy si Sir Samuel na naka-off ngayon para daw may magbabantay sa amin in-case malasing. Ang kapal ng mukha eh,boss pa talaga ang ginawang tagapagbantay
"Naku Onse ha! Baka mamaya magpakalasing ka dito tapos magwala ka ha?! Iiwan talaga kita dito! Ang image ko masisira, hindi kita ibibaby-sit dito" bilin nito sa akin na hinagisan ko ng yelo dahil sa kadaldalan nito.
"Oo maglalasing talaga ako tapos magwawala then babasagin ko yung mga bote sa bunganga mo para hindi ka na rin makapagsalita. Ang daldal mo eh noh?" Yamot kong sabi dito
"Atleast ako hindi brokenhearted noh. Masaya ako at hindi luhaan. Hay naku talaga ang love sobrang unpredictable ,papasayahin ka then boom bigla ka na lang iiyak" maarte nitong sabi
"Atleast ako marunong magmahal.. oh ano angal ka?! Burn ka noh? Buti nga sayo!" Ganti ko dito
"Stop there my dear! Hindi porket hindi ako nagrerelationship hindi na ako marunong magmahal noh! Ayoko lang masaktan. I'm guarding my heart,nagkalat pa naman mga paasa sa paligid and unfortunately mas madami ang mga tulad mo...tanga" reason nito
"Duwag ka lang.." sabi ko sabay tungga ng baso
"Look who's talking. Baka naman ikaw ang duwag kasi nga di ba hindi mo masabi diyan sa syota-syotaan mo na mahal mo na siya. Kaya ngayon ayan! Youre broken, really broken nang hindi niya man lang alam" sabi nito na nakapagpatigil sa akin.
Ako? Duwag? Takte halos lahat nga kaya kong hamunin nang away eh. Pero tama ba si Lindsy? Hindi! Hindi! Hindi ako duwag,ayoko lang na mas pababain ang sarili ko dahil for sure naman na gaguhan lang ang relasyon namin para sa kanya.. may syota na ngang iba eh!
"Tignan mo natameme ka? Hay naku Onse,mas gugustuhin ko pang tawagin mo akong hindi marunong magmahal kesa naman masaktan ako like you na walang dahilan" pahabol pa nito na ikinainis ko na
"Aba! Kanina ka pa ha! Bat ba nangrereal-talk ka? Baka gusto mong magkaroon ng panganay ha?" Galit kong tanong dito na ikinatawa lang nito. Jusko psycho ata ang babaeng ito.
Takte ang lakas mang real talk ni Lindsy. Masakit pero totoo eh. Though may mga opinion at stand siya na hindi ganun katama sa mata ng tao pero makikita mo pa rin na inaayon niya yun sa realidad. Angas din nito eh sarap sungalngalin.
"Hahahah shut up Onse! Anong panganay? Duhh Kahit na gwapo ka ,straight men pa rin ang nakakapagpa-wet sa akin hahahaha" nang-aasar nitong sabi
"Ulul!! Lalaki ako noh!" Yamot kong sabi dito
"Na lalaki din ang gusto? Hahaha ako ba niloloko mo o sarili mo? Come on Onse! Walang straight na nagkakagusto sa kapwa" pahabol nito
BINABASA MO ANG
Takte Mahal Kita
HumorDahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.